Hindi ko alam kung gaano ako katagal nawalan ng malay pero nagising ako. Ramdam ko ang sakit ng balikat at dibdib ko pero mukha namang ligtas ako. Dahil sa kanang balikat ako nabaril ay iyong kaliwang kamay ko ang iginalaw ko. Nagulat ako nang may madanggi ako. Maingat kong iginalaw ang aking ulo upang tingnan kung ano o sino iyong nadanggi ng daliri ko at nagulat ako nang makita kong may ulong nakapatong sa gilid ng aking kama, tila natutulog. Base sa buhok na mayroon siya ay kilala ko kung sino siya. “S-Silas…” halos wala pa akong lakas upang magsalita, ganoon pa man ay nagawa ko pa ring banggitin ang pangalan niya. Bakit siya naandito? Nakauwi na ba siya? Kailan pa? Ganoon ba ako katagal nawalan ng malay para abutin ako ng pagbalik ni Silas? Gumalaw ang ulo niya at dahan-dahang iti

