Malamig ang aking kamay habang hawak ko ang kamay ni Silas. Napapatingin naman siya sa akin dahil nararamdaman niya siguro ang kabang nararamdaman ko. Papasok na kami ngayon sa bahay nina Gio rito sa Laguna dahil dito raw ang napag-usapang lugar upang salubungin nila ang Bagong Taon. Hindi ko pa nakikita ang kanyang ama dahil hindi naman ito umuwi kagabi. Ang sabi ng mga kasambahay nina Silas ay nasa ibang bansa raw at didiretso na lang dito kapag nakauwi na galing sa pinuntahan. “Huwag kang kabahan, Hyacinth. I’m here.” Pilit na lang akong ngumiti sa kanya kahit na kaunti na lamang ay tatakbo na papalabas ng dibdib ko ang puso ko. Kasabay namin si Ara pero kanina pa siya nauna sa pagpasok dahil babatiin daw niya ang mga kamag-anak nila. Panay ang paghinga ko nang malalim habang na

