Chapter 30

1995 Words
CHLOE'S POV Time check, 1:20 am na pero here buhay parin ang katawang lupa ko. Bakit ba kasi hindi ako makatulog? Siguro iniisip ako ni Brantly my love. Grabe! Napakapaka saya ko. Yung feeling na yung crush mo dati na nainlove ka ng sobra na matagal na matagal mo nang gusto at mahal eh, may gusto rin pala sayo at mahal niya rin pala ikaw. OMG! na talaga! As in, parang lumulutang ako sa sobrang saya. Ito nga't kahit ala una na madaling araw ay nag tatatalon parin ako sa kama ko Hahaha! I'm so excited na bukas na may halong saya na mayrong kaba. Bukas nganga silang lahat saakin dahil ang bratling pinapangarap nila ay akin na! Ako na yata ang pinaka swerteng babae sa balat ng lupa. KINABUKASAN, 6:30am ako nagising dahil super excited na ulit akong mag suot ng pang girl na uniform. "Namiss kita ang uniform ko," sabi ko sabay halik doon sa hawak kong white blouse na uniform ko. At dahil matagal kong hindi nasuot itong uniform kong pang girl, need niyang planstyahin dahil super lukot na lukot siya. Habang nag paplastya ako ay bigla nalang may kumatok sa pintuan ng bahay ko. Agad naman akong nag tungo doon para pagbuksan kung sino man 'yun. Pag ka bukas ko ng pinto ay agad akong nagulat. "T-tristan?! Bakit napadaan?!" tanong ko sa kanya pero bakit tila napaka seryoso ng mukha niya at di manlang mangiti kahit bahagya ay kinagulat ko na din na may hawak siyang emvelope na puti. "Kaya ako nandito ay baka kasi sabihin mo na hindi ako sumusunod sa kasunduan natin. Ito na yung bayad kong 50 thousand, salamat sa cooperation ha? Sige, mauna na ako," sabi niya sa matamlay na tono. "T-teka, Tristan hindi ko ito matatanggap! Hindi ba't hindi ako nakasunod sa pinapagawa mo! Pumalpak ako Tristan! Bakit mo pa ako babayaran? Actually nga nag papasalamat pa ako dahil doon nagkalabasan kami nang nararamdaman ni Brantly." "Stop, Chloe! Ayoko nang maalala yung nangyari kagabi. Masyado na akong nasa---" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya at bigla ko siyang niyakap. "S-sorry talaga Tristan... sorry kung nasaktan kita, pero sabi ko naman sayo diba na bawal ma-inlove? Binalaan naman kita diba? Saka itong 50 thousand, hindi ko talaga matatanggap ito. Sobra sobra na nga yung pinamili mo saakin nun nung nag mall tayo eh, masyado nang malaki ang nagastos mo." "Hindi basta basta mag hihilom ang sugat na ginawa mo saakin sa pag yakap mong yan. Ganto nalang Chloe, babawiin ko na yang 50 thousand, pero hindi ako titigil sa panliligaw sayo at guguluhin ko kayo ni Brantly, ano deal?" "Ano ba naman 'yan, Tristan! Sige na, sige na tatanggapin ko na itong pera." Pag kasabi ko nun ay sabay alis narin siya. Pero tinawag ko siya at nilapitan. "Tristan?" tawag ko sa kanya sabay punta sa harapan niya. "What Chloe?" Tanong niya na matamlay parin. "Friend?" Sabi ko sabay abot ko ng kamay sa kanya. "Hanggang diyan nalang ba talaga? Di joke, sige friend, kahit masakit," sagot niya sabay abot sa kamay ko at nag shake hands kami. "Dont worry, Tristan makakahanap ka naman din na girl para sayo o kaya naman balikan mo ulit si Trixie Girl," pang aasar ko. "No comment Chloe, sige na, see you nalang sa school later, bye." Pero bago siya tuluyang umalis ay pinigilan ko ulit siya. "Wait Tristan, bago ka umalis gusto ko muna makita kang nakangiti ka. Ayoko ng malungkot ka, pumapangit ka, ang gwapo-gwapo eh," sabi ko. Napilit ko siya, kaya napangiti narin ang gunggong. "Ayan oh, ano masaya ka na?" Dabi niya ng naka todo smile. Ang gwapong bundol nito. "Ganyan nga at dapat sa school ganyan din dapat ang gawin mong smile at sure mag kakaroon ka din doon na mga taga-hanga mo tulad nila Brantly, Chandler at Lance. Super sikat sila sa school dahil kapag gwapo ay in na in yan sa school at sure din akong sisikat ka." "Ang dami