----- ***Athena's POV*** - Bigla kong naibuka ang aking mga mata nang maramdaman kong may mga mata na parang nakatingin sa akin. Muntikan na akong mapasigaw nang makita ang bulto ng isang tao sa dilim kung hindi ko lang napagtanto na si Kiero ito. Napaupo ako bigla dahil sa kanyang matalim na titig na syang tanging nakikita sa madilim na bahagi kung saan s'ya nakatayo. "Kiero, anong ginagawa mo dyan? Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?" Sunod- sunod na tanong ko sa kanya. Aminado ako na kinakabahan ako. "Ano pa ba ang ginagawa ko dito?" "Are you horny right now? We can't do it, fertile ako ngayon. Ayaw mong magkaanak sa akin." Pagpapaalala ko sa kanya. "What? Iyan lang ba ang naisip mong rason sa tuwing pumupunta ako dito?" "Yan lang naman ang dahilan kung bakit pinapasok mo a

