Chapter 12

1279 Words
CHLOE'S POV "Hoy tristan! Tumayo ka nga diyan! Sige na, pumasok ka na sa loob," sabi ko sa kanya sabay akbay sa kanya para alalayan siya papunta sa loob. Pinaupo ko muna siya sa may sofa at ipinag luto ng mainit na soup. Mukha kasing ginaw na ginaw siya na tila namumutla pa. Mayamaya ay bigla na siyang nag salita. "Mabuti naman lumabas ka, kung hindi malamang bukas isa na akong malamig na bangkay na madadatnan mo sa labas niyo," sabi niya na nangangatog ang boses. "Aba, sa tono ng pananalita mo eh, mukhang ako pa ang sinisisi mo sa mga nang yayari sayo. Sino ba kasi ang may sabi na lumayas ka sa bahay niyo?! Gagawin-gawin mo yan, tapos ni hindi mo naman pala kayang mag isa at mukha ka pang batang naliligaw sa kalye. Pasalamat ka talaga at lumabas ako. Halika ka na dito sa mesa at humigop ka muna ng soup para mawala yang panlalamig mo." Tuloy tayo naman siya na medyo may pangangatog parin. Halos maubos niya ang niluto kong soup. Mukhang nag kanda gutom-gutom din siya. "Hay naku, ikaw lang ang pulubi na gwapo na nakita ko sa aking talambuhay." Panunura ko sa kanya. Halos mabuga nya yung hinihigop nyang soup nang madinig niya ang sinabi ko. "S-sobra ka naman makapag-salita. Pulubi? Pulubi talaga? May pulubi bang ganto ang suot at may pulubi bang ganto kakinis ang balat?" inis niyang sabi sa akin. "Purihin ba ang sarili? Oh, sya, sige na ubusin mo na yang soup at pinapayagan na kita na dito muna mag palipas ng gabi. Pasalamat ka at mabait parin ako sayo kahit na iniinis mo parin ako. Diyan kana sa sofa matulog at wag ma wag mo akong papasukin sa kwarto ko!" Nakapamewang kong sabi sa kanya. "Teka-teka ano kaba talaga? Bakit naka pambabae ka naman ngayon nang suot? Ayos ah, may itsura ka. Lalo siguro kung mahaba ang buhok mo. Kaso, dapat mag pa puti kapa ng konti. Sure akong chicks na chicks ka na pag nagka ganun," nakangising sabi ni Tristan. "Ang dami mo pang sinasabi. Oo, hindi ako tunay na tomboy, nag papanggap lang ako dahil patay na patay ako sa isang lalaking pag ka gwapo gwapo sa school namin. at yes, pag dito sa bahay babae ako." "So, anong konek na pagiging tomboy mo sa school nyo? Di lalong hindi ka papatusin nung boy na dead na dead ka kung tomboy ka?!" seryosong tanong ni Tristan saakin. "Bumuo kasi siya ng grupo ng mga gwapo sa school namin, naisip kong sumali sa grupo nila kaya nag paka tomboy ako para lalo akong mapalapit sa kanya," mataray kong sabi sa kanya. "Siguro hindi ka tinanggap noh?" pag tatanong niya na may halong panunura. "At bakit naman hindi ako matatanggap?" Taas kilang kong tanong sa kanya. "Eh, hindi ka naman gwapo nung naging tomboy ka eh," pang aasar na sabi niya. "Nagkakamali ka Tristan! Sorry ka, tinanggap nila ako noh!" mataray kong sabi sa kanya. "Tinanggap ka? Paano nang yari yun?" Nagulat niyang sabi saakin. "'Wag mo nang alamin kung bakit nila ako tinanggap. Mabuti pa ay matulog ka na dyan at bukas na bukas pakiusap, umalis kana dito at pag hindi, naku, matutuluyan na kitang tirisin!" mataray kong sabi sa kanya. KINABUKASAN, pagkamulat ng aking mata ay si Tristan agad ang nasa isip ko. Agad akong bumangon at lumabas sa aking kwarto. Pag tingin ko sa sofa ay wala na siya. Laking gulat ko nalang na pag tingin ko sa lamesa ay punong puno ng pag kain. Grabe! May friedrice, hot dog, ham, longganisa, fried chicken, cake at hot choco. At sa may tabi ng hot choco naman ay may nakita akong sulat. "Maraming salamat sa pag tanggap mo saakin diyan sa iyong munting bahay at sa pag tulong mo saakin, wag ka nang mag taka kung madaming pagkain diyan sa mesa mo, munting regalo ko yan sayo and wag ka narin mag taka kung bakit nakarating ako sa palengke. Nag tanong-tanong nako sa mga tao, syempre dahil gwapo ako tinulungan nila ako. So, ayun maayos akong nakarating sa palengke at saka dumaan narin ako sa isang bakery para bumili narin ng cake para naman lubusan mo na iyang ikasaya. Okay, sige na. Hanggang sa muli, kaibigan." - Tristan a.k.a Mr. makulit **** BRANTLEY'S POV Papaalis na ako para pumasok sa school nang makatanggap ako ng tawag sa cellphone. "Hello?" "What's up bro! Im here na again sa Pinas! Mag kita naman tayo ngayon kung gusto mo?" Masayang sabi niya saakin. "Teka! Tristan is that you?" pag tatanong ko sa kanya. Baka kasi nagkakamali ako e. "Yup, Bro, ako nga ito!" sagot niya. "Bro! Nakakabigla ka naman! Nasaan ka ngayon? Tara mag meet naman tayo," excited kong sabi sa kanya. "Sige, message kita kung saan tayo mag kikita," sabi niya sabay call ended. Pag karaan ng ilang minuto ay nakatanggap na ako ng message galing kay Tristan. Agad naman akong nag tungo sa pag tatagpuan namin. Magkikita kami sa isang mamahaling restaurant . Pag pasok ko sa restaurant na iyon ay agad ko naman siyang natanaw. "Bro!" Batii ni Tristan sabay highfive saakin. "Kamusta? Wow! Nag improve kana ha! Medyo nag kaka itsura kana! " pang aasar ko sa kanya. "Gago! Matagal na akong gwapo! Anong ngayon lang nag kaka itsura! Anyway, anong balita?" pag tatanong niya saakin. "Balita ba kamo? Ito, palagi nalang tinitilian ng mga kababaihan.Daig ko pa ang sikat na sikat na artista." pag mamayabang ko sa kanya. **** TRISTAN'S POV Sana naman ay hindi ako tanungin nito sa lovelife ko. Ayokong mag patalo sa kanya, dapat lagi kaming mag ka-level. "Ang yabang ha! Ako naman din eh, sa ibang bansa sobrang patay na patay saakin ang mga kababaihan doon." pag mamayabang ko din sa kanya. "So, how about sa lovelife mo? Kamusta?" Pag tatanong ni Brantly. Patay! Ayan na nga ba sinasabe ko eh. "Ah, eh, yun ba? Ito, going strong na kami. Eh, ikaw ba?" pag sisinungaling ko sa kanya kahit ang totoo e, wala naman akong girlfriend. "Ah, ako naman bago pa lamang. Gusto mo mag double date tayo para narin makita ko ang girlfriend mo at para makita mo narin ang girlfriend ko." sabi niya nang nakangiti. "Lalo nang, patay ako nito. Tsk!" Mahina kong bulong sa sarili ko. "Hahaha! Maganda yang naiisip mo. Sige ba, kelan? Ikaw na ang mag set." nakangisi kong sabi sa kanya. Patay, anong gagawin ko? **** CHLOE'S POV Sa sobrang bundat ko ay tinamad na akong pumasok sa school. Habang haplit ako nang kakalapang sa cake ay bigla bigla nalang may kumatok sa pintuan ko. Agad akong nag tungo doon para pag buksan siya. Nagulat nalang ako na pag bukas ko ng pinto ay nakita ko na naman ang makulit na lalaking ito. "T-tristan?!" "Please! I need your help again!" malungkot niyang sabi saakin. "Na naman? Anong klaseng tulong naman yan Tristan! Lakaiba ka, wala kabang ibang friend dito sa pinas at saakin kapa lumalapit?!" Galit kong sabi sa kanya habang kumakamot kamot sa ulo. "Eh, basta ikaw lang ang naisip kong makakatulong saakin, kaya please, help me again." "Eh, ano ba kasi yun?" Tanong ko sa kanya. "Umo-oh ka muna," makulit niyang sabi saakin. "Eh, ano muna nga yun?" kulit kong tanung sa kanya. "Basta, please UMO-OHH ka muna," pag pupumilit niya kaya naman napa-oo na ako. Ang kulit kasi. "OO na, SIGE NA. So, ano na yun?" "Okay, bawal mo na yang bawiin ah. UMO-OHH kana. I need you, para mag panggap bilang isang girlfriend ko sa isang double date." nakangising sabi ni Tristan saakin. What the F! Kung alam ko lang ay hindi ako pumayag. Problema talaga ang dala ng lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD