Nag-iisip kami ni Silas kung saan kami kakain ngayon bago kami gumala sa mall. “Dapat atang nagpa-reserve na lang ako sa isang restaurant kanina,” sabi ni Silas habang hinihila ko siya kung saan. Tiningnan ko siya. Naka-casual clothes lang siya. Sinadya ko talagang i-request ito sa kanya dahil na rin sa gusto ko naman siyang makitang naka-casual. May oras naman na nakikita kong ganito ang ayos niya dahil magkasama kami sa condo niya pero—basta! Naka t-shirt lang ngayon si Silas, naka-chino shorts at naka-sapatos. Ni hindi mo nga aakalain na siya iyong boss kong pinaglalawayan ng ibang babae. “Huwag nga. Mas gusto kong kumain sa mga ganito.” Tumigil kami sa paglalakad at tumapat sa isang fast food chain. Muli akong tumingin sa kanya at ngumiti. Nami-miss ko nang kumain sa Jollibee. Na

