------- ***Athena’s POV*** - "Good evening ija, mabuti naman at dumating na kayo." Nakangiti ang may edad na lalaki habang nagsasalita. Sa kanyang maayos at sopistikadong pananamit, madaling mapansin na hindi siya taga-rito. Mukhang may mataas siyang estado sa lipunan. Kung ako ang tatanungin, malaki ang posibilidad na isa siyang abogado. Habang papalapit kami ng aking mga anak, napansin ko agad na nakatayo siya sa harapan ng aming munting tahanan. Hindi nagtagal, nagsimula nang magsumiksik sina Abby at Liam sa aking likuran. Si Abby, lalo na, ay mahigpit na nakayakap sa aking bewang, na para bang nagtatago sa akin mula sa bisita. Sa totoo lang, hindi naman takot sa tao ang aking mga anak. Pero bago kasi sa paningin nila ang bisita kaya natatakot sila dito. Ibang-iba kasi ito sa mga

