-------- ***Athena’s POV*** - Naramdaman kong lumuwag ang yakap sa akin ni Kiero. Sinamantala ko ang pagkakataon, hinawakan ang kanyang bisig at tuluyang kumawala. Ramdam ko ang pag-aalab ng inis sa aking dibdib habang humarap ako sa kanya, handang komprontahin siya sa ginawa niya. Binuksan ko ang aking bibig, ang mga salitang puno ng galit at paninisi ay nakahanda nang sumabog, ngunit hindi ko sila naibulalas. Sa mismong pag-angat ng aking tingin sa kanyang mga mata, para akong napako sa kinatatayuan. Ang galit na naglalagablab sa aking damdamin ay biglang napawi nang makita ko ang matinding lungkot na bumalot sa kanyang paningin. Hindi lang ito basta lungkot—may lalim ito, tila hilaw na sugat na nagdadala ng bigat na hindi niya kayang itago. Hindi ko alam kung bakit, pero parang ma

