Chapter 16

1358 Words
CHANDLER'S POV Nakita kong kausap ni Brantly si Manong Guard. Ano kayang problema at kausap niya yun? Mayamaya ay tuloy alis na si Brantly at mukhang pa-iling-iling pa siya, kaya naman agad akong lumapit sa para tanungin siya. "Anong problema at kausap mo si kuyang Guard?" Pag tatanong ko sa kanya. "Pare naawa ako kay Joey. Ano ba kasi ang nasa isip ni Margaux at ginawa nya yun?" Mukhang alam na ni Brantly kung ano ang totoong nangyari. "So, ano wala ngang kasalan si Joey?" pag tatanong ko sa kanya. "Oo, tapos hindi pa ako nakinig kay Lance kanina. Natulak ko pa si Joey kanina at mukhang napalakas pa yun. Ang totoo kasi Chandler ay si Margaux ang tunay na may kasalan at habang papasok daw ng gate si Joey ay tinalisod siya ni Margaux kaya nadapa siya. Kinuwento ni Manong Guard ang lahat lahat saakin," sabi ni Brantly na napapangiwi ang mukha. Maldita talaga iyong Margaux naiyon. Pag kauwi ko sa bahay ay agad akong naupo sa malambot naming sofa . Agad naman kong nakita ng bunso kong kapatid na si babyJillian. "Baby Jillian, pakuha naman si kuya ng cake sa sa ref at pasabi narin kay yaya na patimpla ako ng hot choco. Pagod kasi si kuya mo sa school at saka hungry nadin. Kawawa naman si kuya mo..." malambing kong utos sa bunso kong kapatid. Dito sa bahay ay super close ko ang family ko at talagang sa labas lang ako nagiging masungit at suplado. Ayoko kasi sa lahat yung pinag-kakaguluhan ako. Syempre alam nyo nang super gwapo ako kaya habulin ng chicks hahaha!. Kaya ginusto kong maging suplado at masungit sa school ay para ma turn-off sila saakin at dahil doon ay walang nag tatangkang lumapit saakin, maliban nalang sa isang babae na nag papanggap na Tomboy na nakaunang humalik sa labi ko. Hindi isang bilang tomboy ang tingin ko kay Chloe dahil tulad din ni Lance ay alam ko rin na nag papanggap lang si Chloe na isang tomboy dahil halatang may gusto siya kay Brantly. Itong si Brantly, hindi niya pansin na nag papanggap lang si Chloe, kaya ang tingin talaga niya dito ay isang tomboy. Tomboy na nagpapakatanga! Tsk! "Kuya, here na yung cake mo oh, then sabi ni yaya papadala nalang daw niya yung hot choco mo," sabi ni Jillian sabay abot saakin ng cake.. "Thank you, Baby! Sige, play kana ulit ng doll mo, sorry sa abala ni Kuya." "Okay lang yun kuya. Anyway, pwede po bang mag tanong?" naka puppy eyes na sabi ni Jillian. "Ye, Baby ano yun?" bigla siyang tumabi saakin at sinabing..."Kasi kuya, i want na ng ate?" naka ngiting sabi ni Jillian. "What do you mean, Baby?" nakakunot noo kong tanong sa kanya. "I mean, yung magiging girlfriend nyo po. Wala pa po ba kayong nala-like na Girl sa school nyo?" Grabeng bata to, kung anu-ano nasa isip. "Actually, Baby meron na. Kaso, inis at nasusura ako sa kanya!" "Why naman kuya?" "Kasi ayoko sa babaeng nag mumukhang tanga at ginagawang utusan ang sarili niya, mapalapit lang siya sa lalaking gusto niya. Dahil doon na turn-off ako." Dito kasi sa bahay wala kaming sikretuhan. "Ha?! What do you mean, Kuya!? What utusan and what nag mumukhang tanga? What kind of girl ba siya? At saka feel ko, parang bitter ka sa kanya." Grabe! May nalalaman pa siyang bitter?! Halos pitong taon palang siya pero kung anu-ano na lumalabas sa bibig niya. "Hindi ah, hindi ako bitter sa kanya, kasi....basta hindi ako bitter!" "Okay. So, bakit utusan at nag mumukang tanga siya kuya? Ano ba siya sa school?" pag tatanong ulit niya. Napakadaldal talaga. "Baby, isa siyang babae na nag papanggap na tomboy sa school at saka siya din ang first kiss ko." "What?! First kiss?? Where? Sa pisngi ba or sa lips? Wait, kuya...Chloe ba name nung Girl na yun?" tanong niya habang nakaduro ang kamay niya saakin. "How did you know, Baby?! " gulat kong tanong sa kanya. "Kasi po nung nakaraang linggo ay papunta ako sayong kwarto para gisingin ka. Then, habang natutulog ka, narinig kong sinabe mo ang pangalan na Chloe. Tatlong beses panga eh," kwento niya saakin na kinanganga ko. Seryoso? "Ah, okay! Anyway, saan mo nalalaman yang mga girlfriend-girlfriend at mga bitter-bitter naiyan?" Tanong sa kanya. "Sa TV po. Mas maganda panuorin yung mga korean drama, mas nakakakilig," sabi niya na may halong pakilig-kilig pa. Grabeng bata toh. Kasalanan ito ng mga korean drama hahaha! **** CHLOE"S POV Until now, isip-isip ko parin ang mga pangyayari kaninang umaga. Galit na galit si Brantly saakin. Nagawa niya akong itulak kahit wala naman talaga akong kasalanan. Medyo nakakaturn-off at talagang mahal na nga yata niya si Margaux. Wala na talagang pag asang mabuo ang loveteam na ChloRantly. Goodbye Brantly na ba ako?! PLEASE! LORD, BIGYAN MO PO AKO NG SIGN. GUSTONG GUSTO KO NA NG LOVELIFE! "Hello, Chloe!" "Ay pusang gala! Putcha naman Tristan! Ayan ka na naman!" napapikit tuloy ako sa pag ka gulat ko. "Anong Tristan? Anong ayan ka na naman?!" sabi niya at nagulat nalang ako pag dilat ko. "Ay Lance, ikaw pala. Akala ko ay si Tristan na gunggong na naman!" "Sinong Tristan?" pag tatanong niya. "Wala, yung friend ko lang iyon na malakas ang tagas! Anyway, what are you doing here?" "I know na sad na sad ka sa mga pangyayari kanina kaya naman naisipan kong yayain ka at tayoy gumala sa labas," sabay hatak naman saakin si Lance papunta sa labas. "Teka-teka, masyado ka na mang excited. Ila-lock ko lang yung pinto ng bahay ko. Baka mamaya ay manakawan ako." Nang mai-lock ko yung pinto ay nagulat nalang ako nang humarap ako kay Lance. Nakatitig siya saakin mula ulo hanggang paa at tila nagnining-ning ang kanyang mga mata sa pag tingin saakin. "C-chloe alam mo ngayon lang kita nakita ng naka pang-girl na damit," sabi niya sa malambing na tono. Nagulat din ako sa sarili ko. Oo nga pala, naka pang girl na suot pala ako dahil nasa house ako. Nakafit na t-shirt pa naman ako at naka maikli na short na maong. Paktay neto ako. "Ay sorry Lance. Wait at mag papalit lang ako," bubuksan ko na sana yung pinto para magpalit ako pero nagulat nalang ako ng bigla na naman akong hilahin ni Lance at sinabing..."Wag na Chloe, mas bagay sayo yang suot mo ngayon at wag kang mag-alala, matagal ko nang alam na nag papanggap ka lang bilang tomboy sa school at wag ulit mag alala hindi ko sasabihin sa kanila, okay ba sayo yun?" Sabi niya habang tumatakbo kami at hila-hila niya ang kamay ko patungo sa kotse niya. Dinala ako ni Lance sa park at ibinili niya ako ng ice cream. "Kainin mo yang ice cream para mawala ng konti ang pagkalungkot mo," sabi niya sabay abot ng ice cream sa akin. Nag-lalakad kami sa park habang nag uusap ng kung anu-anong kaek-ekan. Pinatawa ako ng pinatawa ni Lance habang nasa park kami, hanggang sa huminto kami sa isang playground. Umupo kami sandali sa isang duyan-duyan. Mayamaya ay biglang tayo si Lance at inugoy ako. "Ah!" Napatili ako dahil biglang inugoy ni Lance yung duyan na inuupuan ko. Idinuyan nya ako ng idinuyan kaya tuloy lang ako sa pag hiyaw Hanggang sa tumigil na siya at mukhang napagod na ata. "Lance, bakit mo ginagawa ang lahat ng ito?" Seryoso kong tanong kay Lance. "Gusto mong malaman?" Sagot niya na tila ba sumiryoso din ang mukha niya. "Oo, bakit? Bakit ka ganito saakin? Bakit ang bait bait mo at palagi mo akong dinadamayan sa lahat ng aking problema at palagi mo akong pinapasaya?" "Gusto mo ba talagang malaman?! I hope na wag kang magugulat at sana tanggapin mo!" sabi niya. "Ano nga ba? Ang tagal mo kasing sagutin ang tanong ko." kulit kong sabi sa kanya. "Mahal kita Chloe! May gusto ako sayo at kung pwede nga eh, manliligaw sana ako," Seryoso niyang sabi. Tila ako naging istatwa naman sa sinabe niya. Mayamaya ay muli siyang nag salita. "KUNG PWEDE NGA LANG CHLOE AY WAG KA NANG MAG KA GUSTO KAY BRANTLY DAHIL NAG SESELOS AKO." Seryoso ba? Nakakagulat si Lance.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD