Chapter 21

1077 Words
CHANDLER'S POV Halos matulala ako habang magkalapat ang aming labi. Grabe! Sa ikalawang pag kakataon ay labi na naman ni Chloe ang aking nahalikan. Tiyak na kasing pula na naman ng apple ang mukha ko ngayon. Bigla nalang akong nahimas-masan at tuluyan ko na siyang inihiga sa kama ko. "Chloe! Chloe!" tinapik tapik ko siya para siguraduhing hindi nga siya gising. Mukhang hindi naman niya alam ang nangayari, pero hindi ko naman sinasadya yun. Aksidente ang nangyari kaya walang may kasalanan. Nang hinipo ko siya sa noo ay nagulat ako na mainit siya. Mukha atang may fever si Chloe dahil sa ulan kanina. Kumuka ako nang bimpong basa at inilagay ko yun sa noo niya. Binantayan ko mag damag si Chloe. Nag latag ako ng kutson sa gilid ng kama ko. Sa ibaba ako nahiga kasi ayoko naman tabihan si Chloe sa kama at baka anung isipin niya kapag nakita niyang mag katabi kami. Kinabukasan, nagising nalang ako sa isang sinag na para bang may flash ng camera. Ewan, na-alimpungatan lang siguro ako si Chloe saakin at nakayakap. Ganun din ako, nakayakap din ako sa kanya. Dinamdam ko muna ang gantong feeling at ang sarap palang gumising sa umaga na may kayakap kang babae, tapos yung feeling na tinititigan mo ang mukha niya at biglang didilat ang mga mata niya. Teka, dumilat na nga ang mga mata niya! Hala, nagising na si Chloe! Patay ako nito. Agad kong tinanggal ang pag dantay niya saakin at pag yakap ko. Bakit ba kasi napunta siya sa tabi ko. Ang likot siguro matulog nitong si Chloe at nahulog siya sa tabi ko. Pero, swerte lang nang bigla siyang pumikit ulit. "Salamat! Akala ko ay tuluyan na siyang magigising. Nakahinga din ako ng maluwag," bulong ko sa sarili ko. Papalabas na ako ng pinto, pero pinag tataka ko lang kung bakit nakaawang ang pinto ng kwarto ko na tila ba may pumasok dito habang tulog kami ni Chloe. Pag labas ko ay nakita kong nakaupo si Mommy sa sofa. "Good Morning po, Mommy," bati ko sa kanya. "Good Morning din, Anak. T-teka, bakit pawis na pawis ka?" Gulat na tanong ni mommy saakin. "Ah,eh, mainit po kasi sa kwarto ko." "Bakit hindi mo ba binuksan ang aircon mo?" tanong ni Mommy. "Hindi po! Ang totoo po niyan ay may kasama po ako sa kwarto. Nilalagnat po siya kaya hindi ko binuksan ang aircon para po gisawan siya." "Ah. Sino ba si Brantly ba iyan o si Lance?" Pag ta tanong ni Mommy. "Wala po sa nabanggit Mommy." "Bakit? May new friend ka na naman na lalaki?" "Nope, actually po ay girl po siya Mommy." Biglang nabuga ni Mommy ang kanyang iniinom na kape at saka napatayo, "My God, Chandler! Ang bata mo pa para mag uwi ng babae sa bahay!" Pasigaw niyang sabi saakin. Agad ko siyang nilapitan. "Mommy, huminahon po kayo, wala naman naganap na kung anoman. Inalagaan ko lang po siya dahil nilalagnat siya." Kinuwento ko kay Mommy ang buong pangyayari. "My God! Paano nagawa ni Lance yun? Pwede siyang kasuhan ni Chloe pag nagkataon. Anyway, mabuti nalang at pumunta ka don, kundi kawawa si Chloe. So, ano ang lagay niya ngayon? May fever parin ba siya?" "Okay na po siya, hindi na masyadong mainit. Ayun nga po at tulog na tulog parin, 11 pm na po kasi siya nakatulog kagabi." After naming mag usap ni Mommy ay nag punta ako sa banyo para mag jinggle, pero bigla akong naka-amoy na para bang may gumagawa ng cookies na favorite ko kaya naman agad akong tumungo sa kitchen at doon nakita kong gumagawa si manang at si jillian ng cookies. "Wow! Ginagawa mo ba ako ng favorite kong cookies?" Tanong ko kay Jillian. "Ikaw pala kuya. Sorry, pero hindi ito para sayo!" taas kilay niyang sabi at sabay naman palo saaking kamay kasi kukuha na dapat ako nang isang cookies na luto na sa may mesa. "Aw naman Baby! Bakit? Kanino ba yan?" Tanong ko na nakapamewang. "Kay ate Chloe! By The way, gising na po ba siya?" nakangiting tanong ni Jilian. "Teka, how did you know na here nag sleep si Chloe?!" Nagulat kong tanong sa kanya. Wait, siguro pumasok siya kanina sa kwarto ko at kung bakit din siguro nakaawang ang pinto ng kwarto ko kanina. "Kuya dala mo ba ang phone mo?!" Pag tatanong pa niya na hindi manlang sinagot ang tanong ko. "Oo, why?! Teka, sagutin mo muna ang tanong ko. Siguro pumasok ka sa kwarto ko kanina noh?" "Bilis kuya, buksan mo ang bluetooth mo at may papasa ako sayo!"Nakangiti niyang sabi saakin. "Ano iyon? Pero, sagutin mo muna kasi tanong ko baby?!" "Basta kuya buksan mo nalang ang bluetooth mo, nakakainis ang dami mong tanong. Pag nakita mo yung ipapasa ko sayo ay hindi ko na kailangan sagutin ang tanong mo!" Wala akong nagawa kundi buksan ang bluetooth ko. Takteng bata to, ang daming alam. "Okay, ayan na kuya, nag sesend na siya!" sabi niya habang sabik na sabik. "Ano ba kasi ang ipapasa mo Baby?" "Done! Okay na, na-send ko na kuya," sabi niya habang nakangiti nang sagad. Nakakaloko natong batang to. Pakiramdam ko ay may kakaiba siyang ginawa. Nang makita ko yung sinend niya ay nagulat ako. "JILLIAN!? Kinuhanan mo kami ni Chloe na mag kayakap habang natutulog?!" Kaya pala kanina nung nagising ako ay tila ba may flash ng caamera. Yun pala ay itong si Jillian na makulit ay pinikchuran kami. Bigla kong kinilik si Jillian at dinala ko siya sa kami lang ang magkakarinigan. "Why ba kuya? Why mo ako dinala here?!" Maarteng tanong ni Jillian saakin. "Baby, secret lang natin yun ah! Wag mong papakita yan kay Mommy ang picture na iyon, lalong lalo na kay ate Chloe mo!" Bigla kong hinablot yung cellphone niya at agad kong dinelete yung picture namin ni Chloe. Agad naman din inagaw ni Jillian yung cellphone niya. Mabuti nalang at na delete ko na yung picture. "Ay! Kuya! Bakit mo binura? Kasura ka naman po! Basta dont delete yung pinasa ko sayo. Remenbrance yan! Oh, diba because of me nag ka picture kayo ni ate Chloe at ang ganda pa ng kuha ko sainyo dahil mag kayakap pa kayo sa isat isa. Oh, diba ang ganda ng timing ko!" Langyang bata ito. Minsan hindi ko talaga inaakala na kapatid ko ito kasi grabeng mag isip, parang kay tanda tanda na niya. Pero tama naman siya, ang ganda ng pagkakakuha niya saamin, ang cute!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD