Maaga akong gumising dahil alam ko na maagang aalis si Silas. Naihatid ko siya hanggang elevator dahil hindi ko na raw siya kailangan pang ihatid hanggang makasakay siya ng kotse. “Go back to sleep.” Iyon ang huling sinabi niya sa akin at ngumiti bago kami tuluyang paghiwalayin ng pinto ng elevator. Mabigat ang aking loob nang bumalik ako loob ng penthouse. Kumpara sa mga normal na araw ay mas marami ang nagbabantay sa akin ngayon. Dumiretso na ako sa kwarto at ibinagsak ang sarili sa kama. Para akong nawalan ng enerhiyang kumilos. Gusto ko na lang na manatili sa posisyong ito hanggang sa makabalik si Silas sa Pilipinas. Kinuha ko ang cellphone ko. Iniisip na tawagan siya dahil panigurado naman na hindi pa siya nakakaalis ng bansa. Nang mabuksan ko ang cellphone ko ay nakita ko na ma

