Wala sana akong balak matulog dahil iniisip ko na baka walang magbantay sa lamay pero sinabihan ako ni Samuel at ni Tito na matulog na lang daw muna ako at sila na ang magbabantay. Sinamahan naman ako ni Silas sa aming bahay. Akala ko nga ay aalis na siya nang mapagtanto kong hanggang sa kwarto ay sinamahan niya ako. Hindi siya nagsasalita at nakasunod lang sa akin. Sinisigurado niyang maayos akong makakarating ng kwarto ko. “Do you want me to stay?” tanong sa akin ni Silas. Nilingon ko siya, nangangapa sa kung anong dapat isagot sa kanya. Gusto ko siyang manatili rito pero ayoko naman na maging abala pa sa kanya. May pasok pa siya bukas at ako ay hindi na muna makakapasok sa opisina hanggang libing. “Kailangan mong umalis ng maaga bukas, hindi ba?” Tumango siya sa sinabi ko at lumapit

