Chapter 14

984 Words
CHLOE'S POV Pag pasok ko sa loob ng bahay ay agad ko namang pinag bubutbot ang laman ng box na puro pampalandi sa katawan. Sa totoo lang ay ngayon lang ako makakagamit ng mga ganito. "Nakakatulala, mukha ngang mga mamahalin ang lahat na ito at parang ngayon lang ako nakakita ng mga gantong branded." sabi ko kahit wala naman akong kinakausap. "Talagang mamahalin yan noh!" "Ay palaka ka!" gulat kong sabi. "Lintek ka naman Tristan! Ano kaba talaga? Kung may sakit ako sa puso, siguro kanina pa ako inatake dito, bigla bigla ka nalang sumusulpot at saka hindi ba uso sayo ang kumatok sa pintuan?" sabi ko kay Tristan habang gulat na gulat parin. "Sorry, Chloe! I forgot kasi na sabihin sayo na sa saturday ay isasama kita sa mall para ipamili ka nang susuotin mo sa double date natin at para din ipa salon ka narin. Okay ba sayo yun?" Sabi ni Tristan sabay ngiti. "Okay, go din ako diyan at first time kong makakapag salon," nakangiti kong sabi. "Ha?! Eversince, hindi kapa nakakapag salon?" gulat niyang tanong saakin. "Yup! Bakit?" sagot ko sa kanya. "Kakaiba ka talaga sa mga babae kong nakilala, sige na nga, mauna na ako," sabi niyang nakangiti sabay tuluyan nang alis sa bahay ko. **** 2 days later.. *SA SCHOOL Habang papasok ako ng school namin ay nagulat nalang ako ng may biglang tumalisod saakin kaya naman nadapa ako. "OMG! Joey what happen to you?" Nagulat nalang ako nang bigla nalang akong tinulungan ni Margaux at itanayo niya ako. "S-salamat Margaux," sabi ko sa kanya habang pinapagpag ko yung uniform ko. Tama bang mag pasalamat ako sa kanya kahit siya naman ang tumalisod saakin? Gigil ako ah! Kung di lang syota ito ni Brantly kanina ko pa ito kinaladkad. "Ang shunga naman niyang si Joey! Alam nyo, sya lang ang lampa sa grupo nila Brantly! Talagang dapat eh, tuluyan na siyang lumisan sa grupo nila," sabi nung isang alipores ni Margaux. "Ay naku girl, hayaan na natin siya, alam nyo ba kung bakit? Napapakinabangan naman siya nila Brantly eh, dakilang utusan. Oh, diba powerful nitong si tomboy kuno!" sabi din nung isa pang alipores ni Margaux sabay tawa ng malakas. "Kayo naman, wag nyo namang ginaganyan si Joey!" Sabi ni margaux at sabay hawak saaking mga balikat at sabay bulong, "ikaw ba'y masaya sa mga pinag-gagagawa mo?" "A-ano ibig mong sabihin Margaux?" pag tatanong ko sa kanya. "I mean, yan! Yung pag papanggap mo bilang Tomboy at iyang pagiging utusan at pag papakatanga!" sabi ni Margaux sabay taas ng kilay. "Margaux, a-anong pag-papanggap??" tanung ko ulit sa kanya. "WAG MO NGA AKONG GAWING TANGA JOEY! ALAM KONG KAYA KA NAG PAPANGGAP AY PARA LANG MAPALAPIT KA SAAKING BRANTLY MY LOVE. ALAM KUNG BAKIT? DAHIL MINSAN NAPAPANSIN KONG BIGLA BIGLA KA NALANG NAPAPATITIG KAY BRANTLY AT SAKA KA NGINGITI NGITI.... FYI LANG JOEY AH, ASA KAPA NA PATULAN KA NI BRANTLY! SORRY DAHIL ANG MGA TYPE LANG NI BRANTLY AY MGA CHICKS NA KAGAYA KO NA SEXY AT MAGANDA, YUNG TIPONG PALONG PALO! ACTUALLY NGA MAY DOUBLE DATE NA MANGYAYARI NEXT WEEK EH, IM SO EXCITED NA! EH, IKAW BA JOEY, NAKAKARANAS KABA NG MGA DATE-DATE? HAHAHA! KAWAWA KA NAMAN! LETS GO NA NGA GIRLS," sabi ni Margaux sabay alis kasama ang mga alipores niya. Nagulat nalang ako nang mapailing si kuya bodyguard. Nasaksihan pala niya ang pang aapi saakin nila Margaux. "Naka feeling talaga nung Margaux na yun. Oo, hindi pa ako nakakaranas ng dating eme! Pero next week, oo makakaranas narin ako, kaya sorry siya! Akala niya sila lang ang may mga date-date na ganun. Kaso, yun nga lang, mag papanggap lang ako hahaha!" bulong ko sa sarili ko. Hmp! Grabe, umagang umaga dimonyo kaagad aking Nakasagupaan. **** MARGAUX'S POV Mga girls, may naisip ako para tuluyan nang mapatalsik si Joey sa grupo nila Brantly. Bilis, lagyan nyo nang buhangin itong palda at blouse ko," sabi ko sa aking mga alipores ko. "Ha! Bakit naman?! Ano bayang plano mo at lilibagan mo pa yang uniform mo?" tanong ni Kathleen ang aking alipores. "Basta sumunod ka nalang, ang dami mong tanong!" sabi ko sa kanya kaya tuloy dampot siya ng buhangin at ipinahid sa aking palda at blouse. "OMG! fatima may alcohol ka ba? Ang dirty tuloy nang hands ko!" sabi ni Kathleen, ang arte lang ng peg. "Lets go na kila Brantly at may shooting na mangyayari," pang aaya ko sa kanila. Tuloy takbo na ako sa may ilalim ng malaking puno kung saan palagi nilang tinatambayan. Medyo papalapit na kami sa kanila kaya sinumulan ko nang kusutin ang aking mga mata para magluha na ako. "Oh, Margaux! Anong nangyari sayo? Bakit puro buhangin yang mga uniform mo?!" sabi ni Brantly sabay pag pag saaking mga uniform. Sina Lance at Chandler naman ay nagulat din at napatayo. "Brantly ano bang problema ni Joey at tinulak niya ako kanina habang papasok ako sa gate? Tanong mo kina Fatima at Kathleen, kitang kita nila kung paano ako tinulak ni Joey," sabi ko at sabay oo naman sila Fatima at Kathleen. Sakto namang parating na si Joey kaya naman tuloy sugod itong si Brantly ko at saka niya biglang itinulak si Joey. Halos lahat sila ay nagulat sa ginawa ni brantly. Ganun din si Joey na nakatumba sa may lupa dahil sa pagkaka tulak ni Brantly. "B-bakit Brantly? Anong problema mo?" sabi ni Joey at sabay awat naman si Lance kay Brantly. "Simula ngayon Joeyy, hindi ka na namin kailangan sa grupo namin! Tutal hindi ka na nga naman bagay sa aming grupo, kaya umalis kana at wag na ka nang mag papakita saamin!" sabi ni Brantly kay Joey. Tuloy punta ulit sa akin itong si Brantly para yakapin at i comport ako. "Mission accomplished," sabi ko sa sarili ko sabay tingin kina Fatima at Kathleen,hudyat iyun saaking pag tagumpay sa aking plano. Kaya mangis-ngisi silang dalawa. Goodbye, Chloe! Hahaha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD