Introduction

2241 Words
Disclaimer Note: This story is purely fictional. It is based solely on my imagination. If any part of the plot resembles other stories, it is purely coincidental and unintentional. Any slight similarities to other stories are not deliberate. All rights reserved @sweetnanenz. Original version 2021 (hard copy). Online version 2024. - P.S. Taglish ito/ 70% Tagalog/ 30% English - “What is that?” Napakunot- noo si Kiero habang napatingin s’ya sa akin. Binitawan n’ya ang hawak nyang dokumento. Nag- uwi pa kasi s’ya ng trabaho dito sa bahay at mula nang umuwi s’ya kanina ay nagkulong na s’ya sa loob ng opisina nya dito. Dahil inaatupag n’ya ang inuwi n’yang trabaho. “That’s the draft of our annulment paper, Kiero. Basahin mo nalang. Sabihin mo nalang sa aking kung ano ang kailangan kong alisin at kung ano ang kailangan kong idagdag.” Awang labi s’yang nanatiling nakatitig sa akin. Sinalubong ko ang titig n’ya. Tila inaarok n’ya ang katotohanan sa mga mata ko. Mayamaya, napakunot ang noo ko dahil sa napatawa s’ya bigla. “Bakit ka tumatawa?” awang labi kong tanong sa kanya. “Annulment? Seriously, Athena? You want to annul our marriage?” “Oo. Bakit hindi?” “Oh, I get it. Dahil ba bumalik na ang kakambal ko na si Kairo kaya ka nagkaganyan? So, what now? After you blackmail me, reason, why were in this situation. And now—gusto mong makipaghiwalay sa akin dahil sa kakambal ko.” “Wag mo akong baliktarin, Kiero.” Galit kong sabi sa kanya. Sya ang laging nandun sa kapatid kong si Airah. “We both know that you are always with Airah, kaya masyado ka nang busy nang bumalik s’ya. Ngayong--- pakakawalan na kita, para maging masaya na kayong dalawa. This loveless marriage is suffocating me anyway.” Loveless in his part but not in me. Mahal na mahal ko sya. Pero parang sinasakal na ako dahil sa trato nya sa akin. Tatlong taon akong nagtiis sa malamig na trato nya sa akin. At ngayong—bumalik na si Airah, panahon na para bumitaw ako. Tumayo sya. Humakbang sya palapit sa akin. Umatras ako. Hanggang sa dingding na ang nasa likod ko. Hinarang nya ang kamay nya sa magkabilang gilid ko. “Loveless? Ipapaalala ko lang sayo, Athena. You blackmailed me kaya tayo nakasal. But, even though, I don’t want to end this loveless marriage that we have. For what? Para maging masaya kayong dalawa ni Kairo? Never.” Mariing na sabi nya sa akin, nanlilisik ang titig n’ya sa akin. Pero biglang nagbago din ang ekpresyon ng mukha nya kalaunan, bahagya itong gumaan. Naninigas ako nang hinaplos nya ang mukha ko gamit ang isang kamay nya, habang sinasabi ang mga katagang ito. “Now—why don’t you go to our room, aayusin ko lang ang mga dokumento sa mesa ko, at susunod din ako sayo. Alam ko naman kung bakit ka nagkaganito. You just miss me, baby.” Hinawakan nya ang panga ko, inaangat nya ang mukha ko, bahagya akong nasaktan sa ginawa n’ya. “You are my wife, Athena! You are my property! Mine only! And I don’t let anyone to own you. Annulment? Over my dead body, Athena!” “Bakit mo ba ito ginagawa, Kiero?” tulong luha kong tanong sa kanya. Hindi ko na napigilan, naninikip ang dibdib ko sa ginagawa nya. Hindi naman nya ako mahal. “Dahil gusto kong magdusa ka sa piling ko. I told you before, welcome to hell. At hindi ka makakawala sa hell na sinasabi ko, wife!” Hell? Yes. He brought me in hell and I am in hell for our 3 years in marriage. He never treat me as his wife, he always make me feel that he despised me. And now, I wanted to to get out, why he wouldn't give me my freedom? I am Athena, and let me tell you my story. Mula sa simula hanggang umabot dito. ----------- (Panimula) - "Congratulations Airah, you really are the pride of our family." boses ng daddy ko. "Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong maganda sa past life ko at ikaw ang nagiging anak ko." boses naman ng mommy ko. "We're so proud of you sis." Ani ni kuya Carlo. "I'm so lucky to have you as my sister." si kuya Troy naman. Napahinto ako sa akmang pagpasok ko sa dining nang narinig ko ang buong pamilya ko. Napasilip muna ako sa loob ng dining. Magkasama silang kumakain lahat ng dinner at hindi man lamang ako naalala. Sabi ko sa mga katulong namin sa bahay na tawagin ako sa kwarto ko pag kakain na ng dinner dahil sa mag- aaral ako ng leksyon ko. Malapit na ang midterm namin at kailangan kong mag- aral ng mabuti para makakuha ako ng malaking marka. Kahit alam ko naman na hindi din ma- a-appreciate ng mga magulang ko ang mga achievement ko, hindi katulad sa Ate Airah ko, kahit maliit na achievement ay talagang binibigyan nila ng halaga ito. At ngayon, ewan ko kung ano na naman kaya ang achievement ng kapatid ko at tuwang- tuwa na naman sila dito. Gusto ko sanang pumasok na sa dining at nang makakain na rin pero pinigilan ko ang sarili ko. Gusto kong marinig na meron man lamang kahit isa sa kanila ang makaalala na hindi naman pala nila ako kasama sa hapag- kainan. Pero hanggang sa natapos nalang silang kumain, wala man lamang ni isa sa kanila ang nag- mention sa pangalan ko. Kaya hindi na rin ako pumasok sa dining at napagpasyahan kong bumalik nalang sa kwarto. Nag- init ang bawat sulok ng mga mata ko sa isipin na wala man lamang nakaalala sa akin. Para na naman paulit- ulit na sinasaksak ang puso ko dahil naramdaman ko na naman na parang hindi ako bahagi sa pamilya namin. Ewan ko ba kung bakit nasasaktan pa ako kung ganito naman nila ako tratuhin simula pa nung bata ako. Dapat hindi na ako nasasaktan kasi sanay na ako. Pero ang sakit pa rin! Mahal na mahal ko naman kasi ang pamilya ko kaya lagi akong nasasaktan. Mayamaya, naramdaman ko na ang pamamasa ng mga mata ko pero pinunasan ko din agad ang mga ito bago pa bumagsak ang luha ko. Nang nakapasok ako muli sa kwarto ko, imbes na ang mga aklat ko ang harapin ko, kinuha ko ang picture frame namin ng buong pamilya ko na nasa side table ko. Napaka- perpekto ng pamilya ko dito. Isang mapagmahal ng mga magulang sina mommy at daddy, ito ang tingin ng mga tao sa kanila. Pero ang hindi alam ng nakakarami, hindi pantay ang trato ng mga ito sa anak ng mga ito. Pakiramdam ko nga, para sa mga ito, hindi ako nag- exist sa mundo. Apat kaming magkakapatid, dalawang nakakatandang kapatid na lalaki at kaming dalawa ni Airah ang masasabing bunso. Pero ako talaga ang bunso, isang taon lang ang pagitan ng edad naming dalawa ni Airah. But sometimes I can't help but to think that my whole family forget that they have me as the bunso of the family. Airah is always the 'apple of our family'. Lahat ng membro ng pamilya namin ay sya ang napapansin. Me, I am an unseen daughter. Hindi nakikita ng mga magulang ko, pati nga mga kapatid ko. Kahit anong gawin ko, mabuti o masama, hindi nila ako pinapansin. Para lang akong hangin na kasama nila pero hindi nakikita. Maliban pa dito, mas malamig pa kaysa yelo ang trato nila sa akin. I am an outcast. Para akong wala. Para akong isang kaluluwa na nakatira sa bahay namin pero hindi naman nila nakikita. Kasama nila pero hindi bahagi sa kanila. Lubos kong ipinagtataka ito dahil sa bunso naman ako. Pero para sa mga magulang ko, parang wala silang bunso na katulad ko. Airah is a beautiful swam and I am the ugly duckling. She is the epitome of perfection, and I was her opposite. Aminado ako na talagang naiinggit ako sa kapatid ko dahil nasa kanya na lahat. Pero ang mas lalo kong kinaiinggitan ay ang pagmamahal na nakukuha nya mula sa mga magulang at kapatid namin. Wala din akong masasabing kaibigan na pinahalagahan ako ng sobra. Lahat kasi ng mga nagiging kaibigan ko ay naging kaibigan din ni Airah kalaunan at kinalimutan na ako ng mga ito. Everyone that surrounds me loves Airah much more than me. Masakit na katotohanan na simula pa nung bata ako, alam ko na. Sometimes, I can't help but to ask-- anong meron kay Airah na hindi nila nakikita sa akin? Nag- init na naman ang bawat sulok ng mga mata ko, kaya napatingin ako sa ceiling para mapigilan ang tuluyang pagbagsakan ng luha ko. Ibinalik ko sa mesa ang picture frame, saka ko kinuha ang libro ko para ipagpatuloy ang pag- aaral ko. Kailangan kong grumadwet na cumlaude. I have to make my parents proud kahit hindi naman nila ako na- appreciate. Nasa 2nd year college na ako. BBA (Bachelor of Business Administration) ang kinuha ko dahil ito ang gusto ng Lolo Faculdo ko na kursong kunin ko. Gusto daw nya akong maging bahagi ng kompanya nya balang araw. Masaya ako dahil kahit outcast ako sa pamilya ko, naalala pa rin ako ng Lolo ko. Pakiramdam ko, pinahalagahan nya ako kaya lang minsan lang kaming magkikitang dalawa. Busy kasi sya lagi kaya wala akong masyadong memories sa kanya. Si Don Faculdo Velasquez ay ang presidente at owner ng Titan Financial Holdings. It is a multi- billion, well-established company in the world of finance. It involves in various sectors like investment banking, wealth management, corporate financing, and global asset management. Doon nagtatrabaho ang mga magulang ko, pati na ang dalawang kuya ko. Ganyan kayaman ang Lolo ko at tanging tagapagmana nya ang daddy ko. Mayamaya, hindi ko napaglabanan ang gutom ko kaya napagpasyahan kong lumabas na ng kwarto at bumaba papunta sa dining para kumain ng hapunan ko. Pero napatigil ako sa pagbaba ko sa hagdanan nang nakita ko si Airah sa may sala, kasama nito ang boyfriend nito si Kiero. Parang sinasaksak ang puso ko habang nakatingin sa kanila. Mahal ko si Kiero. Matagal ko na s’yang gusto. Lagi ko s’yang nakikita sa mga magazine, umaasa ako na sana makilala ko man lamang s’ya. Pero apat na buwan ang nakakalipas, hindi ko lubos akalain na makikita ko sya muli ng harap- harapan. Dinala s’ya ni Airah sa bahay namin at ipinakilala bilang boyfriend ng kapatid ko. Halos nawasak ang mundo ko ng sandaling iyon. Iniligtas ako ni Kiero noon. Pero hindi ko alam kung naalala kaya ni Kiero na iniligtas nya ako. Limang taon na ang nakakalipas nang muntikan na akong malunod pero may nagligtas sa akin. Hindi ko makakalimutan ang mukha ng lalaking nagligtas sa akin. Alam kong si Kiero ang nagligtas nung sa akin. Habang nakatingin ako kay Kiero, hindi ko napigilan ang sarili ko na alahanin ang nangyari sa akin ng araw na yon. Nahihirapan na ako sa paglangoy dahil sa napakalakas talaga ng alon, hanggang sa hindi ko na napigilan at tuluyan akong dinala ng alon sa malayo. Nanghihina na ako, nahihirapan nang huminga dahil sa malaking alon, hanggang sa malalaking braso ang humatak sa akin mula sa tubig. At dinala ako ng kung sino sa dalampasigan. Hanggang sa naramdaman ko ang buhangin sa likod ko. “You are safe now!” boses ng isang lalaki. Ibinuka ko ang aking mga mata at nakita ko ang mukha ng lalaking nagligtas sa akin. “S- Sino k-ka?” tanong ko dito. He smiled faintly, and the worry in his eyes began to fade. "Just someone who saw you in trouble." Ito ang huling sinabi ng lalaking nagligtas sa akin, saka nya ako iniwan. Wala akong nagawa kundi sundan lang sya ng tingin. Buong akala ko hindi ko na makikilala ang lalaking iyon pero pagkatapos ng isang linggo, nakita ko ang mukha ng lalaking nagligtas sa akin sa isang magazine. Hindi ako pwedeng magkamali, si Kiero nga ang lalaking nagligtas sa akin. Mula noon, lihim ko nang sinubaybayan ang buhay nya. Sikat naman kasi ang pamilya nya, kaya hindi mahirap subaybayan ang buhay nya. Isang Montreal si Kiero, galing s’ya sa pinakamayamang angkan ng bansa. Hindi ko makakalimutan ang ginawa ni Kiero para sa akin. Hindi ko makakalimutan ang kanyang mukha mula nung iniligtas nya ako. Pakiramdam ko minahal ko na sya ng araw na yon. At lihim ko na syang minahal sa loob ng limang taon kahit hindi nya alam na nag- exist ako sa mundo at lihim na humahanga sa kanya mula sa malayo. At apat na buwan ang nakakalipas nang nakita ko nalang sya sa loob ng bahay namin. Isinama sya ng kapatid kong si Airah at ipinakilala sya ni Airah bilang boyfriend nito. Mabait si Kiero sa akin kaya mas lalo ko syang nagugustuhan. Mas naramdaman ko pa ang pagpapahalaga n’ya sa akin kaysa sa sarili kong pamilya. Gusto ko sanang sabihin kay Kiero ang tungkol sa nangyari limang taon ang nakakalipas pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon. Gusto ko sanang ipaalala ito sa kanya pero nung sasabihin ko na sana, nalaman ko na may phobia pala sya sa dagat. Pero sigurado naman ako na sya ang nagligtas sa akin, hindi ko makakalimutan ang mukha nya. Hindi ko alam kung paano ipaalala sa kanya iyon kung may phobia pala sya dagat. Pero sigurado ako. Sigurado akong si Kiero ang lalaking iyon. Paanong may phobia s'ya sa dagat?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD