bc

Billionaire's Sinful Wife- Montreal Property 2nd gen.

book_age18+
9.8K
FOLLOW
97.2K
READ
billionaire
HE
forced
kickass heroine
powerful
heir/heiress
drama
bxg
surrender
like
intro-logo
Blurb

Warning: Contain Mature Scene!

-

"I may have married you, but you'll never be my wife in my eyes. No matter how hard you try, the love you desperately want from me will never be yours."

-

Bound by marriage, but never by love. He gave her a ring, but never his heart. Yan ang pagsasamang meron sina Athena at Kiero. Buong akala ni Athena, mapapasakanya na si Kiero dahil sa pinakasalan s’ya nito pero nagkamali s’ya, her husband hated her very much and always saw her as his sinful wife. Napilitan lang naman talaga ito na pakasalan s’ya para iligtas ang babaeng mahal nito na walang iba kundi ang kapatid pa n’ya.

-

Sa tatlong taon na pagsasama nila ni Kiero, ni isang beses, hindi n’ya naramdaman na asawa s’ya nito. Until her sister Airah came back, wala itong ibang gusto sa pagbabalik nito kundi ang mabawi si Kiero mula sa kanya. Paano n’yang mapanatili sa kanya ang asawa kung hindi naman talaga sa kanya ang puso nito? Ano ang gagawin n’ya kung nagtutulungan na pala ang dalawa para mapaalis sya sa buhay ng mga ito?

-

Will Athena ever be able to break free from the chains of a love that was never truly hers? If all the secrets come to light, is there still hope for Kiero to redeem himself from the great sins he has committed against his wife and children?

chap-preview
Free preview
Prologue- Blurb
---- Babalik na sana ako sa kwarto ng mga anak ko, pero napatigil ako nang nakita ko ang dalawa na pumasok sa opisina ni Kiero. Hindi ko mapigilan at humakbang ako papunta dito, at nakinig ako sa kung ano ang kailangan ng mga anak ko sa ama nila. "Hello sweety, hello buddy, bakit kayo nandito?" Narinig ko na tanong ni Kiero sa dalawang bata. Napasilip ako at nakita ko na nakangiti ito sa mga anak. "Mister, gusto ko pong malaman kung sino kayo? Bakit kami nandito sa malaki mong bahay?" si Abby. "Abby, sinabi ko na nga sayo kung sino sya diba?" si Liam. "Totoo ba ang sinasabi ni Kuya Liam na ikaw ang papa namin?" Walang pag- alinlangan na tanong ni Abby na nagpanganga kay Kiero. "Yes sweety, ako ang papa nyong dalawa ng kuya Liam mo. Come here, lumapit kayong dalawa sa akin. Gustong- gusto ko kayong mayakap." Nagsumamo ang tinig ni Kiero sa mga anak. Gusto na nyang mayakap ngayon ang mga anak na ikinatwa n'ya. Pero hindi kumilos ang dalawa kong mga anak, at nanatili lang itong nakipagtitigan kay Kiero na nakabukas ang braso para sa inaasam na yakap ng dalawang anak. "Mayaman kayo diba? Kasi parang palasyo itong bahay mo. Meron din kayong napakalaking telebisyon, meron kayo halos lahat. Diba, mayaman kayo?" Napaawang ang labi ko sa tanong ni Abby sa ama nito. Hindi din agad nakasagot si Kiero sa tanong ng anak. "Yes sweety. At ang lahat ng ito ay para sa inyo." "Alam mo bang mas maganda pa ang kulungan ng mga malalaki mong aso kaysa bahay namin doon sa isla." Naninigas ako sa narinig ko, ramdam ko naman na napaurong si Kiero. "Kung ikaw ang papa namin at mayaman ka. At sabi mo para sa amin lahat ng ito, bakit nandun kami sa isla at ikaw nandito? Bakit kailangan pang magtinda ni mama sa palengke para may makain kami kung mayaman ka? Alam mo bang laging nanakit ang likod nya dahil sa pagod. May ilang gabi na naririnig ko syang mapaungol dahil nanakit din ang katawan nyq kasi mabigat yong kinakarga nya araw- araw. Bakit hindi mo man lamang s'ya binigyan ng pera, marami ka pa lang pera? Bakit mo pinabayaan ang mama namin?" Hindi ko na napigilan at tuluyan napatulo ang luha ko. Gusto kong pumasok sa loob para kunin ang mga anak ko pero hindi ko kayang ihakbang ang mga paa ko. "At saka nakita kita sa telebisyon, karga mo ang isang batang lalaki at katabi mo yong malditang babae na umaaway sa mama namin kanina. Ang ganda ng birthday nung batang karga mo. Alam mo bang kahit maliit na cake ay wala kaming dalawa ni kuya Liam pag birthday namin, tapos ang laki ng cake nung batang karga mo. Pero naintindihan naman namin si mama, kulang yong pera nya pambili. Pero pangarap ko din na magkaroon ng cake sa birthday ko. Hindi mo ba alam ang birthday namin kaya maliban sa wala ka, hindi mo man lamang kami ibinili ng cake kahit madami kang pera?" Sobrang nanikip ang dibdib ko sa narinig, ramdam ko ang hinanakit ni Abby. Halata sa tinig nito na parang maiiyak na ito. Kailan man, hindi ko inaasahan ang maririnig ko ito kay Abby. Sa kanilang dalawa, si Liam yong mature mag-isip. Pero nanatili lang na tahimik si Liam. Nakanganga si Kiero. Pakiramdam ko nauubusan sya ng sasabihin. "Tayo na Abby--" si Liam. "Sinabi ko na nga sayo ang dahilan. Ayaw nya sa ating dalawa." Parang puputok na ang puso ko sa paninikip sa sinabi ni Liam. Simpleng salita na nagdulot ng malaking impact sa puso ko. Sapagkat napunto nito ang totoo. Naalala ko ang mga sinabi ni Kiero noon. “Hindi ko anak ang batang iyan, wala akong kakayahan para magkaanak. How could you betray me, Athena!" “Fine. I will donate my blood to your child but in one condition. Pagkatapos nito, gusto kong aminin mo sa harapan ng lahat na ikaw ang nagtaksil sa pagsasama nating dalawa, at nagpabuntis ka sa iba. Ayaw kong isipin nila na kabit ko si Airah, at ako ang nagloko sa pagsasama natin. Gusto ko din humingi ka ng tawad kay Airah sa lahat ng kasalanan na nagawa mo sa kanya. At gusto kong umalis ka na pagkatapos at wag ka nang magpakita sa akin.Dahil pag makita pa kita, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo.” - Mga salitang hanggang ngayon pabalik- balik pa rin sa isip ko at patuloy na sumusugat sa puso ko. Ang mga salita din ito ang naging dahilan kaya nanatili ang matinding pagkapoot sa puso ko. Pagkapoot na matagal ko nang kinikimkim. Dalang- dala ko siguro ito hanggang sa huling hininga ko. "Totoo bang ayaw mo sa amin?" "Liam, Abby, hindi sa--- " hindi kayang ituloy ni Kiero ang sasabihin, tila namimigat ang dibdib nito. Namamasa ang mga mata nito habang nakatingin sa mga anak ko. Lumatay sa kanyang mga mata ang pagsisisi. Marunong pala syang magsisi sa nagawa nya noon. "Kung ayaw mo sa amin, ayaw din namin sayo. At ayaw namin dito sa malaking bahay mo. Mas gusto pa namin doon sa isla kasi masaya si mama, dito hindi ko na nakitang masaya ang mama ko. Lagi pang pumupunta yong malditang babae dito, laging inaaway ang mama namin, laging iniinsulto ang mama namin, mabuti nalang at matapang ang mama namin. Bakit hindi mo na lang sabihin sa amin na hindi mo mahal ang mama namin kaya pinabayaan mo kami? Na yong babae ang mahal mo kaya itinakwil mo kami at hindi kinilalang anak? Para sabihin ko sayo, hindi ka na din mahal ng mama namin ni kuya Liam, pinagsisihan nya ng sobra na minahal ka pa nya. Ang mahalin ka ay ang pinakamalaking pagkakamali sa buhay n'ya." Mas lalo akong nanigas sa narinig. Narinig ba ni Abby ang usapan naming dalawa ni Airah kanina? God, hindi ko intensyon na iparinig sa mga anak ko ang pinag- uusapan namin ni Airah. Sabi ko nga ba, hindi maganda ang manatili kami dito. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang pakisamahan si Kiero para sa mana na iniwan ni Lolo ko sa akin. Ito ba talaga ang kapalit ng multi- billion na legacy iniwan ni Lolo sa akin? Ang masasaktan lang ang mga anak ko? ------- ------- Sypnosis: "I may have married you, but you'll never be my wife in my eyes. No matter how hard you try, the love you desperately want from me will never be yours." Bound by marriage, but never by love. He gave her a ring, but never his heart. Yan ang pagsasamang meron sina Athena at Kiero. Buong akala ni Athena, mapapasakanya na si Kiero dahil sa pinakasalan s’ya nito pero nagkamali s’ya, her husband hated her very much and always saw her as his sinful wife. Napilitan lang naman talaga ito na pakasalan s’ya para iligtas ang babaeng mahal nito na walang iba kundi ang kapatid pa n’ya. Sa tatlong taon na pagsasama nila ni Kiero, ni isang beses, hindi n’ya naramdaman na asawa s’ya nito. Until her sister Airah came back, wala itong ibang gusto sa pagbabalik nito kundi ang mabawi si Kiero mula sa kanya. Paano n’yang mapanatili sa kanya ang asawa kung hindi naman talaga sa kanya ang puso nito? Ano ang gagawin n’ya kung nagtutulungan na pala ang dalawa para mapaalis sya sa buhay ng mga ito? Will Athena ever be able to break free from the chains of a love that was never truly hers? If all the secrets come to light, is there still hope for Kiero to redeem himself from the great sins he has committed against his wife and children? ---- ---- This is a Prologue guys. Sisimulan ko ang kwento sa simula, kaya matagal pa ang scene na ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
95.9K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.5K
bc

His Obsession

read
103.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.7K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook