Chapter 17

1178 Words
CHLOE'S POV Bigla akong tumayo at sinabing, "Lance naman eh, yang joke na yan ang pinaka-korni na narinig ko sa talambuhay ko," sabi ko sa kanya kahit awkward talaga. Pero seryoso parin siyang na nakatingin saakin. "Chloe, wag kang tumawa," sabi niya na sabay tayo at humarap saakin at hinawakan ang aking mga balikat. "Totoo ang lahat ng sinabe ko, hindi yun joke. Mahal kita! Hindi mo ba pansin? Ikaw na nga may sabi na bakit palagi kitang pinapasaya at palaging karamay sa lahat ng problema mo. Please, saakin mo nalang sana ibaling ang pag ka gusto mo kay Brantly," sabi niya sabay luhod sa harapan ko. Halos manlaki ang mga mata ko sa mga sinabi ni Lance at sa kanyang pag luhod. "Please, Lance tumayo ka nga diyan! Wag ka ngang lumuhod diyan!" sabi ko sabay akay sa kanya papatayo. "Lance, sorry pero hindi ko matatanggap yang pag ibig mo saakin. Talagang kaibigan lang ang tingin ko sayo, sorrry talaga!" sabi ko sa kanya. "Please, Chloe!" ang tanging nasagot ni Lance. Sa oras na ito ay maluha luha na siya. "Lance, alam kong masakit sa pandinig mo ang lahat ng sinabi ko, pero talagang ayaw kong maging tayo dahil pag nag kataon, pati tingin sayo ng mga student sa school ay bababa narin gaya ng tingin nila saakin. At sure akong pati ikaw madadamay narin sa pam bubully nila at saka Lance hindi tayo bagay, napaka gwapo mo at napaka panget ko, may mahahanap ka pang mas higit saakin at talagang mag mamahal sayo ng buo," sabi ko sa kanya sabay takbo papalayo sa kanya. Habang papalayo ako ay nagulat nalang ako ng biglang may humaltak saakin at isinakay ako sa kotse. "Sino ka?! Tulong! KIDNAPER!" pag sisigaw ko. Nang makita ko ang mukha ng lalaking humaltak saakin nagulat ako. "F*ck you ka, Tristan!" grabe nagulat ako, akala ko kung sino na. Talagang siya na ang tinagurian mr. Kabute sa balat ng lupa, grabe bigla-bigla nalang talagang sumusulpot. "Sino yung lalaking kasama mo sa park at may pa luhod-luhod pa siyang nalalaman?" pagtatanong ni Tristan sabay paandar ng kotse. "Bakit?! Ano naman sayo kung may kasama akong lalaki? Bakit nagseselos kaba?!" sagot ko sa kanya para mainis siya. Namiss ko kasi itong gunggong na ito, mahigit 3 days atang hindi nag pakita saakin. "Ako?! Ako ba kamo nag seselos?" sabi niya sabay smirk ng nakakabanas. "Oo at saka bakit mo nalaman na nasa park ako? Stalker ka talaga!" "Sorry, Chloe para sabihin ko sayo napadaan ako dahil pupuntahan kita sa bahay mo. Aksidente namang napatingin ako sa may park habang nag dadrive ako at doon ko nakita na may lalaki palang lumuluhod sayo? Nakakaawa siya, muhka atang ginayuma mo siya!" pang aasar ni Tristan. "Nag salita ang hindi lumuhod saakin. Hoy Mr. kabute, naalala mo ba yung una nating pag kikita?" "Alin yung hinalikan kita? Gusto mo ba ulit nun?" Sagot ni Tristan. "Gago! Hindi ba't lumuhod ka din saakin at mas malala ka pa nga at may pahila hila kapa sa mga paa ko. Di nakakaawa kadin pala at sa isang pangit ka lang din lumuluhod," taas kilay kong sabi sa kanya. Nagulat nalang ako ng ihinto niya yung sasakyan at ibinuwelo niya yung kanyang kamao na tila ba sasapakin niya ako. "Talagang sinusubukan mo ako ah!" sabi niya at tila aattack na siya saakin. Bumilang siya,"1......2.....3...tanggapin mo ito," sabi ni Tristan at nagulat ko nang hinalikan nya ko. He kiss me passionately. Mapapa OMG ka nalang talaga sa lambot ng labi ni Tristan. Feel ko nga ay ang haba-haba na nang hair ko. Pero, parang nangangamoy Lance habang magka lapat ang labi namin ni tristan. Parang naamoy ko yung pabango ni Lance. "Siya ba ang dahilan kung bakit hindi mo matanggap ang nararamdaman ko sayo?" Nagulat nalang kami ni Tristan ng may mag salita na lalaki. Inalis na ni Tristan ang pagkakahalik saakin at laking gulat ko nang pag tingin ko sa may bintana ng kotse ay si Lance ang nandoon. "L-lance? A-anong ginagawa mo dito?" pag tatanong ko kay Lance na may halong pag ka utal, nakita ko kasing parang galit siya at maluha-luha. "Oo, kanina pa ako takbo ng takbo para habulin ka, na akala ko ay kinidnap ka ng kung sino. Mukha akong tanga sa pag habol sayo. Halos nagkandarapa na nga ako eh. Ngunit ito pa ang masasaksihan ko? Kaya naman pala hindi mo matanggap ang nararamdaman ko sayo dahil may boyfriend ka na pala. Favor lang Chloe, sa susunod nating pag kikita ay sana wag mo nalang akong pansinin at mag pretend ka nalang na hindi tayo nag kakilala. " Maluha-luha ako sa sinabi ni lance. Agad siyang nag tatakbo papalayo saamin ni Tristan. Hahabulin ko sana siya pero hinablot at pinigilan ako ni tristan. "Ikaw kasi eh, bakit mo ba ako hinakikan?!" Galit kong tanong sa kanya habang hinahampas ko yung dibdib niya. "Eh kasi naman taratat ng taratat yang bunganga kanina. Nakukulili na ang tenga ko kaya yun, tinakpan ko para matigil ang putak na putak mong bibig. Kaso nga lang wala akong maisip na ipangtakip sa bibig mo kaya bibig ko na lang din ang pinangtakip ko," sagot ni Tristan with matching pa puppy-puppy eyes pa. "Lintek ka naman Tristan! Nakukuha mo pang mag pa-puppy eyes sa sitwasyon ngayon! Kung akala mo ay kina cute mo yan, pwes hindi! Nakakasura na! Sasapakin pa kita diyan eh!" "Easy ka lang Chloe, ikaw naman oh, ganyan ka ba kiligin sa halik ko?" "Tang ina mo! Nakakapikon kana! Ihinto mo ang kotse at bababa ako!" sigaw kong sabi na may halong pang gagalaiti. Mukhang natakot ata si Tristan kaya naman agad niyang inihinto yung sasakyan at saka ako bumaba. Tuloy sakay ako sa taxi para tumungo sa bahay ni Lance. Pagbaba ko sa tapat ng gate nila Lance ay agad kong tinawagan si Lance. Naka ilang ulit ako sa kakatawag sa kanya, pero hindi niya ako sinasagot, kaya naman nag message nalang ako sa kanya. "Hindi ako aalis dito sa tapat ng bahay niyo hanggat hindi mo ako nilalabas dito." Halos tatlong oras na akong nag hihintay sa labas ng bahay nila. Nag tiis ako ng pag ka gutom at paka ngawit sa pag tayo. Kung minsan ay nakikita kong sumisilip si Lance sa bintana. Pero hanggang ganun lang, hindi siya lumalabas. Hanggang sa bumuhos na ang malakas na ulan at bumugso pa ang malakas na hangin kaya naman halos mag kanda ngatog ako sa lamig. Until now, wala parin lumalabas na Lance sa bahay niya. Pag katila ng ulan ay bigla nalang bumukas ang pintuan ng bahay ni Lance at nakita kong lumabas na siya. Ngunit ang pinag tataka ko ay bakit pa gewang gewang siya habang nag lalakad. Hanggang sa lapitan niya ako at doon ko nakompirmang nakainom siya ng alak. Hinubad niya ang kanyang t-shirt at inihagis sa may garden nila at bigla bigla niya akong hinila at dinala sa loob ng bahay niya. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil nilabas niya ako pero bigla akong kinabahan sa panghihila niya saakin sa loob ng bahay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD