Hindi na ako nagtanong sa kung anong ginawa nila kay Owen. Basta sinabi ko kay Silas ay kung maaari huwag nilang patayin si Owen. May iba pa namang paraan para pagbayaran ni Owen ang mga ginawa niya sa akin. Mabilis tumakbo ang araw. May mga pagkakataon na sa condo ako ni Silas natutulog lalo na’t kung wala namang pasok kinabukasan. Palaisipan pa rin sa akin kung may iba pa ba siyang dinadalang babae rito maliban sa akin at hindi niya lang sinasabi. Bumuntong hininga ako. Ayoko rin namang alamin. Isa pa, kung sakali mang may ganoon ngang nangyayari ay wala naman akong magagawa. Hindi naman kami ni Silas. Naandito ako sa condo niya ngayon. Nakaupo lang ako sa couch habang suot ang kanyang t-shirt. Hindi naman sa wala akong damit na dala. Halos may mga gamit na nga ako rito sa dalas kong d

