Chapter 15

975 Words
CHLOE'S POV Maluha luha ako habang tumatakbo ako papalayo sa kanila. Nagulat nalang ako ng sundan pala ako ni Lance. "Bakit ganun siya? Ano bang problema niya at agad-agad akong tinulak? Wala namang akong ginagawang masama ah?!" "Bakit mo kasi tinulak si Margaux?" Tanong bigla ni Lance habang pinapag-pag niya ang nalibagan kong uniform. Nagulat ako sa sinabi niya. "Tinulak?! Tinulak ko si Margaux?" Tanong ko sabay hinto sa paglalakad. "Oo, nag sumbong si Margaux kay Brantly na tinulak mo daw siya habang papasok ng gate." "Magara pala talaga yang si Margaux na yan eh, binaliktad pa ako, eh siya na nga ang nanalisod kanina kaya nadapa ako, tapos saka niya ako pinanghuhusgahan ng kung anu-ano, tapos siya pa ang nag sumbong kay Brantly na tinulak ko siya!" sa nalaman kong yun ay tila na lalo pang lumakas ang pag tulo ng luha ko. "Ganun ba Chloe? Alam mo, naniniwala ako sayo. Alam kong hindi mo magagawa yun. Ewan ko nga ba diyan kay Margaux! Ikaw pa pala ang ginawaan niya ng katarantaduhan, tapos ikaw pa ngayon ang napasama. Hayaan mo at ako ang bahalang mag paliwanag kay Brantly," sabi ni Lance habang pinupunasan niya ng panyo ang aking mga luha. Tto talagang si Lance, konti nalang at iisipin ko na na may gusto na talaga ito saakin. Kasi ang sweeet at ang bait bait niya talaga saakin. "Salamat, Lance. Maiwanan na kita, gusto ko ng umuwi, nawalan na ako ng gana pumasok sa school." "Teka nga, Chloe. Napansin ko habang pinupunasan ko ang mga luha mo, tila ata pumupusyaw yang balat mo at kumikinis yang mukha mo?" sabi niya sabay hawak sa balat at mukha ko. Nananching lang ata itong si Lance eh. Nawala tuloy ang pag kainis at badtrip ko at sabay tingin ako sa mga balat ko at sabay hipo din sa mukha ko. Mukhang maganda nga yung mga produktong binigay ni Tristan saakin. Dahil doon, sumaya naman ako ng konti. Nag iimprove na nga ang skin ko. "Actually niyan ay may ginagamit nga akong mga pamahid sa balat na binigay ng isang kaibigan kong mayaman." "Bakit nag papaganda kaba, este nag papa gwapo kaba?" tanong niya na naka-ngisi. "Oo na, sige nag papagwapo na ako para naman mag improve ako, para hindi kayo nahihiyang kasama ako, kasi ako lang ang panget sa grupo. Kaso eh, wala na, pinaalis na ako ni Brantly. Ang saklap lang Lance. Sige na, uuwi na ako," sabi ko sa kanya at tuluyan na akong umuwi. **** LANCE'S POV Naawa ako kay Chloe ko kanina nung tinulak siya ni Brantly. Tapos mas lalo akong naawa nung malaman kong si Margaux pa pala ang may ginawang pag kasalanan kay Chloe. Napakasama talaga nung babaeng yun! Kung baga sa dota, na double kill ang Chloe ko. "Hayaan mo, Chloe at bibigyan kita ng hustisya, pinapangako ko yan..." sabi ko sa sarili ko. Pag punta ko sa malaking puno, sa aming tambayan ay sakto nang wala na si Margaux na maldita at ang mga alipores niya. Tanging si Brantly nalang at Chandler ang nandun kaya naman makakausap ko na nang masinsinan si Brantly. "Pareng Brantly, may kailangan kang malaman!" sabi ko habang hinihingal ako dahil sa pag takbo. "Teka, tungkol ba yan kay Joey? Please, Lance ayokong madinig yang sasabihin mo. Hindi ko mapapatawad ang ginawa niya sa aking girlfriend," galit na sabi ni Brantly. "Brantly, pwede bang pag salitain mo muna ako. Walang kasalanan si Chloe! Ang totoo niyan ay siya pa kamo ang biktima. Hindi tinulak ni Chloe si Margaux. Ang totoo ay itong si Margaux ang nanalisod kay Chloe para madapa siya." "Pareng Lance, wag kang maniwala sa tomboy nayun. Hindi porket may gusto ka sa kanya ay pag tatanggol at papanigan mo na siya," sabi ni Brantly sabay alis at tila ayaw niyang maniwala saaking mga sinasabi. "Tignan mo itong si Brantly, kinakausap, tapos biglang aalis! Ang labo niya talaga! Tsk!" "Alam mo Lance, naniniwala ako sayo. Alam mo kung bakit? Hindi ko din gusto yung Margaux na yun. May pag ka maldita ding taglay yung babaeng yun eh. Kahit sura at galit ako kay Joey, alam kong hindi magagawa ni Joey na itulak si Margaux," sabi ni Chandler sabay tapik saaking balikat at tuloy sunod narin kay Brantly. **** BRANTLY'S POV 9hrs later. Habang nag lalakad ako papauwi ay napaisip ako kung sino ba talaga ang nag sasabi ng totoo. Ilang beses na akong kinukulit ni Lance. feel ko na mukhang nag sasabi naman ng totoo si Lance dahil hindi niya ako kukilitin ng hindi tama ang kanya. Kaso kailangan ko din panigan ang girlfriend ko.. Mayamaya ay bigla nalang ako napatingin sa may gate, kung saan doon nangyari ang mga panunulak or pananalisod daw. Bigla nalang din akong napatingin kay kuyang guard na nakaupo sa may gilid ng gate. "Tama, mukhang magkakaalamanan na kung sino ang nag sasabi ng totoo. At sure naman akong nasaksihan ni kuyang guard ang mga pangyayari, dahil di naman siya umaalis doon..." bulong ko sa sarili ko at sabay takbo ako patungo kay kuyang guard. "Excuse me, pwede po bang magtanong?" "Oo naman, ano bayun?" sagot niya sabay ngiti mukja pa atang bakla si kuyang guard at nagpapacute pa saakin. "Siguro naman po eh, kilala nyo si Joey, yung bang tomboy at si Margaux na syota ko.?" pag tatanong ko. "Ah si tomboy ba? Oo, kilala ko yun at si Margaux na maldita? Oo, kilala ko rin yun. Actually nga kaninang umaga ay nakita kong tinalisod ni Margaux si tomboy. Ayun nadapa si Tomboy at saka nila sinabihan ng kung anu-ano at pinag tatawanan. Awang awa nga ako kay tomboy eh, hindi manlang gumanti or lumaban manlang. Napaka bait na bata," sabi ni kuyang guard. Mukhang hindi ko na kailangan pang magtanong pa at kinuwento na niya ang laha-lahat ng gusto kong malaman. Tsk! Bigla akong naawa kay Chloe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD