Chapter 29

1612 Words
MARGAUX'S POV Anong ibig sabihin nito?! Bakit nalang ako iniwan ng basta-basta ni Brantly sa ere? Wag niyang sabihing lumambot siya dahil umamin si Chloe sa kanya?! Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, kaya ayokong mag aayos si Chloe eh! Humanda siya kapag iniwan ako ni Brantly! Sinasabe ko sa kanya, malilintikan siya saakin! "Tumayo ka nga diyan! Bakit diyan kapa nakahandusay sa damuhan?! Mamaya mangati ka pa diyan." Nagulat nalang ako kay Lance. "Ikaw! Diba may gusto ka din kay Chloe? Bakit hindi mo siya ipag laban? Ligawan mo! Ang shunga mo kasi eh! Aanga-anga ka!" pasigaw kong sabi kay Lance. "Nagkakamali ka! Pinaglaban ko siya, ngunit ayaw niya talaga saakin, kaya wala akong magagawa," sagot niya. Mahina ito. "So, ano sino daw talaga gusto niya? Si brantly? Yung boyfriend ko? Malandi din talaga yung babaeng yun eh!" "Eh, bakit hindi mo sinundan si Brantly? Bakit ka iyak ng iyak na tila ka inagawan ng ice cream diyan? Bakit hindi mo hinabol?" "Mahahabol ko ba yun eh, napakabilis tumakbo. Saka look oh, naka hills ako! Mukha bang makakatakbo ako nito? Tanga ka talaga!" "Halika, mabuti pa daanin nalang natin sa alak itong mga puso nating sawi," pag aaya ni Lance. Hindi narin ako tumanggi dahil gusto ko ding mahugasan ng alcohol ang masakit kong puso na sinugatan ni Brantly dahil sa haliparot na si Chloe. Humanda talaga siya kapag nagkalabuan kami ni Brantly. **** CHANDLER'S POV Masakit sa damdaming hindi ko pinaglaban ang nararamdaman ko kay Chloe. Gustong gusto ko na siyang ligawan kanina, pero ayoko naman na maging kami, pero ang puso niya ay nakatuon kay Brantly. Para naring sinaksak ko ang puso ko nun. Nag paraya ako kung saan sasaya si Chloe. Ganun ko siya ka-mahal. Patay ang ilaw dito sa bahay namin habang umiiyak ako. Ayokong may makakita saakin, pero laking gulat ko nalang nang biglang bumukas iyun at nag salita si Jillian. "Sabi ko na nga ba eh, ikaw yang umiiyak eh, what happen kuya? Bakit ka umiiyak?!" Tanong ni Jillian habang niyayakap niya ako. Kinocomport niya ako. "Wala na baby si Ate Chloe mo," mangiyak ngiyak kong sabi kay Jillian. Ang OA noh, pero talagang masakit eh. "What?! Why?! Anong kinamatay ni Ate Chloe?? OMG! Tara puntahan natin siya, kawawa naman siya, hindi pwedeng mang-yari ito!" gulat na gulat na sabi ni Jillian na tila ba naluluka na sa pag kakakumarat. "Gagi! Hindi siya namatay! OA ka naman! I mean, wala na, hindi na magiging kami dahil mag kakaboyfriend na siya." "Ah! Akala ko kung ano na. Teka, bakit mo naman hinahayaan siyang maagaw nang iba?" "Baby mas mahal niya si kuya Brantly mo kesa saakin kaya nag paraya nalang ako." "What?! Si kuya Brantly? Diba sila ni miss Witch? Si Margaux?" gulat na tanong ni Jillian. "Oo, pero hindi naman niya talaga mahal yun. Matagal narin palang may gusto si kuya Brantly mo kay Chloe, tinatago niya lang. Gaya ni Ate Chloe mo na matagal narin may gusto kay Brantly. Oh, diba talagang sila ang para sa isat isa." "Ganun ba kuya? Napakabait mo talaga, mas pinili mo yung ikasasaya ni Ate Chloe. Sige, kuya iiyak mo lang yan, para mawala lahat ng sakit diyan sa puso mo." Mabuti nalang may kapatid akong parang matanda na mag salita. Kahit mismo si Jillian maintindihan kung ano yung tama at mali. "Sige na Baby, matulog ka na ulit! Iwan mo muna akong mag isa." "Sige po kuya. Dont worry, makakahanap ka din ng iba na mas mag mamahal sayo ng lubos," sabi niya bago tuluyang bumalik sa kwarto niya. **** BRANTLY'S POV "Bakit namumula ka Chloe?!" tanong ko sa kanya. "Eh, kasi naman! Tignan mo yung daanan, mamaya mabangga tayo, titig ka ng titig diyan saakin," sagot ni Chloe. Ang cute niyang kasing pag masdan pag nahihiya at namumula. Pero, grabe! Ang ganda niya talaga ngayon, lalo tuloy akong na-iinlove. Anong saya ang nadarama ko ngayon. Feeling ko lumilipad ako sa alapaap. Hindi ako makapaniwala na malapit ko nang maabot ang aking pangarap! Ito nga siya't kasama ko na ngayon. "Okay sabi mo eh, pero Chloe bukas susunduin kita. Gusto ko sabay tayong papasok sa school." Excited na ako mag bukas kasi bukas magiging kami na. "Ha? P-pero parang hindi ko pa ata kayang humarap sa kanila na kasama ka. Nahihiya pa ako. Sure akong sari-saring comment ang madidinig ko bukas. Baka lalo pang dumami ang mambubully saakin. Idagdag pa natin si Margaux. Naku, sure akong pag iinitan ako nun." Hindi ko hahayaang may umapi sa babaeng pinaka mamahal ko. "Wag kang mag alala, ako makakalaban nila!" Sagot ko kay Chloe. Talagang hindi ko hahayaang may umano saaking pinakamamahal. "S-salamat Brantly. Favor naman, kurutin mo nga ako," seryosong sabi ni Chloe. Bakit naman kaya nag papakurot siya? "Bakit naman?!" Tanong ko. "Baka kasi nananaginip lang ako, hindi talaga ako makapaniwala," masayang sabi ni Chloe. "Maniwala ka na dahil totoo lahat ng mga nangyayari ngayon. Saka ayokong kurutin ka dahil ayoko kitang saktan. Ganun kita ka mahal." "Kaya pala ang sakit nang pag kakatulak mo saakin noon, nung pinag tanggol mo si Margaux!" Nakasimangot na sabi ni Chloe at talagang nag paawa effect pa. Ang cute lang. "Eh, kasi naman, nagawa ko yun kasi selos na selos ako sainyo ni Lance noon, ang sweet sweet nyo tapos ayun nakagawa ako ng tiyempo na makaganti, nag sumbong si Margaux na tinulak mo daw siya, kaya ayun nagawa ko yun dahil nag seselos ako!" sabi ko sa kanya. "So, hindi para sa ipagtanggol mo kay margaux yun? Dahil pala sa selos?!" Tanong niya tapos nakataas pa ang kilay. "Oo, kaya wag na wag mo akong pag seselosin kundi---" Kundi ano? Bubugbugin mo ako?! O tutulak mo ulit ako ng malakas?!" Mataray niyang sabi. "Hindi! Lulunurin kita sa halik hanggang sa mamatay ka!" pabiro kong sabi sa kanya. "Ganun pala ha! Wait, ihinto mo muna sa gilid yung kotse," sabi niya kaya naman ginawa ko yung sinabi niya. "Oh, bakit mo ako pinahinto?!" Tanong ko sa kanya. "Pikit ka muna. Wag kang didilat, hanggat hindi ko sinasabi," sabi niya kaya naman pumukit na ako. Siguro hahalikan niya ako. Wow! I can't wait, Matitikman ko na naman ang matamis niyang halik. "Okay, sige dumilat kana!" Nagulat ako sa kanya dahil nasa labas na siya. Ang daya. Akala ko hahalikan na niya ako ulit. "B-bakit ka bumaba?!" Gulat kong tanong sa kanya na nakakunot ang noo. "Baka po nandito na yung bahay ko!" sabi niya. "Ayy oo nga." "Alam mo na itong bahay ko?" Gulat niyang tanong. "Oo, dati pa nung first year pa tayo. Sinundan kita noon para malaman ko kung saan ka nakatira. Palagi nga akong nag mamanman sayo para lang makita kita eh." "Ow! Talaga ba? Nakaka OMG talaga! Hindi ko inaakala yang mga sinasabi mo. Pero ang galing galing mo talaga mag tago ng feelings eh, hindi ko talaga ramdan dati na may gusto ka saakin," sabi niya nang nakangiti. "Ang galing noh? Pero, Chloe bago ka pumasok sa bahay mo please, wala bang akong ano?!" Sabi ko sa kanya sabay patulis ng nguso. "Ayaw! Hindi pa tayo, kaya hindi pa pwede ang kiss, maliwanag?!" Sabi niya na papikit-pikit pa, nagpapacute pa hahaha! Ang cute talagang mag pacute ni Chloe. "Eh, bakit kanina pumayag kana. Tatlong kiss na nga ako diyan sa mga matatamis mong labi eh." "Eh, mag nanakaw ka eh! Sapilitan yun! Sige na at papasok na ako, salamat sa pag hatid. Ingat ka sa pag mamaneho," sabi niya. Langyang yan, wala manlang i love you ah. "Teka, Chloe wala bang i love you diyan, pam pakilig lang bago ako umalis." "Okay, sabi mo eh, I LOVE YOU! GOODNIGHT AND SWEETDREAMS!" Sabi niya sa tonong malambing, sabay ngiti ng malupit. "I love you too, Chloe. Goodnight din and sweetdreams. Oh, saluhin mo itong flying kiss ko," sabi ko sa kanya. Sumakay naman sa pakulo ko si Chloe. "Oh, ito nasalo ko na. Kaso, hindi ko ilalagay ito sa labi ko. Saka na, bleee! Hahaha!" sabi niya sabay pasok sa bahay niya. ***** LANCE'S POV Nakarami na kami ng inom ni Margaux. Takte, malakas pala itong iinom. Halos liyong liyo na ako pero siya mukhang wala lang. "H-halika ka na Margaux, i-ihatid na kita sa inyo kahit liyo na ako." Bahala na kung saan kami makakarating ni Margaux. "M-mamaya na, nag eenjoy pa ako eh, p-pero Lance, p-pwede ba kitang halikan sa labi?!" Pag tatanong ni Margaux. Grabe! Iba pala ang tama ng alak kay Margaux. Nagiging wild siya. "M-margaux hindi tama, m-magagalit si Brantly saakin," pag tatanggi ko. Pero nagulat ako nang bigla niya akong sunggaban, kaya naglapat na ang aming mga labi. Nadala ako sa pag halik ni Margaux kaya naman, i started, kissing her. Hindi ko alam pero, bahala na sa mga mangyayari. After 10 seconds, it became, passionate. My both hands, are roaming around her body. Pero pamandali kaming huminto at itinayo ko siya at saka ko siya tinulak sa may sofa. Nagulat nalang ako nang maging mukha ni Chloe yung mukha ni Margaux. Siguro dala narin nang pag kalasing k, kaya naman lalo na akong nawala sa katinuan. I started kissing her neck, down to her collar bone. then back to her lips. Puro ganun lang ang ginawa ko. Pero masyado nang umiinit kaya, i removed her, dress and she unbuttoned my polo. I unhooked her bra, and she started removing my pants. My kisses, started to go down. Napasabunot nalang siya at napapamoan. "Ah...owwww... L-lance go lang..." sabi niya na tila nagiging ulol na aso sa pang uungol. I started removing, her panty, and now were both naked. Bahala na si batman. Inumpisahan naman niya kaya laban na din ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD