December 24. It’s Christmas Eve. “Saan ba talaga tayo pupunta?” Ang buong akala ko kasi ay dito lamang kami magse-celebrate sa kanyang condo pero kanina ay sinabihan niya ako na mag-ayos dahil aalis kami mamayang gabi at sa ibang lugar namin ipagdiriwang ang pagsalubong sa Pasko. “Secret,” nakangiting sabi niya sa akin habang pareho kaming nagbibihis. Napanguso na lang ako. Alam ko na kahit anong pamimilit ko sa kanya ay hindi niya sasabihin kung saan kami pupunta. Kagabi rin ay may nabanggit siya sa akin na ipakikilala niya sa akin mamaya. Iyon kaya ang rason bakit pupunta kami sa ibang lugar imbis na rito salubungin ang Pasko? I have no idea. Naamoy ko agad ang mamahaling pabango niya nang maglagay siya nito. Halos mapatigil din ako sa ginagawa kong pagbibihis. Tumayo na ako at k

