Sa trabaho ay abala ang lahat sa iba’t ibang bagay. Ang ilan ay dahil naka-assign sila sa pagpe-prepare ng venue. Ang ilan ay sa mismong trabaho nila at ang ilan naman ay sa pag-iisip sa kung anong susuutin nila para sa party. Malayo-layo pa iyon pero ramdam mo na ang excitement at tensyon ng karamihan. Ako naman ay hindi ko pa alam kung anong susuutin. Sabado ngayon at ilang linggo na lang din ay Christmas party na. Nagtitingin ako sa internet ng maaaring ideya ng gown na susuutin ko. Baka mapa-swerte at makakita na rin ako ng mismong bibilhin ko. Iniisip ko kasing magpatahi. Iyon din kasi ang balak nina Venice. Magpapasabay na lang ako sa kakilala nila kung sakali. Ang mask naman ay mabilis nang bilhin. “Are you going to be okay here? Ilang araw din akong mawawala.” Nakahiga sa aking

