“HYACINTH, w-what did you say?” Kitang-kita ko sa mukha ni Silas na hindi siya makapaniwala sa aking sinabi. Mabigat ang aking loob habang patuloy na dumadaloy ang aking luha sa aking pisngi. I can’t stop crying, I can’t stop the pain. “I’m not going to marry you.” Buo na ang desisyon ko. Kagabi pa ako nag-iisip at napunta lamang ako sa iisang konklusyon, ang iwanan si Silas. Hindi madali sa akin ang gagawin ko. Mahal ko si Silas. He became my home. I love him so dearly; I can almost forget that I have a family to give justice to, at ang malamang konektado ang pamilya niya, ang kanyang ama sa pagkamatay ng aking pamilya ay nagpapasakit ng aking puso. Napatayo si Silas sa kanyang pagkakaluhod at lumapit sa akin. Kung kanina ay lumuluha siya dahil sa sayang nararamdaman habang tinatan