mong alam Chloe. Gumayak ka na at nandito na ata ang sundo mo," aniya sabay turo nang nguso niya sa aking likuran. Pag lingon ko sa likod ko ay super gwapo na lalaki ang nakita ko. Si Brantly ngayon na mukhang blooming na blooming. Inlove na nga ata siya. Ayos na ayos ang buhok at pananamit niya. Lalo tuloy akong na-iinlove. "Chloe, yung laway mo patulo na!" pang-aasar ni Tristan. "Tse! Umalis ka na nga, panira ka!" sabi ko sa kanya. Sinalubong ni Tristan si Brantly. "Bro, ingatan mo si Chloe. Sa oras na umiyak yan, humanda ka saakin! Babambuhin kita!" Sabi ni Tristan kay Brantly. "Oo ba. By the way, bakit nga ba nandito ka? Hindi mo pa rin ba tinitigilan ang Chloe ko?" Wow Chloe ko daw oh, kilig much ako. "Wala! May inabot lang ako sa kanya. Dont worry, hindi ko kayo guguluhin. Pero sa oras talaga na maging cold sayo si Chloe, sorry pare, aagawin ko siya sayo, kaya mahalin mo siya nang todo-todo at wag na wag mong paluluhain siya na kahit isang patak at talagang bibigyan kita ng black eye! Maliwanag Brantly?!" Seryosong sabi ni Tristan kay Brantly. "Opo, boss Tristan," naka ngising sabi ni Brantly. Lumabas tuloy ang mapang lag-lag panty na ngiti ni Brantly. Ang gwapo talaga. Akin na ba talaga yang gwapong yan? Parang gusto ko na tuloy mag pa buntis kay Brantly ng hindi na niya ako iwan at matuloy na sa kasalan Hahaha! CHAROT! ***** MARGAUX'S POV Nagising nalang ako na nakayakap kay Lance at parehas pa kaming naked dito sa malaki nilang sofa kaya naman napa sigaw ako at dahil sa malakas kong sigaw ay nagising din si Lance. Nang magising siya ay napa sigaw nalang din siya at biglang napatayo. Nakita ko tuloy yung ano niya, kaya muli na naman akong napa sigaw. "Ew, Lance! Pwede ba mag tapis ka naman sa katawan mo at nakita ko na tuloy ang lahat sayo," sabi ko habang nakatakip parin ang mga mata ko gamit ang mga kamay ko. Nag tago tuloy sa may likod nang upuan si Lance. "Wait,Lance, bakit tayo parehas hubot-hubad? May nangyari ba sa atin kagabi? Sumagot ka lance?!" Pasigaw kong sabi sa kanya. "Eh, ano paba? Kaya nga tayo parehas naked eh!" sagot niya. "Ahhhhh! Walangya ka Lance! Ikaw pa tuloy naka virgin saakin! Walangya ka! Bakit hindi ka nakapag pigil kagabi?" "Ikaw itong nangunang humalik diyan! Pinipigilan pa nga kita, pero panay ang moan mo kaya tinuloy ko na kasi mukhang nag eenjoy ka na eh!" Paliwanag ni Lance na mapanura pa. "Letche ka! Lintik! Bwisit! F*ck y*u Lance! F*ck y*u ka talaga! Saan mo pinutok?" tanong ko sa kanya at parang hindi pa ata makasagot siya. Ano ibig niyang sabihin? Sa loob siya nag fire works? "H-hindi ko alam. Wala akong maalala, nalasing narin ako kagabi eh!" Sagot niya. "Gago ka Lance, kapag nabuntis ako, humanda ka saakin! Papatayin kita!" Sabi ko na inis na inis. Nagulat ako pag kakita ko sa inuupuan kong sofa, nakita ko nalang na puro dugo doon. s**t! Grabe! Si Lance talaga ang nakakuha ng perlas ng silanganan ko. Hindi na tuloy ako virgin. Walangyang Lance ito. Hindi ko inaakala na siya pa makakauna saakin. Ang bata kong hindi na virgin kaasar! "Wag kang sisilip Lance, kukunin ko yung damit ko." Nasa lapag kasi yung mga damit namin ni Lance. Agad ko yung kinuha at saka ako nag bihis. "Aalis na ako Lance! T*ng n* mo talaga kapag nabuntis ako humanda ka!" Mataray kong sabi. "Hahatid na kita, Margaux, " alok ni Lance "T*ng n* mo, wag na, mag t-taxi nalang ako!" Bwisit kong sabi sa kanya. "Sige, ingat ka! Salamat kagabi, napaligaya mo ako," pang aasar pang sabi ni Lance. "s**t ka talaga Lance!" Sabi ko sabay tuloy lisan sa bahay niya. Nag aalala talaga ako. Two problems ang hinaharap ko. Una yung feeling ko na mukhang iiwan na ako ni Brantly tapos baka din malaman pa niyang may nangyari saamin ni Lance. Then yung pangalawa hindi ko talaga alam kung pinutukan ba ako sa loob ni Lance! Hay, gago talaga! Ayokong mabuntis. Ipapalaglag ko ito, kahit gwapo si Lance. Ayoko parin sa kanya, hindi yung tulad niya ang type ko. **** CHLOE'S POV "Ang aga mo naman ata Brantly?" Tanong ko na hindi makatingin sa kanya. Nahihiya kasi ako. Ugly na ako ngayon, di kagaya kagabi na super ganda ko. "Ah, excited na kasi ako eh, diba sasagutin mo na ako ngayon, pero teka, bakit nakatalikod ka saakin Chloe? May problema ba?" tanong ni Brantly . "Wala naman. Ano kasi, panget na ako ngayon. Baka kasi ma turn-off ka," sagot ko sa kanya. Bigla siyang tumayo at lumapit siya saakin. "Ano ka ba Chloe! Bakit naman ako ma t-turn off sayo?! Saka hindi ka naman pangit kahit maikli yan buhok mo eh! Ang ganda ganda mo nga eh! Pa kiss nga!" lokong ito, naka isa kaagad, umagang-umaga nahalikan kaagad ako sa labi. Pero kinilig ako dun! Bigla siyang naupo malayo saakin at bigla akong nginitian. Naka isa eh! "Loko ka Brantly, magnanakaw ka talaga nang halik! Pero ayos lang, hindi pa naman ako nag t-toothbrush eh," panloloko sa kanya. Actually nag toothbrush na ako pag ka gising ko. Sinabi ko yun para naman makaganti ako. "What?! Hindi ka pa nag totoothbrush?!" Gulat niyang tanong sabay lapit saaking harapan. "Oo, bakit turn off ka?!" Tanong ko. "Hindi noh! Okay lang! " Ika niya sabay halik na naman sa labi ko. "Two points na ako Chloe Hahaha!" nakangiting sabi ni Brantly. Luko luko talaga, adik na siya sa halik. "Grabe kaBrantly! Hindi pa tayo pero kung makahalik ka, wagas!" sabi ko sa kanya. "Kinilig ka naman!?" Pa-cute na tanong ni Brantly. "Slight lang Hahaha!" Sagot ko sa kanya kaya napangiti siya. "Chloe, kapag ba nakipag break na ako kay Margaux ay sasagutin mo na ba ako?" Seryosong tanong ni Brantly. "Oo nga, ang kulit mo! Kaya nga hiwalayan mo na agad si Margaux!" Sagot ko. "Okay! Hindi na kasi ako makapag hintay eh!" Bigla niyang kinuha yung phone niya at mukhang may tatawagan siya. Ilang pang sandali ay sumagot na yung tinawagan niya at talagang naka loud speker pa! "Yes Brantly my baby? Napatawag ka? Ay wait, bakit mo nga pala ako agad iniwanan sa double date natin kagabi? Saan kaba nag punta?!" Si margaux pala yung tinawagan niya. "Wala ka nang Brantly my baby! Makikipag break na ako sayo, hindi naman talaga kita mahal eh!" sabi ni Brantly. "ANO?! WHY?! Anong---" hindi na natuloy yung sinabi ni Margaux at pinatayan na niya ng phone si Margaux. "So what now Chloe?! Pwede na ba kitang ligawan?" Naka puppy eyes na sabi ni Brantly. Eh, ano pa ba ang maiisasagot ko eh, hiniwalayan na niya si Margaux. Hindi ako agad sumagot sa kanya. Pumunta ako sa kusina at kumuha ako ng dalawang doughnut sa ref at saka ako lumapit ulit sa kanya. "Ano yan?! Doughnut? Ayoko, busog ako Chloe! Ang gusto ko ay yung matamis mong oo," sabi ni Brantly. "Ano ba itong hawak ko?" Tanong ko sa kanya sabay pinag dikit yung dalawang doughnut. "Doughnut nga! Eh, ayoko nga niyan, busog ako, ano ba Chloe, ang kulit mo!" Asar niyang sabi. "Ang slow mo naman Brantly! Ano ba itong doughnut, diba matamis ito? Oh, pag naman pinag dikit ko itong dalawa, anong letter ang kalalabasan?" Paliwanag ko sa kanya. "Dalawang letter O, eh, di Oo?" Napahinto siya at nagulat. Ang slow talaga. "Oo, sinasagot na po kita Brantly!" Bigla siyang napatayo at nag sisisigaw! "YAHUUUUU! GIRLFRIEND KO NA ANG MATAGAL KO NANG PINAPANGARAP!" Pag sisigaw niyang sabi. Nakakahiya tuloy sa kapitbahay. Hindi pa siya nakuntento sa pag sisigaw at binuhat pa niya ako at inikot-ikot. Yung feeling ba na buhat na pang kasal at nang ibaba niya ako ay pinudpod niya ako nang halik sa noo, sa dalawang pisngi!, sa ilong, sa leeg at ang ending sa lips ko. Ito ang araw na pinakamasaya na nangyari saakin. Thank you po, Jesus!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD