December 23. Araw na ng Christmas party, at kagaya ng sinabi sa akin ni Silas ay wala siya rito sa condo dahil sa Laguna siya manggagaling. Hindi niya alam kung anong design ng damit ko. Ako rin naman, walang ideya sa kung anong isusuot niya. Marunong naman akong mag-makeup kaya’t hindi ko na kailangang pumunta sa mga salon or mag-hire ng ibang tao na mag-aayos sa akin. Hindi lang sadya ako nag-aayos kapag mga ordinaryong araw lang. Polbo at lip tint lang minsan ay okay na ako. Habang iniisip ko kung anong babagay na makeup sa aking susuuting damit ay plinano ko na rin ang gagawin ko sa aking buhok. Kinuha ko iyong curler at nagdesisyon na kulutin ang laylayan ng buhok ko at itali ityon. Side braid ang ginawa ko. May ilang hibla ng buhok na hindi kayang madala ng braid kaya’t hinayaan ko

