“This will be your desk,” sabi sa akin ng HR. Tumango ako sa kanya at lumapit na sa magiging pwesto ko. “Tulungan niyo muna si Hyacinth, ha?” Napatingin sa amin ang mga makakatrabaho ko. Ngumiti sila sa akin bago tumango. Declarant ang trabaho ko at mas kampante ako ngayon dahil hindi ako ang pipirma sa entry. I guess this is fine. Ayoko rin masyadong nag-iisip na baka matanggalan ako ng lisensya dahil lang nagkamali ako. Itinanong ko lang ang mga status ng shipments ko at iyong mga nakarating na ay inayos ko na ang computation at nag-lodge na. Lahat ng maaari nang ipa-file ngayon sa Customs ay inayos ko na upang mapapirmahan. Hindi naman iyon karamihan pero medyo natagalan mag-response ang system kaya’t mga ala-una pa nang makapag-print ako ng entry. Tumayo na ako upang magpapirma

