Chapter 13

1390 Words
CHLOE'S POV "Ano?! Hindi pwede! Ayoko!" Sabi ko sa kanya sabay balik doon sa kinakain kong cake. Tumuloy sunod naman saakin itong si Tristan at muli na namang umandar ang ang kanyang mga kakulitan. "Please naman oh! Pero teka, ano nga pala ang iyong pangalan? Kagabi pa tayo mag kasama, pero until now hindi ko parin know ang name mo?" sabi niya sabay upo sa may bakanteng upuan dito sa hapagkainan. "CHLOE!" taas kilay kong sabi sa kanyang habang punong puno ng cake ang aking bibig. "Chloe, please help me again and again. Actually, next week pa naman magaganap yung double date nayun eh, saka ayaw ko lang talaga mapahiya doon sa aking kababata, ayoko kasi na nalalamangan niya ako," pag mamakaawa niyang sabi at may pakunot noo pa siya. "Tristan, are you crazy? Alam mo, lalo ka lang mapapahiya kung ako ang isasama mo sa double date na iyun. Alam mo kung bakit? Una, pag tatawanan ka lang nila kapag isang tomboy ang isanama mo sa double date nayun. Pangalawa, hindi ako yung tipong chicks na babaeng maganda! The end." "Eh, basta. May gagawin ako sayo para mag improve at lumabas yang ganda mo. Basta kanina um-oo kana, kaya wala ng bawian yun. Sige, aalis na ako at kailangan kong pag planuhan kung paano ka mag iimprove," sabi niya sabay alis ng bahay namin. "Tignan mo itong hinayupak na gwapong si tristan na ito, gagawin pa akong katatawanan, asa siyang mapapasama niya ako sa double date nayun! Napaka abnormal talaga. Sayang ang pagiging gwapo niya kung may sapak naman ang ulo niya," pabulong na sabi ko sa sarili ko. Nakaka-stress siya. Hapon na ako nang pumasok sa school. Kaya kailangan kong gumawa ng dahilan na sasabihin ko kay Brantly kung bakit hindi ako nakapasok kaninang umaga. Sure akong inis yun dahil wala siyang taga bili kaninang umaga ng kape. Paktay na naman ako sa kanya. Pag pasok ko sa school ay sabay tungo kaagad ako sa malaking puno kung saan parati naming tinatambayan. Natanaw ko nang nandoon na silang tatlo at kasama na naman ni brantly ang asungot at haliparot na si Margaux. "Kainis! Sira nanaman ang araw ko nito," bulong ko sarili ko. "Ow, bakit nandito yang si Joey? Ang pag kakaalam ko ay nag-quit na siya sa group nyo ah?" gulat na sabi ni Margaux. "Kasi kinausap niya ulit ako na muli ko daw siyang tanggapin. Eh, naawa naman ako, kaya tinanggap ko ulit," sabi ni Brantly with matching may papisil pisil pa sa pisngi ni Margaux. Ang OA nila hmp! "Bakit hindi ka pumasok kaninang umaga?" Tanong ni Lance sa akin. "Ah, pasensya na ha, sumama kasi pakiramdam ko kaninang umaga kaya hindi ako nakapasok," pag sisinungaling ko sa kanila. "So, ano okay ka na ba?" Tanong ni Lance na mukhang nag aalala. "Yup! Medyo kumikirot lang ng konti ang ulo ko, pero kaya pa naman tiisin," sabi ko sa kanila with matching matamlay na boses. Try ko kung mag aalala ba saakin itong si Brantly. "Naku, kawawa naman si Chloe," sabi ni Lance sabay himas sa aking ulo. "Okay lang ako Lance, matitiis ko pa naman, kaya wag mo nang himasin ang ulo ko at magugulo pa ang buhok ko," sabi ko kay Lance sabay hawak sa kamay nya para alisin sa ulo ko. "Ay oo nga pala, nag kita na kami ng aking kababata at inaya ko siyang makipag double date, kaya next week may date tayo Margaux, free ka ba nun?" sabi ni Brantly sabay ngiti kay Margaux. "Talaga? Oo naman, free ako anytime at anywhere," naka ngiting sabi ni Margaux. "Hmmm... Alam nyo, hindi pa kayo nakakatapos sa pag aaral at hindi pa kayo ganap na binata at dalaga, kung makapag double-double date kayo ay tila ba matured na matured kayo. Mag aral muna kayo, puro kayo pag-ibig," seryosong sabi ni Mr. sungit na si Chandler. "Chandler, thirdyear highschool na tayo at ganap na dalaga at binata na, kaya anong masama kung mag d-double kami eh, umiibig nga kami eh, may masama ba doon? At sorry ka bro, hindi namin pinapabayaan ang pag aaral namin. Alam mo kasi, mag girlfriend ka nadin, hindi yung parang naiingit ka. Saka ayan naman si Joey este Chloe, diba nag kiss na kayo nyan," nakatawang sabi ni Brantly kay Chandler. "Brantly naman! Sabi nang wag nyo nang ipina-paalala yung nangyaring yun! Tsk!" sabi ni Chandler sabay tingin ng masama saakin at tuloy walk-out. Naasar na ata ng tuluyan sa sinabi ni Brantly. "Tignan mo, dahil sa double date na yan, mga nag kakapikunan pa kayo!" Sabi ni Lance kay brantly. "Speaking of double date, i remember Tristan! Talaga bang uso ngayon yun? Naku, Tristan goodluck nalang sayo..." bulong ko sa sarili ko. Pagsapit ng gabi ay nilibre ako ng food ni Lance. "Thanks sa libre Lance, nabusog ako. Napaka bait mo talagang kaibigan, sa uulitin ulit," sabi ko kay Lance. "Wala yun, basta't ikaw. So, paano hatid na kita sa bahay mo," sabi ni Lance sabay himas na naman sa ulo ko. "Naku, wag na Lance, may dadaanan pa ako eh, sige na, see you tommorrow. B-bye and thanks again." Pag uwi ko sa bahay ay laking gulat ko na lang nang may nakita ako sa labas ng pinto na isang box. "aahhhh!Tulungan nyo ako! May bomba sa pintuan namin! Mga kapitbahay tulong!" sigaw ko sabay takbo papalabas ng gate. Sa pag labas kong yun ay bigla nalang ako nauntog sa dalawang matigas na bagay, kaya nabuwal ako at napaupo ako sa sahig ng semento. "Aray! Ang sakit sa ulo nun ah! Ano bayun?!" sabi ko at pag tingin ko sa harapan ko ay nakakita ako ng gwapo. "Ayy kapre! Lintek ka Tristan, papatayin mo ako sa gulat!" sabi ko sa kanya. So, sa dalawang matigas na dibdib niya pala ako nauntog. Grabe lang ha. Napatumba niya ako dun ah, ang hunk niya. Sabagay, matipuno din itong si Tristan. "Ano ba ang tinitili-tili mo diyan chloe?" pag tatanong niya sabay hawak sa kamay ko. Grabe! Ang lambot lang ha! Malambot pa ata kamay niya kesa saakin at bigla ko nalang naamoy na mukhang bagong ligo siya at wet pa ang hair ni mokong. "Alam mo para kang kabute! Bigla bigla ka nalang sumusulpot. Anyway, kaya ako napatili ay may bomba doon sa tapat ng pintuan ng bahay ko. Ayun yung box oh," sabi ko sabay turo doon sa kahon. "Yung bang kahon na nasa pintuan?" "Ay, paulit-ulit? kakasabi ko lang. Hindi yung paso sa may bintana namin paki tanggal mo nga at baka sumabog. OO YUNG NGANG BOX NA YUN PAKI TANGGAL MO NGA PLS!" sabi ko sa kanya habang nangingilo ako. Im scared, kasi baka bigla nalang sumabog yun. Tuloy punta naman si Tristan doon para kunin yung box at sabay sabi, "Ito bang box? Tangi ka, hindi ito bomba, buksan mo," sabi niya sabay abot saakin nung box. "A-ano ba ito?" Tanong ko sa kanya habang unti unti kong binubuksan yung box. Pag bukas ko nun ay nagulat nalang ako nang makita ko na puro lotion, sabon na pampaputi, may mga cream pa na pamahid sa mukha at isang kumpletong make-up. "Kanino kaya galing ito Tristan?" Tanong ko. "Alam mo may pag ka shunga ka din eh. BIGAY KO YAN! Gamitin mo para mag improve yang balat mo. Sure naman ako na tatalab yan, after one week dahil puro mamahalin na branded at talagang tatalab yan at saka yung cream, 3x a day mo yang gagamitin at yan namang make-up, pag aralan mong gumamit nyan para hindi kana mahirapang mag make-up sa araw ng double date natin. Then wag kang mag alala na wala kang mapapala sa double date nayun at babayaran kita," sabi niya habang pinapaliwanag kung paano gamitin yung mga pampapalandi nayun. "B-bayaran mo ako?! Sige, deal ako diyan,"sabi ko sabay ngiti na abot tenga. "Mukha kang pera!" nakailing niyang sabi. "Talaga! Sige at keri na saakin ang 20 thousand," sabi ko sa kanya sabay ngiti ulit ng abot sa tenga. "Ang baba ng kaligayahan mo. Sige na at gagawin ko nang 50 thousand! no masaya kana?" sabi niya sabay alis at dumaan lang naman daw siya dito para iabot yung box nayun. nung narinig ko yung 50 thousand na ibibigay niya saakin ay yung ngiti ko hindi lang abot tenga, kundi umaabot na siya hanggang langit. I like you na Tristan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD