Chapter 31

1889 Words
TRISTAN'S POV Pag kapasok na pag ka pasok ko palang ng gate ng school ay grabe yung mga babaeng student. Bigla pa namang mga nag sisitilian at marami pa akong narinig na sari-saring mga sabi-sabi nila. "Kyyyyyyyyyyyaaaaaaaaaaaaa! Ang gwapo!" "Omg! May new heartthrob na naman sa school natin?" "Oo nga, ang gwapo niya." "Oh, right! Saakin na siya ngayon, kaya wag kayong etchusera!" "Ang hot niya. Sana maging classmate ko siya para makapag papansin ako sa kanya." Aysus! Grabe nga pala! Dinaig ko pa artista dito sa school na ito. Totoo nga yung sinasabi ni Chloe na pag kakaguluhan din ako ng mga girls dito, kaya naman nginitian ko sila ng malupit. Ayun, maraming hinimatay sa sobrang kilig. Yung iba pa nga, naihi sa sobrang kilig saakin Hahaha! "TRISTAN!" Nagulat nalang ako nang may tumawag saakin mula sa aking likuran. Isang magandang binibini na mahaba ang buhok na kulot at may bangs? Teka-teka Chloe?! "Kamusta? Ano pinag kakaguluhan ka naba ng mga girls dito? Sabi ko sayo eh," sabi ni Chloe sabay high five saakin. Nang lumapit saakin si Chloe ay bigla nalang nagsi lukot ang mga mukha nung mga girls at nakarinig na naman ako ng bulong bulungan . "Omg! Whos that girl?" "Oo nga, girlfriend niya kaya?" "Baka! Kasi ngayon ko lang siya nakita eh." "Pero parang familiar saakin yung mukha niya." Patay si Chloe. Mukhang hindi siya nakilala ng mga student dito dahil naka wig siya at mukhang gegerahin siya. Mga masasama tingin nila sa kanya. "Oh, CHLOE, nasaan ang BOYFRIEND mong si BRANTLY?" Pagtatanong ko. Nilakasan ko talaga ang boses ko para lalong magulat yung mga girls at nang malaman nilang si Chloe itong nasa harap ko. "Nando'n, bumibili ng bulalo noodles, gusto daw niya kasi yung may sinusupsup! Anyway, bakit kailangan malakas ang boses mo? Bingi ba ako?!" Nakatawang sabi ni Chloe. Nag simula nang mag react yung mga girls nang mag salita si Chloe. "Oww-emm-ghee si Chloe bayan?! Si tomboy? Girlalu na again?" "Oo nga at talagang naka wig pa siya ngayon. Ano kaya talaga ang trip nitong babaeng to?" "Saka tama ba yung nadinig ko? Boyfriend niya si Brantly my love ko?" "At saka mag kakilala na agad sila ng new heartthrob natin sa school! Ang bilis talaga niyang lumandi!" "How about Margaux? Ano kaya reaksyon nun? Diba sila ni Brantly? Ano yan, two timer? Haha! Ganda ni Chloe pag nag kataon." "Malamang giyera ito, guys!" "Excited na ako, aabangan ko ang pag haharap nila ni Margaux!" Mayamaya ay bigla nang dumating si Brantly na may dalang bulalo noodles at habang nag lalakad ayun nag susurupsup siya ng bulalo noodles Hahaha! "Babe oh, ito yung sayo. Pasensya na Tristan, di kita nabili, malay kong kasama ka pala ni Chloe dito," sabi ni Brantly sabay abot ng isang bulalo noodles kay Chloe. Lalo nang nagulat ang lahat ng girls ng tinawag ni Brantly na babe si Chloe. "Tara, Tristan doon tayo sa malaking puno sa lagi naming tinatambayan dito sa school. Anyway, masanay ka na sa mga babaeng palaging aaligid aligid at pinag kakaguluhan ka. Everyday mo na yang mararanasan ngayon, kaya goodluck sayo," nakatawang sabi ni Brantly. Biglang nag holding hands si Brantly at Chloe habang patungo kami doon sa malaking puno na palagi nilang tinatambayan kaya naman lalo nang na shock ang mga babaeng student dito. Hindi ata sila makapaniwalang si Brantly at Chloe na. halos lahat na pa nga-nga. Yung iba naman hinahanda ang kamao na mukhang gusto nilang upakan si Chloe. ***** CHLOE'S POV Halos lahat ng girls dito sa school mukhang masama ang tingin saakin. Maraming nagulat at maraming nanlilisik ang mga mata. "Brantly, natatakot na ako sa mga student dito. Mga mukhang bubugbugin ako at may mga iba pangang nag iiyakan nung malaman tayo na. Natatakot tuloy akong mag lakad mag isa dito sa school. Feeling ko, rarambulin nila ako," takot kong sabi kay Brantly. "Ang kulit mo Chloe. Sabi nang babe na ang itatawag mo saakin at saka wag kang mag-alala, akong bahala sayo, ako makakalaban nila kapag ginalaw ka nila. Mapa babae man sila o bakla wag na wag nilang sasaktan ang mahal ko," sweet na sabi ni Brantly my love ko. Mayamaya pa ay dumating na si Lance at Chandler. Pinag ayos ni Brantly si Tristan at Lance dahil may alitan ang dalawa nung nakaraang double date namin. Humingi narin ng tawad saakin si Lance kaya naman pinatawad ko narin. Na mimiss ko na kasi yang best friend kong yan eh. Masaya na ang lahat, pero bigla nag ka bagyo. Bigla nalang sumulpot si Margaux kasama ang kanyang dalawang alipores. "Brantly?! Ano ito? Kaya mo ako hiniwalayan ay dahil diyan?!" Sabay turo saakin si Chloe. "Oh, Brantly may mata kaba?! Nag wig lang yang si Chloe nag ka gusto ka na at ikaw naman Chloe, ubod ka din nang landi noh!" bigla bigla niya akong sinampal. Tinulak ni Brantly si Margaux kaya natumba siya sa may lupa. "Ano ba Margaux. Anong karapatan mong saktan ang mahal ko at saka diba't sinabi ko naman na sayo na break na tayo at ang totoo nun hindi kita talaga minahal, pinipilit ko lang iyon. Ayoko sa mga babeng katulad mo, gusto ko yung mga mukhang inosente at simple na kagaya ni Chloe!" Pa sigaw na sabi ni Brantly kaya maraming nakatingin sa amin. "Pag sisisihan mo ito Brantly!" Sabi ni Margaux na nanlilisik ang mga mata. "Brantly! Aanhin mo yang inosenteng mukha na yan kung may landi naman siyang di mo inaakala. Lets go na nga margaux," sabi nung alipores ni Margaux. Nag init naman ang ulo ko doon sa isang alipores ni Margaux. Ayoko sa lahat yung tinatawag akong malandi at nakikisawsaw siya. Lumapit ako sa harapan nila Margaux at saka ako namewang at sinabin... "AANHIN MO NAMAN ANG GANDA KUNG PUTI LANG NAMAN ANG NAG DADALA DIYAN SAINYONG TATLO NA MUKHANG RETUKADA. MAS OKAY PA YUNG MORENA ATLEAST NASA MUKHA ANG EBIDENSYA!" sasampalin na dapat ako ni Margaux pero bigla kong sinalo yung kamay niya. "Ano sasampalin mo ako? Sige, subukan mo, makakatikim ka saakin. Ito ang tandaan mo, mula ngayon hinding hindi mo na ako ma-bubully dahil sawa na ako sa pang- aalipusta nyo! Kaya please, lumayas na kayo sa harap ko bago ko pa itama itong kamao ko sa mga mukha nyo! Sayang naman kung masisira yang mga retoke sa mga mukha nyo!" Natakot naman sila Maragux kaya ayun, napa atras at bigla narin nag si takbuhan paalis. Na pangnga ang lahat sa ginawa ko. "Ikaw ba talaga yan Chloe?" Pag tatanong ni Lance. "Wow babe! Ang cool mo doon ah!" Nakangising sabi ni Brantly. "Yan ang tunay na si Chloe. Give me high five diyan!" Sabi ni Tristan sabay apir ako sa kanya. Mismo din ako nagulat sa ginawa ko. Si Chandler naman nginitian lang ako. ***** MARGAUX'S POV "kailangan Margaux, gumawa tayo ng ikasasama ni Chloe sa mata ni Brantly" taas kilay na sabi ni fatima. "Ahasan ang labanan kaya lumaban ka!" Sabi naman ni Kathleen na alipores ko. "Hindi talaga ako titigil hanggat di bumabalik saakin si Brantly. Humanda ka siyang babae siya!" Galit kong sabi. "Pwede ba tayong mag usap?" Nagulat nalang ako sa lalaking lumapit saaming tatlo. "L-lance? Anong ginagawa mo dito gung-gong ka?!" Hinila niya ako papalayo kina Kathleen at Fatima. "Ano ba?! Bakit mo ba ako hinihila?" Mataray kong sabi sa kanya habang pinapalo ko yung braso niya. "Ayos ka lang ba? Nasaktan kaba sa tulak nung Brantly nayun? Baka kung mapaano yang baby natin ah," sabi niya sabay hawak sa tiyan ko. Binatukan ko siya nang malakas sa ulo niya, " F*ck y*u ka! Anong baby?! Gago ka! Wag na wag mong sasabihin sa kanila na may nangyari saatin, malilintikan ka saakin!" "Ikaw naman, hindi ka mabiro! Gusto ko lang iabot itong mga hikaw at kwintas mo. Naiwan mo saaking bahay eh," bigla ko yung kinuha ng padabog sa kamay niya at tuloy alis na sa kanya. Sinundan niya ako at pinigilan sabay bulong sa tenga ko, "Ingatan mo baby natin ha?!" Bulong niya sabay takbo palayo saakin. Naisip ko, paano kaya kung mabuntis nga ako? Paano na ako babalikan ni Brantly kung may anak na ako, hindi na ako muling babalikan ni Brantly pagnakataon, lalo na siyang mate-turn off saakin. Hindi pwedeng mangyari yun. Kung mabuntis man ako ay ipapalaglag ko ito talaga, tapos. **** CHLOE'S POV "Langya Pare! Parang hindi mo first day of school ngayon ah, napaka kalmado mo sa room kanina?" Sabi ni brantly kay Tristan. "Eh, syempre dapat cool, para dagdag pogi points sa mga girls!" Maangas na sabi ni Tristan. "Wow! Umaandar na naman ang pag ka mahangin mo Tristan!" Asar ko sa kanya. "Epal ka talaga sa buhay ko noh! Wait, napansin ko sa lahat ng tropa, bakit si Chandler ang pinaka tahimik?" Sabi ni Tristan. Napansin ko nga ang tahimik nga ni Chandler at ngingiti ngiti lang. Bumitaw ako sa pag kaka holding hands ko kay Brantly at nilapitan ko si Chandler at umakbay sa braso niya. "Hello Chandler, ang tahimik mo mag hapon ah! May problema ba? May sakit kaba?!" Pag tatanong ko sa kanya. "Ah, ano kasi, wala lang ako sa mood ngayon," matamlay na sagot ni Chandler. "Ganun ba? Nga pala, thanks ha! Dahil sayo naging kami na ni Brantly. Salamat sa tulong mo. Paki sabi kay Jillian gagala ako sa saturday sainyo," masaya kong sabi kay Chandler. "Talaga?! Sige, sasabihin ko yan sa kanya. Sigurado akong matutuwa yun," bigla namang sumigla si Chandler nung sinabi kong gagala ako sa kanila. "Ano ba babe! Bakit nakaakbay ka diyan kay Chandler? Nakakapang selos ah!" Nakasimangot na sabi ni Brantly sabay hatak saakin. "Ikaw naman, kinakausap lang si Chandler eh." "Eh, bakit kailangan may akbay pa?" Naka puppy eyes niyang tanong. "Napakaseloso mo naman, nag papasalamat lang ako dahil tinulungan niya tayo. Tignan mo, because of chandler ito, tayo na!" Paliwanag ko sa kanya. Nagulat nalang kami ng may mag salitang isang lalaki sa may gilid ng school. "Wow the 4 gwapings and one beautiful girl. Tsk! Chloe, maganda ka naman pala eh, sana dati kapa nag ayos. Di sana, ikaw ang miss campus princess natin at hindi si Margaux. "Nakangiting sabi nung lalaki. Mga gwapo din silang grupo, ayaw nilang sumanib kay Brantly ko dahil mas lamang daw sila ng pogi points. Yan ang mga tropang bad boys dito sa school. "George wag na wag mong pakekelaman itong girlfriend ko at tatamaan ka saakin!" Maangas na sabi ni Brantly. "Easy ka lang boy! Bakit aanuhin ko ba yang si Chloe? Pinupuri ko lang naman siya ah! May masama ba doon?" sagot nung George. "Oo nga babe, tama na, lets go na at baka mamaya mag ka rambulan pa dito eh," sabi ko. **** MARGAUX'S POV "So, ano Kathleen at Fatima, maliwanag na ba ang mga gagawin nyo?" "Sigurado kaba diyan Margaux, baka naman mapahamak tayo sa gagawin natin?" Nakasimnagot na sabi ni Kathleen. "Napaka shunga mo talaga Kathleen, may plano bang pumalpak si Margaux? Tiwala ka lang at hindi tayo mapapahamak dito!" Nakangising sabi ni Fatima. "Mabuti pa, tawagan ko na si George para sabay sabay na tayong pupunta sa bahay ni Chloe mamayang gabi." Humanda na siya at mag uumpisa na ako. Sinisigurado kong maaga kayong mag hihiwalay. Nam-namin mo na ang pag mamahal ni Brantly ngayon Chloe, dahil maagang babaliktad ang mundo Hahahaha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD