“Sigurado ka bang hindi ka na sasama pa sa akin sa kasal ni Avion? We can go together,” pag-aaya sa akin ni Silas habang nagbibihis. Ngumiti lang ako sa kanya at umiling. Natandaan ko pang tinanong ako nina Avion kung gusto kong maging partner kami ni Silas sa kanilang kasal at tumanggi ako, hindi dahil ayoko, kung hindi dahil ayokong may makakita pa sa amin at makalikha na naman ng isyu na hindi magiging maganda ang kalalabasan. Marunong na naman akong humawak ng baril dahil na rin sa pagtuturo ni Silas, ngunit hindi iyon sapat upang makampante kami na wala nang magtatangka sa buhay ko o sa buhay niya. “Okay lang. Ingat ka.” Lumapit ako sa kanya upang ayusin iyong necktie niya. Hinayaan niya naman akong gawin iyon. “Pasabi na lang kina Avion na congrats.” Kahit pakiramdam ko ay hindi k

