------ ***Athena’s POV*** - "Mama, anong nangyari? Natatakot po ba kayo sa masamang tao na nasa labas?" Narinig kong tanong ni Abby sa akin. Habol ko kasi ang aking paghinga habang nakatitig sa pinto na para bang tumatagos ang aking matalim na titig dito. At baka matamaan ang demonyong nasa labas. "Mukha ngang natatakot si mama kasi katulad lang din sa atin, agad din nyang isinara ang pinto." Boses naman ni Liam. Hindi ko pa magawang lingunin at sagutin ang aking mga anak dahil sa kasalukuyan ko pang kinakalma ang aking sarili. Ayaw kong makita ng mga anak ko ang aking reaksyon, na may galit sa aking mga mata. Kiero truly has the audacity to come here, acting as if the huge conflict between us never existed. I can’t understand where he found the courage to just show up unannounc

