Chapter 18

1420 Words
CHANDLER'S POV Ano kayang problema ni Lance at nag aaya siyang uminom? Tsk! Masama ang kutob ko. Hindi mag aaya yun ng walang problema at ang pinaka ayoko yung malalasing siya at tiyak kung anu-ano naman gagawin nun. Mapuntahan nga at tila hindi ako mapakali sa gunggong nayun. **** CHLOE'S POV Kinakabahan ako kay Lance. Bakit ganito ang itsura niya? Bakit siya nag hubad ng damit? "S-sorry na Lance k-kung--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko at nakita kong hahalikan niya ako kaya pinigilan ko siya. Tinulak ko siya. "T-teka Lance! Lasing ka eh, mabuti pa aalis na ako at mukhang hindi kita makakausap ng maayos," sabi ko habang na ngangatog ako dahil sa takot. Hindi sumasagot si Lance sa aking mga sinasabi, bagkus nilapitan niya ulit ako at saka ako hinaltak at inihiga sa mahaba nilang sofa. "Teka, Lance anong gagawin mo?!" takot kong sabi kay Lance. Halos maiyak-iyak na ako dahil mukhang pag tatangkaan akong gahasain ni Lance, pinudpod niya ako ng halik sa aking mga leeg at pisngi. Takot na takot na ako sa kanya. Bakit siya naging ganito? Mayamaya ay bigla nalang may pumasok sa bahay ni Lance. Nagulat nalang ako nang dumating si Chandler. Nagulat siya nang makita niya akong parang nire-rape ni Lance na pilit akong pinag hahalikan. "Hoy Lance! Anong ginagawa mo?!" Sabi ni Chandler at saka niya sinapak si Lance na sabay hatak saakin. Agad akong napayakap kay Chandler, dala narin siguro nang sobra kong pag katakot. Ibang Lance ang nakita ko ngayong gabi. Nakakagulat lang dahil ginantihan lang din ako ng yakap ni Chandler kahit basang basa ako. "T-teka Lance, mukhang naparami ka ata ng inom at tila hindi mo na alam ang mga pinag gagagawa mo?" sabi ni Chandler kay Lance. Si Lance naman nakahiga lang sa mahabang sofa at nakatingin ng masama saamin. "So, ano Chloe si Chandler na ba ngayon?! Grabe ka! Napaka dami mong lalaki sa buhay mo? Ano kaba talaga? Baka naman p*k p*k ka?!" sabi ni Lance ng pautal-utal at sabay tawa ng malakas. Nagulat nalang ako ng biglang bumitaw sa pag kakayakap saakin si Chandler at sinugod niya si Lance at muli niya itong sinapak. "Gago ka Lance! Paano mo nasisikmurang sabihin yan kay Chloe?! Wala kang respeto sa kanya! Mabuti pa ay matulog ka na at masyado kang bangag!" sabi ni Chandler kay Lance. Nang lumingon si Chandler saakin ay nagulat nalang ako ng tignan nya ako mula ulo hanggang paa. "Chloe, bakit ba kasi ganyan ang suot mo? Bakit napaka ikli ng short mo?" sabi niya ng malumanay saakin. Napansin ko na tila ibang Chandler ang nasa harap ko ngayon. Para bang na exchange sila ng ugali ni Lance ngayon. Hindi ako makasagot sa kanya. Nahihiya din kasi ako. "Mabuti pa ay umalis na tayo, bakit ba kasi nag punta kapa dito?!" pag tatanong ni Chandler saakin. Kinuwento ko ang lahat-lahat ng pangyayari kay Chandler. Yung pag amin ni Lance at yung kay Tristan na dahilan ng pag kagalit saakin ni Lance. Sa sitwasyon namin ngayon ay para bang close na close na kami ni Chandler. "Grabe! Umamin talaga siya sayo?' Hindi niya makapaniwalang tanong. "Yup ganun na nga! At ako din ay aamin na. Chandler, nais kong mainin sayo na hindi talaga ako isang tomboy," sabi ko sa kanya na tila hindi siya nagulat. "Yeah, i know Chloe, matagal na, kahit noong una pa," nakangiti niyang sabi. "P-paano mo nalaman Chandler?! " gulat kong tanong. "Wag ka sanang magagalit Chloe, pero halata naman kasing babae ka eh, napaka trying hard mo kasing gumanap bilang tomboy at saka hindi matigas yung boses mo. Malamya, pam babae talaga," prangkang sabi ni Chandler at first time nya akong nginitian. Nakakatuwa naman. "Hahaha! Ganun ba? Naku po, nahihiya tuloy ako sainyo, lalong lalo na kay Brantly." "Speaking of Brantly, wag kang mag alala dahil medyo tanga yun, ang alam niya sayo ay isa ka talagang tomboy. Anyway, Chlo may goodnews ako sayo," masayang sabi ni Chandler habang nag mamaneho siya ng kotse. "A-ano naman yun?" pag tatanong ko. "Tungkol doon sainyo ni Margaux, nalaman na ni brantly kung sino sainyo ni Margaux ang nag sasabi ng totoo. Kinausap ni Brantly si manong Guard sa school at sakto namang nasaksihan pala niya yung pang-aapi sayo ni Margaux kasama ang mga kaibigan niya. Nahihiya nga daw siya sayo at natulak ka padaw niya. Wala ka naman daw kasalanan." Sa kinuwento ni Chandler ay tila yung pag katakot ko kanina kay Lance ay napalitan ngayon ng pagkasaya. Lubos ko na ding kina saya dahil din siguro sa pagiging close na namin ni Chandler ngayon. "So, okay na? Hindi na siya galit saakin? Wow! Salamat naman!" masaya kong sabi kay Chandler. "Ganun na nga Chloe. Anyway, pwede ba kitang maanyayahan saaking bahay para makapag coffee ka muna at para din makapag palit kana ng damit, basang basa ka oh!" pag aaya ni Chandler. "S-sige. By the way, sorry at nabasa na yung kotse mo at pati na ikaw. Sorry din k-kung (atchinggggg...) excuse me, sorry ulit dahil nabasa ka din sa bigla kong pag yakap sayo kanina, " hiya kong sabi kay Chandler. "Ah, eh, wala yun. Anyway, mukhang mag kakasakit ka na ah. Mabuti pa ay bilisan ko na ang pag mamaneho ng makapag palit kana," sabi niya sabay paharurot ng kotse niya2. "Mabuti nalang talaga ay dumating ka. Kundi, siguro ngayon nakuha na ni Lance ang pinakaiingatan kong pag ka babae," malungkot kong sabi kay Chandler. Parang mag ka pobya na ako kay Lance. Natatakot na akong lumapit sa kanya. "Alam mo Chloe, pangalawang pang yayari na ito. Mayroon din siyang kinababaliwan na babae noon at sa kasawiang palad hindi din tinanggap nung babae ang pag ibig ni Lance, kaya naman nag paka lasing din si Lance at saka niya pinuntahan yung babae sa bahay nila. Sakto namang nag iisa lang sa house yung babae at mabuti kamo nasundan namin agad siya, dahil kami yung kainuman niya at kung hindi namin siya nasundan, malamang ngayon tatay na si Lance," pag k-kwento ni Chandler na lalo kong kinatakot. Iba pala siya kapag nalalasing. Lalo akong natakot kay Lance sa kinuwento ni Chandle. Mabuti nalang talaga at may super Chandler na dumating huhuhu! After 20 minutes ay nakarating din kami sa house nila Chandler na mala mansion. "W-wow! Chandler ang laki at ang ganda naman ng bahay niyo. Gate palang ang ganda ganda na, paano pa kaya sa loob," itang ita kong sabi kay Chandler habang nakanganga. "Halika, tuloy ka sa loob," pag aaya ni Chandler. Nagulat nalang kami ni Chandler na pag pasok namin sa loob ay may batang cute na bumababa sa hagdanan at papungay-pungay pa ang mata, tulad ni Chandler ay singkit din yung bata. "Oh, baby Jillian, bakit gising ka pa?" Pag tatanong ni Chandler sa batang cute. Kapatid niya ata. "Nadinig ko po kasi yung gate na bumukas, ayun nagising ako!" sabi nung bata sabay tingin saakin. "Ganun ba, sige matulog kana ulit baby, sorry sa ingay," sabi ni Chandler dun sa bata. "Who's that girl? Bakit basang basa siya? Wait! kuya, siya ba si Ate Chloe? Yung---" hindi na natapos sa pag sasalita yung bata at tinakpan na nang kamay ni Chandler yung bibig ng bata. "Halika ka na sa taas at late na oh," sabi ni Chandler sabay buhat sa bata at dinala na sa kwarto niya. Pag balik niya ay agad ko siyang tinanong kung bakit kilala ako ng bunso niyang kapatid? "Ah, eh---" Hindi na nakapag salita si Chandler at bigla na namang lumabas yung batang cute at sabay takbo papunta saakin. "Yehey! Thanks kuya at pinag bigyan mo din ang hiling ko. May Ate na ako!" Sabi nung bata at sabay yakap saakin. Nagulat ako sa batang yun at bigla akong niyakap. Mukhang magiging close kami nito ah. "Teka, bunso wag mo akong yakapin at basa ako," sabi ko sa kanya. "Bakit po? Naligo po ba kayo sa ulan? Alam nyo po, masaya ako na, okay na kayo ni kuya ko at dinala ka na niya dito sa house. At alam nyo po, kinuwento saakin ni kuya, na ikaw po daw ang first kiss niya," sabi nung batang cute na ubod ng daldal. Pero na shock ako. Seryoso? Kinuwento niya iyon sa batang ito? Why? "Jillian ano ba?! Matulog ka na nga! Kung anu-ano ang mga pinag sasasabi mo diyan," sabi ni Chandler na mamula mula at hindi makatingin ng maayos saakin. Hindi ako makapaniwalang mag ganoong side si Chandler. Mas gusto ko ang ganito siya. Kesa, suplado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD