CHAPTER 79: ALWAYS BE MY BABY

2516 Words

“T-Teka, iyong sugat mo, baka madali ko.” Agad akong lumayo sa kanya dahil nahihiya ako sa posisyon namin. Pakiramdam ko ay kapag hinayaan ko pa siyang yakapin ako ay maririnig niya ang kabog ng dibdib ko. Napatingin lamang sa akin si Silas at hindi rin naman umangal. Inayos ko na iyong mga nakakalat na gamit sa kama at muling inilagay sa dapat kalagyan nito. Nararamdaman ko rin naman ang panonood ni Silas sa bawat kilos ko. Kapag hindi ako napapasinghap ay napapalunok ako dahil sa paninitig niya. Can he stop? Pakiramdam ko ay manginginig ang tuhod ko sa ginagawa niya o hindi kaya ay matutunaw na lang ako. “I will just cook dinner.” Iyon na lang ang sinabi ko para makaalis doon. Dahil nasa kwarto ko siya ay nakatakas ako sa mga mata niyang ayaw akong libanin nang magtungo ako sa kusina.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD