Chapter 20

870 Words
CHANDLER'S POV "Makuha nga yung kotse, siguro naman hindi pa nakakalayo si Chloe!" Para akong baliw sa kakasalita sa labas nang mag isa. Tarantang-taranta na ako, baka mapahamak kasi si Chloe. "Hindi pa nga nakakalayo si Chloe." Nagulat ako nang may mag salita galing sa may garden, kaya naman tuloy pasok ako ng gate. "Chloe?! Nandyan ka ba?!" Nagulat nalang ako nang gumalaw yung isang malago naming halaman. "Nandito pa ako at hindi pa ako umaalis," biglang lumitaw si Chloe at hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko at bigla akong tumakbo papalapit sa kanya at saka ko siyang niyakap. "Akala ko tuluyan ka nang umalis!" nakayakap parin ako sa kanya. "Tapos ngayon, yayakap-yakap kapa. Pag katapos mo akong itaboy," sabi ni Chloe na para bang nanginginig siya at kumukulo pa ata ang tiyan dahil sa gutom. Kawawa naman, kasalanan ko to. "Oh, yung tiyan mo ba yun Chloe? Halika na nga sa loob at nanginginig ka na sa lamig. Saka kumain ka narin. Sorry Chloe, niloloko lang naman kita kanina eh." Pag pasok namin sa loob ay hiniram na ulit niya nag damit ko. "Teka, pahiram ulit nang jersey mo at basa itong suot ko oh, papalit palit tuloy ako. Anyway, nakakahiya mang sabihin pero, wala akong underwear, baka naman may panty kang tinatago? Pahiram naman," sabi niya at talagang saakin pa nang hiram ng panty. Ano ba akala niya saakin bakla? "Bakit naman ako mag papanty? ano akala mo saakin gay?! Bigwasan kaya kita Chloe! Mag hintay ka diyan at may kukunin ako," tuloy punta ako sa kwarto ko. "Tignan mo, may panty nga siya hahaha!" Dinig kong bulong ni Chloe. "Nadinig ko yun Chloe!"sabi ko habang papasok ako ng kwarto ko. kinuha ko yung brief na binili saakin ni Mommy na hindi kasya saakin. At dahil nag papanggap naman siyang tomboy, ayos lang naman siguro na mag suot siya ng brief hahaha! "Chloe oh, brief ito. Hindi kasya saakin, namali si Mommy ng bili saakin. Ito nalang suotin mo. Saka hindi ko pa naman nasusuot yan kaya pag tiyagaan mo na muna yan, tutal diba tomboy ka naman hahaha!" nang iabot ko yun kay Chloe ay tila ata namula siya. Bakit kaya? "Sige, salamat! Keri na ito, kesa naman wala akong suot, hindi ako sanay," sabi niya sabay alis. CHLOE'S POV First time kong makakapag suot nang brief at kay chandler pa yun. Nakakahiya tuloy kay Chandler. Pagbalik ko sa kusina ay pinag handa na ako nang makakain ni Chandler at doon nag simula na akong mag laway." "kumain kana, Chloe oh, pinag handa na kita," bigla namang akong naupo at wala nang hiya hiya at nilantakan ko na yung pagkain. "Wow Chandler, ikaw ba talaga nag luto nito?! Grabe! Ang sarap!" hanga ako sa luto niya super duper sarap talaga. Halos wala na ngang nguya-nguya, lulon kaagad." "Oo, ako talaga nag luto niyan. Teka, Chloe dahan dahan sa pag kain at baka naman mabilaukan ka niyan, hindi halatang gutom na gutom ka!" asar pa ni Chandler. "Alam mo, swerte ng mapapangasawa mo, bukod sa gwapo ka, matalino, marunong kapa mag luto at napakasarap pa!" subo lang ako ng subo sa pagkain. Grabe! tila isang linggo akong hindi kumain, nag kanda gutom talaga ako. "Eh, di swerte ka?" halos mabilaukan ako nang marinig ko yun kay Chandler. "Tubig please!" tuloy kuha naman ng water si Chandler at nag kukumarat pa. Agad naman niyang inabot yung tubig saakin pagkakuha niya. "Oh ito na, oh sabi na kasing dahan dahan lang sa pag kain eh, tignan mo, nabilaukan ka nga, tila kasi may aagaw ng pagkain!" sabi niya habang tinatapik yung likod ko. "Salamat! Muntikan nako dun ah, ang sarap kasi ng luto mo eh, nabusog ako Chandler. Grabe itong adobong manok mo, ito na ata ang pinaka masarap na natikman ko sa aking talambuhay." "Talaga?! Wow! Nakakataba naman ng puso. Parang gusto ko na tuloy mag HRM pag nag college ako," naka ngiti niyang sabi. "Tama, mag hrm ka nalang at tiyak mas huhusay kapa sa pag luluto niyan." bakit tila nakaramdam ako ng hilo. "maiba tayo Chloe, alam mo dito ka na rin kaya matulog, late naman na kasi eh" bigla akong napatitig kay Chandler. "Chandlerr......" naliliyo talaga ako. "Ano ba Chloe, wag mo akong titigan ng ganyan! Kung iniisip mo ay pag tatangkaan kita ng masama, nag kakamali ka, hindi ako ganun kasamang tao!" "Chandler naliliyo ata ako!" bigla akong napahawak sa ulo ko at mayamaya pa ay unti-unti na nag b-blurred ang aking paningin. "Chloe, ayos ka lang ba?" pag tatanong ni Chandler. "H-hindi ako okay, Chandler naliliyo ako na para bang biglang sumakit ang ulo ko." CHANDLER'S POV "Halika. Mabuti pa ya mahiga ka na muna sa kwarto ko. Sa labas nalang ako matutulog para hindi ka mang hinala," itinayo ko si Chloe at inalalayan ko siya papunta sa kwarto ko. "Chandler, feeling ko, parang mahihimatay ako!" matamlay na sabi ni Chloe. Malapit na kami sa kama ko ng biglang nawalan ng malay si Chloe at nabuwal kami sa kama ko na hindi sinasadyang. Na kapatong ako sa kanya at nag lapat ang aming mga labi. Gulat na gulat ako sa nangyari saamin. Damang dama ko ang labi niya sa labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD