Naramdaman ko ang pagluwag sa pagkakahawak niya sa akin kaya tinangka ko iyong tanggalin ngunit nang inaakala kong makakawala na ako ay muli niya itong hinigpitan. “Do you want me to throw my father to jail? Gusto mong pagbayaran niya ang ginawa niya sa pamilya mo? I can do that. Trust me, I’m doing that,” bulong niya sa akin. Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. Tuluyan na rin akong nawalan ng lakas upang labanan siya at pilitin na makawala sa kanyang bisig. “Why did you hide it from me, Silas? Gusto ko lang malaman kung bakit pinatay ang pamilya ko. Gusto ko lang malaman kung sino ang gumawa nito. Hindi ako humihiling ng iba. Gusto ko lang magkaroon ng kasagutan ang mga katanungan ko sa pagkamatay ng pamilya ko at sinabi mo sa akin na tutulungan mo ‘ko, ngunit nang malaman mo iy

