Nang makauwi kami sa penthouse niya ay nagbihis lamang kaming dalawa at naisipan na maupo na lang muna sa sofa. Gusto naming salubunging dalawa ang Pasko. May ilan din kaming dinaanan na shops para bumili kanina. Naghanda pa rin kaming dalawa para sa Noche Buena. Nakayakap lang ako sa kanya habang nanunuod kaming dalawa ng tv. Naalala kong may gusto nga pala akong itanong sa kanya na sana ay sagutin niya. “Akala ko ay may hinanakit ka o galit ka sa mom mo? Maayos na kayo? That’s good to know.” Hindi ko pa rin talaga alam kung ano bang pinag-ugatan ng pag-alis ng nanay niya. “Hmm, yes. Nagka-ayos na kami ng mom ko. Kinailangan ko rin kasi ng tulong niya. She told me everything that happened bakit siya umalis and I understand her side now. Kaya pakiramdam ko ay useless na ang magalit.” Na

