Chapter 28

2164 Words
CHLOE'S POV "Tulad ng sabi mo na may gusto ka saakin at matagal mo na akong mahal, ganun din ang narardaman ko Chloe. Matagal nadin akong may gusto sayo at matagal na rin kitang mahal," seryosong sabi ni Brantly. My God! Nanaginip ba ako?! Totoo ba itong narinig ko? Si Brantly ba talaga itong nasa harapan ko? Pero dapat seryoso! Dapat hindi ako maging malambot kay Brantly. Baka kasi trip lang niya ito para gumanti sa pagpapanggap ko. "Hindi mo ako maloloko Brantly! Ikaw mag kakagusto saakin?! Kahit si Margaux naman talaga ang nasa puso mo! Pwede ba, Brantly wag nyo akong pagtripan! Ilang taon na akong nag papakatanga ah! Bakit gusto nyo pa bang alipinin ako? Grabe naman Brantly! Maawa naman kayo saakin!" Hindi siya sumagot sa mga sinasabi ko. Tumabi siya saakin at saka siya nag salita. "Chloe, noong una kong pasok sa school, nung first year pa tayo, sa maniwala ka't hindi, ikaw kaagad ang napansin ko. Hindi ko alam pero, biglang tumibok ang puso ko simula nung makita kita. Laking tuwa ko nga na nireregaluhan mo ako noon, kaso hindi ko pinapahatala na nagiging masaya ako at kinikilig sayo dahil nahihiya ako at sobrang torpe ko talaga at saka hindi totoo na tinatapon ko yung mga nireregalo mo saakin. Yung iba pwede pa, pero yung sayo ang pinaka special saakin kaya lahat ng regalo mo ay tinatago ko sa aparador ko, kung saan ako lang ang nakakaalam at saka balak ko na noon na ligawan ka, pero laking gulat ko nalang na isang araw nag pagupit ka ng buhok at naging tomboy ka. Lalo kong kinagulat nang lumapit ka saamin nila Chandler at Lance tapos bigla mong sinabi na sasali ka nga sa grupo namin. Halata mo ba noon na kapag kinakausap kita ay hindi ako tumitingin sayo. Kasi pag eye to eye na, nagiging malambot na ako kaya pinipili ko nalang na makipag usap sayo ng hindi tumitingin sa mata mo. Ayaw kitang tanggapin noon sa grupo namin dahil nahihiya talaga ako sayo at ayaw kong makasama ka dahil feeling ko hindi ako makagalaw ng maayos. Pero nag pumilit si Lance na tanggapin ka kaya naman ayun napapayag narin ako, pero 'yun nga lang, magiging utusan kalang namin. Masakit man saakin na naging utusan ka pero, 'yun lang ang paraan para isipin mong masungit at bad boy ako. Lalong tumatagal noon ay lalo kang nagiging malapit kay Lance at nagiging close kayo kaya naman minsan nakakaramdam ako nang selos. Lalo na yung time na hinalikan mo si Chandler sa bar dahil sa kalasingan mo. Sobrang selos ang naramdaman ko nun. Inisip ko nga na sana ako nalang ang hinalikan mo. Simula noon ay pinilit ko nalang ibaling sa iba ang nararamdaman ko. Yun nga si Margaux. Pero ganun paman, ikaw at ikaw parin Chloe. Ibang iba ka kay Margaux. Tinago ko nalang ang pag ka gusto ko sayo kahit na gustong gusto na kitang ligawan. Nagiging malakas ang pag ka torpe ko kapag nasa harap na kita. Pero nitong gabi ang lalong nag pa biyak ng puso ko. Ikaw na pala ang girlfriend na aking kababata na si Tristan. Alam mo bang mangiyak-ngiyak ako kanina nung nalaman kong ikaw yung girlfriend niya. Lalo na yung nalaman kong pinagtangkaan ka papala ni Lance. Galit na galit ako sa sarili ko Chloe dahil hindi ako ang nag tanggol sayo kay Lance. Wala ako sa tuwing nasa panganib ka. Salamat nalang at nandyan pala sa tabi mo kung minsan si Chandler na sure kong may gusto din siya sayo. Pero laking galit ko talaga sa ginawa ni Lance kaya ayun, nasapak ko siya kanina. Napuno nang galit ang isip at puso ko kanina kaya napag salitaan narin kita! Sorry Chloe kung mabagal ako. Siguro naman ngayon eh, si Tristan na ang nasa puso mo kaya masaya narin ako na naibaling mo na sa iba ang pag mamahal mo. Naawa narin kasi ako sayo dahil nagiging tanga ka dahil saakin. Sana masaya ka sa tabi ni Tristan. Wag kang mag alala, hindi siraulo yun pag dating sa pag ibig. Chloe, bago ako tuluyan umalis dito ay pwede bang humingi ako ng favor. Pwede ba kitang halikan sa labi mo kahit ngayon lang?" Hinawakan ni Brantly ng kanyang dalawang kamay ang aking mga pisngi at he kiss me passionately na may halong mga luha sa kanyang mga mata. Parehas ata kaming lumuluha ngayon, habang magkalapat ang aming mga labi. Pag katapos nun ay nag salita ulit si Brantly. "Salamat Chloe at naisakatuparan ko narin ang matagal na matagal ko nang wish sa buhay ko. Ang maging first kiss ka. Sige na, aalis na ako Chloe. Umuwi ka narin at malamig dito sa labas. Anyway, nais ko nga palang sabihin sayo na your so beautiful tonight. Ikaw ang pinaka magandang babae na nakilala ko sa aking buhay. Hanggang sa muli Chloe." Pag kaalis na pag kaalis ni Brantly ay halos humagulgol ako. Bakit hindi ko siya pinigilan sa pag alis? Bakit hindi ko pa nasabing hindi ko talagang boyfriend si Tristan? Ang tanga tanga ko talaga. Bakit ba kasi naging bato ako sa pag halik ni Brantly. Grabe! Yung halik ni Brantly ang naging kakaiba sa lahat ng humalik saakin. Damang dama kong ang pag ibig na gustong iparating ni Brantly. Punong puno ng pag mamahal ang halik niya. "Kung tatabi ako sayo, gusto ko sa kanan mo para masabi nila na, im the right person for you and i will never be like the other person who left you." Nagulat nalang ako kay Chandler na sabay abot saakin ng panyo. "Nakakagulat ka naman, p-paano mo ako nahanap dito?" Tanong ko sa kanya na may halong hikbi dahil sa pag iyak. "Tama na yang pag iyak mo, mabuti nga naiilabas mo na yung matagal mo nang tinatago kay Brantly." "Ikaw talaga Chandler ang gulo mo din! Bakit mo ako pinapansin ngayon?! Di'bat palagi mo akong iniirapan? Galit ka diba saakin?" "Eh, bakit kasi hindi mo sinabi saakin na may boyfriend kana tapos nag sinungaling kapa saakin na pinsan mo yung lalaking nasa harap ng bahay mo. Yun pala ang totoo, kasintahan mo pala kaya nainis ako sayo." "Oh, kung nainis ka, bakit mo pa ako sinundan dito?!" "Concern lang ako sayo, baka kasi mamaya mag pakamatay ka dyan eh! Sayang naman ang ganda ganda mo pa naman ngayon!" "Hayaan mo na Chandler, Atleast maganda ako bago mamatay. Kaya halika Chandler, ihatid mo ako sa bangin at tatalon na ako para naman maging lubos na lubos nang mawala ang sakit sa puso ko!" "Ikaw chloe, 'yan ang gusto ko sayo eh, nakukuha mo pang mag-joke kahit na napaka emosyonal na ang nararamdaman mo ngayon," nakangiting sabi ni Chandler. "Hahaha! Eh, ikaw kasi eh, ang OA mo! Ba't naman ako magpapakamatay? Anyway, anong nangyari doon sa bahay ni Lance?" tanong ko sa kanya. "Ayun, isa isa narin kaming umalis. Yung boyfriend mo, ayun sinapak ng isa si Lance bago tuluyang umalis. Pero si Brantly iniwan lang si Margaux doon kina Lance. Ako naman hinanap kita, baka kasi kung mapaano ka. Pinuntahan nga kita sa bahay nyo eh, kaso wala ka doon kaya naman naisip kong baka nasa park ka. Ayun, tama nga ako, nandito ka nga!" Paliwanag ni Chandler. "H-hindi ko naman talaga boyfriend si Tristan eh, palabas lang namin yun," seryoso kong sabi kay Chandler. "What?! P-pero bakit hindi mo agad sinabi, lalong lalo na kay Brantly? Alam mo bang hindi niya talagang mahal at hindi niya sineseryoso si Margaux! Noon nakaraang linggo, inamin na niya saamin na mahal ka nga daw niya! Kinausap niya kami na itago namin yun, kaya naman si Lance nung nalaman yun, inunahan na niya si Brantly kaya nag tapat na siya sayo. Halos ata kaming tatlot Chloe ay napa-ibig mo. Nagulat ka?! Oo, inaamin ko na din sayo na may gusto din ako sayo at napamahal narin ako sayo dahil sa ikaw ang unang nakahalik saakin. Nainlove ako sayo, pero this time, i know na si Brantly talaga ang tunay mong mahal, kaya handa akong magparaya ng pag ibig ko sayo basta sumaya kalang! Huwag kang aalis Chloe, may taong darating dito mamaya!" Sabi ni Chandler sabay alis at tumakbo ng mabilis. Nakita ko bago siya umalis ay nanginginig ang kanyang mga mata, na parang ilang saglit nalang ay tutulo na ang kanyang mga luha. Mahal niya din ako? Anong nangyayari? Ayoko ng ganito. Ang dami kong sinaktan! I can't imagine na silang tatlo pala'y napaibig ko, isama na natin si Tristan kaya apat na lalaki?! Pero naawa naman ako bigla kay Chandler, hindi niya pinaglaban ang kanyang nararamdaman para saakin. Mas pinili niya yung ikasasaya ko! Hindi gaya ni Tristan at Lance na namimilit. "M-may sasabihin ka daw?!" Nagulat nalang ako bigla ng dumating ulit si Brantly. Siya pala yung sinasabi ni Chandler na dadating. Grabe! Tinulungan talaga ako ni Chandler. Bigla akong tumayo at niyakap ko siya. "I LOVE YOU, BRANTLY! Hindi talaga kami ni Tristan, nagpapanggap lang kami." Bigla kong sabi kay Brantly. Nilakasan ko na ang loob ko dahil sayang naman ang effort ni Chandler. "T-totoo ba yang sinabi mo?!" Gulat na tanong ni Brantly na masaya ang tono. "Yes, Brantly!" Sagot ko sa kanya. "Ano ito?! Bitawan mo ang girlfriend ko Brantly!" Biglang dumating si Tristan at hinatak niya ako sa pag kakayakap ko kay Brantly. "Excuse me Bro! I know na ang lahat-lahat. Inamin na saakin ni Chloe na hindi talaga kayo, kaya akin na ngayon si Chloe. Ako talaga ang mahal niya at mahal ko rin siya!" Sagot ni Brantly sabay hatak naman saakin at niyakap ako. Dahil malandi na din ako, ginantihan ko lang din siya ng yakap. Ang haba ng talaga ng hair ko, pinag aagawa ako ng dalawang lalaki dito sa park, kaya naman sari-sari ulit na bulungan ang nadinig ko. "Uy look, si brokenhearted girl pinag aagawan ng dalawang gwapings!" "Oo nga, ang swerte naman niya!" "Oo nga, ganyan talaga kapag maganda. Sana kasing ganda ko rin siya. "Kung ako siya, mahihirapan ako pumili kasi parehas gwapings yung dalawang boys!" "Yeah, right ka dyan! Ang haba ng hair talaga ni Ateng!" "Pare, talo-talo naba tayo ngayon. Ako ang nauna sa kanya tapos aagawin mo siya saakin at saka hindi ba't may margaux kana! Chloe, please choose me! Please be with me!" Sabi ni Tristan na tila desperado na. Pero naawa naman ako kay Tristan kahit naman kasi papaano ay naging mabait siya saakin. Pero ito na kasi ang pag kakataon. Matagal na matagal ko itong hinintay. "I'm sorry Tristan, pero si Brantly talaga ang gusto ko. Ito na ang pag kakataon kong kay tagal kong hinintay. Aarte paba ako?! Kaya please lang Tristan, layuan mo na ako!" Seryoso kong sabi kay Tristan habang nakayakap parin sa matipunong katawan ni Brantly. Walang nagawa si Tristan kung di umalis nalang ng luhaan. "Chloe ang saya saya ko na akin kana talaga!" sabi ni Brantly habang nakayap parin ako sa kanya. "Akin ka diyan! Bakit hindi ka pa nga nan liligaw eh, saka how about Margaux?! Kayo pa diba??!" Tanong ko sa kanya sabay bitaw sa pag kakayakap niya. "Wag mong alalahanin yun. Hindi naman talaga totoo ang pag mamahal ko dun, ni hindi ko pa nga hinahalikan yun sa labi eh," sagot ni Brantly na siya naman kinatuwa ko. "Hindi mo pa yun hinahalikan?!" Tanong ko. "Oo, kaya nga diba humingi ako ng favor sayo kanina na pwede ba kitang halikan kasi gusto kong ikaw ang maging first kiss ko. Matagal ko nang wini-wish yun every 11:11 mapa tang hali man o gabi. Inaabangan ko ang oras nayun makapag wish lang, pero ayun, natupad nga ang wish ko. Kaya naman next wish ko naman ay sana ay ikaw ang makatuluyan ko. At saka pwede isa pang favor? Gusto ko ulit ng second kiss, please?!" Bigla bigla akong hinalikan ni Brantly na halos ata malunod ako sa pag kakahalik niya. "B-brantly! Balak mo ba akong lunurin ng halik mo? Look oh, pinag titinginan tuloy tayo dito!" Sabay tingin kami doon sa mga tao. Lahat sila ay natatawa at kinikilig saamin. "Wag mo silang pansinin, mga naiinggit lang yan! So, ano na Chloe pwede na ba akong manligaw?" Tanong niya sa seryosong tono. "Hindi, ayoko. Gusto ko, mag break muna kayo ni Margaux. Ayokong maging kabet! Gusto ko ako ang legal na girlfriend mo!" Mataray kong sabi kay Brantly. "Okay, sige-sige! Nukas na bukas ay hihiwalayan ko na yun. Pero Chloe, favor isa nalang! Want ko pa ng third kiss, pwede ba?" Tanong niya with puppy eyes pa! Napaka loko niya talaga. "Ayoko! Habulin mo muna ako!" Sabi ko sabay takbo. Grabe siya! Naadik na ata si Brantly sa halik sa labi ko. Natikman lang ang labi kong masarap naadik na hahaha! "Pag nahuli kita, pupudpurin kita ng halik Chloe! Ayan na ako!" Ang landi lang namin. Ang bilis nang pangyayari, pero laban! Ito na kami eh, matagal ko itong pinangarap kaya laban na laban na ako. See you soon, talunan na Margaux!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD