Chapter 19

1427 Words
CHLOE'S POV "Mayamaya napo ako matutulog ulit, kuya! Ang KJ nyo naman po! At saka why namumula you kuya? Ayie! Nahiya po ba kayo dahil sinabe ko kay ate Chloe na siya ang first kiss mo?!" Sabi ni Jillian. Grabeng bata to. Lalo tuloy namula si Chandler at halos hindi na talaga makatingin saakin. Pinipigilan ko ang aking pag tawa. Kitang kitang hiyang hiya na si Chandler, nagmistulang kulay apple na siya sa kapulahan niya hahaha! Pero grabe lang. Ako pala ang first kiss ni Chandler nung time na lasing ako at hinalikan ko siya sa bar. Parang nahihiya narin tuloy ako, pero pinag tataka ko lang, bakit alam ni Jillian na ako ang first kiss ni Chandler? Biglang lumapit si Chandler saamin at binuhat niya si Jillian. "Halika na nga, ang kulit mong bata ka!" sabi ni Chandler sabay buhat ulit kay Jillian. "Kuya naman eh, mamaya na po! Mag b-bonding pa kami ni ate Chloe eh," sabi ni Jillian habang nag mamaktol . "Next time na lang kayo mag bonding ni ate Chloe mo at gabi na oh, saka look, basang basa siya, need na niyang mag palit at baka mag ka sakit siya. Kawawa naman siya pag nagkasakit." Mukhang nakubinse na ni Chandler ang bunso niyang kapatid. Dinala na ulit niya ang kanyang kapatid sa kwarto nito at sa pag kakataong iyon ay hindi na muling lumabas si Jillian na makulit. Mayamaya ay bumalik narin si Chandler na ngayon eh, hindi na masyadong namumula. "Pag pasensyahan mo yung kapatid ko ah, makulit kasi at madal-dal." Bakit parang nasa gilid ang kinakausap niya? Nag sasalita siya ng hindi tumitingin saakin. "Wala yun! Ang cute nga ng kapatid mo eh, saka actually nga, gusto ko din nga magkaroon ng kapatid na kasing cute din ni Jillian." "Hayaan mo at magiging kapatid mo din siya kapag nag katuluyan tayo," mahina niyang sabi na halos masamid-samid ako. "Ano kamo sabi mo Chandler?!" gulat kong tanong. "W-wala, sabi ko magpalit ka na ng damit. Wait lang at kukuha lang ako ng damit mo, baka kasi nilalamig ka na eh," sabi ni Chandler sabay talikod saakin at pumasok siya sa isang kwarto. Mayamaya, pag balik ni Chandler ay may dala na siyang damit at tuwalya. "Oh, ito nalang ang suotin mo. Jersey ko iyan nung second year pa. Yan lang ang maliit kong damit na kasya sayo. Siguro dapat maligo ka narin at baka mangati ka. Gamitin mo yung heater namin sa banyo para mawala ang panglalamig mo." Wow! Tutal hindi na kasya kay Chandler itong jersey niya ay hindi ko na ibabalik ito. "S-salamat Chandler," sabi ko sabay kumulo ang tiyan ko. Di pa nga pala ako nag di-dinner. "T-teka, Chloe tiyan mo ba yun? Nagugutom ka ba?!" Pag tatanong ni Chandler. "Chandler, pasensya ka na ha! Kakapalan ko na ang mukha ko, baka mamatay na ako kapag tiniis ko pa ito. Actually niyan ay hindi pa ako nag didinner until now," hiya kong sabi kay Chandler with matching yuko effect pa. Tumawa nang malakas si Chandler na halos mamula mula na ang mukha niya. "Bakit hindi mo agad sinabi?!" Aniya na tawa parin ng tawa. Nahiya tuloy ako. "Bakit ka naman tawa ng tawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" nakayuko ko paring sabi kay Chandler. "Eh, kasi ang cute mo kapag nahihiya ka at saka bakit mo kasi tiniis yang gutom mo, mamaya mahimatay ka niyan sa gutom," sabi ni Chandler. Takte, ang babaw ng kaligayahan niya. Parang yun lang eh, tatawa siya. "Chandler, pwede ba, enough na! Where ba here ang banyo nyo? Kasi nilalamig na ako eh," nakukuha ko nang barahin si Chandler dahil siguro nga ay close na kami. "Ay sorry, sige halika ihahatid kita sa CR namin." Grabe, hindi ko inaakala na ito pala ang tunay na si Chandler. Ang buong akala ko ay puro irap at kasungitan lang alam niya. Mabait naman pala talaga siya. **** CHANDLER'S POV Habang naliligo siya ay maipag luto nga muna siya at kawawa naman. 11 pm na, tapos hindi pa pala siya nagdi-dinner, kawawa naman si Chloe. Ang saya ko lang talaga ngayon. Hindi ko inaakalang magiging okay na kami ni Chloe. Nag uusap na kami at medyo close narin. Pero inaamin ko kanina na kinilig ako nung niyakap niya ako nung sinagip ko siya kay Lance. Mabuti na lang talaga at dumating ako dun. Pero hiyang hiya ako kanina kay Chloe dahil sa kadaldalan ni Jillian. Bakit ba kasi nagising payung batang yun. Nabubuking tuloy ako. Nalaman tuloy ni Chloe na siya ang first kiss ko. Bakit ba kasi NGSB ako sa gwapo kong ito? Kasi masyado kasi akong chossy, gusto ko kasi sa babae yung maikli ang buhok, yung tipong parang tomboy! Hehehe! In short, parang si Chloe. Nag simula na akong mag luto. Kahit naman papaano eh, sanay akong mag luto. Saka nakakahiya naman kung gigisingin ko pa si manang. Lalagyan ko ng effort ito at sasarapan talaga para kay Chloe. Gusto kong masarapan siya para purihin niya ako. Dagdag pogi points din iyon. **** CHLOE'S POV Halos mga kalahating oras akong naliligo dito sa CR nila Chandler. Nasarapan ako sa heater. Grabe pati dito sa banyo nila Chandler ay ang ganda din. Sana matira din ako sa mga bahay na kagaya nito! Nakakainggit. Sarap sigurong maging mayaman. Mag bibihis na ako pero, naisip kong nabasa rin pala yung underwear ko. Wala namang inabot si Chandler kanina. Malamang! Hindi naman nagpapanty yun! Ang tanga ko talaga! Nagbihis tuloy ako ng walang underwear. Nang isuot ko yung jersey niya ay para lang akong mag babasketball. Pero hindi talaga ako sanay na walang underwear. Nakakainis. Pag labas ko ng banyo ay nakaamoy ako nang mabango na parang may nagluluto ng adobong manok. Bigla tuloy kumulo ulit yung tiyan ko. Sinundan ko kung saan nang gagaling yung amoy hanggang sa makarating ako ng kusina. "Wow! Mukhang masarap yan ah!" "Ay betlog mo!" gulat na sabi ni Chandler. Nag ihit ako nang kakatawa sa sinabi ni Chandler nayun. Grabe! Betlog daw. Ang bastos niya kapag nagugulat hahaha! Nakita ko na parang nahihiya at namula si Chandler sa sinabi niya. "Sige, tawa pa!" sabi niya na parang bumalik yung dating Chandler. Inirapan ba naman ako. Natigil na ako sa pag tawa dahil talagang nakakatakot ang mga irap ni Chandler. "Sorry, Chandler!" sabi ko sa kanya. "Hindi! Galit ako dahil pinag tawanan mo ako, hindi ka kakain ng masarap kong luto! Manigas ka diyan sa gutom! Mag lalaway ka ngayon!" sabi niya sabay irap ulit. Nagiging parang bakla talaga siya kapag nang iirap. "Please, Chandler! Sorry na! Ikaw kasi eh, bakit ba kasi betlog yung sinabi mo?" sabi ko na may halo paring konting tawa. "Sige na, tutal nakaligo ka na, pwede kanang umuwi sainyo, siguro naman kaya mong mag lakad pauwi sainyo!" sabi niya sa seryosong salita. Mukhang seryoso na siya at tuluyan nang nagalit saakin. "Ah, oo naman, kaya ko. Sige, salamat sa lahat ng tulong mo kanina. Sige, aalis na ako," sabi ko nang may halong malungkot na tono. "Bago ka umalis ay ibalik mo narin yang suot mong jersey ko. Isuot mo na lang ulit yung kaninang mga basang damit na suot mo. Yung mailkling short mo ang suotin mo para habang naglalakad ka pauwi sainyo ay mapapadaan ka nalang sa kantong may mga nakatambay na mga siraulo, sure akong gagahasain ka nila kaya goodluck sa pag uwi mo JOEY!" sabi niya sabay diin sa pangalang Joey. Hindi na Chloe ang tawag niya saakin. Tuloy punta ulit ako ng banyo para mag palit nang suot kong mga basa kanina. Nung una, akala ko jino-joke lang ako ni Chandler, pero mukhang seryoso na ulit siya. Pag labas ko tuloy ay balik ako sa kusina nila para iabot sa kanya yung jersey niya. Napatitig ako sa subo subo niyang manok, grabe nakakatakam mukhang ang sarap ng luto niyang adobong manok. "Sige na, mauna na ako Chandler. " Grabe! Ayan nanaman yung tiyan ko. Talagang super hungry na ako. Nag tatakbo na ako papalabas ng mansion nila. Mangiyak-ngiyak tuloy ako. **** CHANDLER'S POV Hala, umalis nga. Niloloko lang eh, takte baka nga umuwi yun ah! Delikado na sa daan! Tsk! Chandler ano itong ginawa mo?! Bigla akong tumayo at sabay punta sa labas, pero laking gulat ko na malinis at walang tao sa labas. Mukha atang nakalayo na at tuluyan ng umalis si Chloe. "CHLOE! CHLOE! NILOLOKO KA LANG NAMAN EH! BAKIT KA TUMULOY UMUWI! DELIKADO TSK! ANO BA ITONG GINAWA KO MAPAPAHAMAK NITO SI CHLOE!" sabi ko habang natataranta ako sa labas ng gate ng bahay namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD