SA bawat galaw ng kamay ng orasan, patuloy kong iniisip ang tungkol sa mga nangyari kanina. Paulit-ulit akong napabuntong-hininga. "Bakit ka nandito?" Agad akong napalingon sa kan'ya. It's already dawn, hindi naman ako makatulog kaya tinitigan ko na lang siya habang natutulog. "A-Ah, may inasikaso sila Dad kaya—" "Nandito sina Mom?" gulat niyang saad. Hesitant. Tumango ako. She coldly looks away. "Umuwi ka na. Hindi ko naman kailangan ng bantay rito." Nag-iwas ako ng tingin. "Dito lang muna ako—" "Alyzza, you are so insensitive! Ayaw kitang makasama rito. It's awkward!" Nagbaba ako ng tingin. I bite my lip. "I'm sorry..." halos bulong kong saad no'n. Hindi siya nagsalita. Nag-iba lang siya ng position. Nakatalikod na sa akin. "Hindi ko na mababago ang pagkakamali na nagawa ko.

