SIMULA
Act.
An act is the best thing to do when you're pretending to be happy or when you are really sad. The act is the best escape to be strong. To look strong.
Real artists are best at changing their moods into happier, more jolly...when in fact, they feel the opposite.
Don't cry over someone that won't cry over you, they said. But how can't I cry over someone if he gave so many memories to remember?
I want to act. Real acting takes effort. No matter how hard it is.
I want to be mad. To be angry. To be disgusted. To be hurt. To be sad. But, for once, I want to feel the pity, the comfort, the love I deserve.
But, behind the mask of ice that people wear, there beats a heart of the fire.
We love and are loved, unloved and forgotten.
You cannot be lonely if you like the person you're alone with. But now the deep rooted loneliness etched through me when the person I liked the most left me.
He said he'd always be there for me, but I guess that was a part of his acting, in his lies.
I am at fault. I am the one to blame.
And I don't have any right to react.
I don't deserve pity. I don't deserve comfort. I don't deserve to be loved.
Why did we react so late? Why do we have to meet the person who won't last in our lives? Why do we have to love the person who will leave us in return?
Is that how life goes?
Is that how cupid played?
Is that how lies cycled?
Is that how pain revolved?
Iyon ang isinulat ko habang tinitingnan ang mga kaklase sa harap. They all giggled after my one classmate fell from the teacher's table.
"Walang hiya ka, Stephen! Lumapit ka rito!" sigaw ni Theo at hinabol ang kaklase ko.
Hawak ko ang moleskine habang tinitingnan ang ibang gamit sa loob ng aking messenger bag. May part time job pa ako mamaya kaya kailangan ko ng iwanan ang mga kaklase.
"Aalis ka na, Alyzza Yura?" sigaw ng kaklase kong lalaki. Nginitian ko siya at kinawayan.
It's surprising how I ended up this way. My life before was way too different from what I am experiencing now. Isn’t it amazing how life turned upside down? Isn’t it ironic to have experienced that light, cozy feeling but ended up lying in thorns while your mind will be clouded by more chaotic thoughts?
Siguro ay oo. Life is full of ups and downs. It has bumps and grotesque roads but yet it is still us who have the choice if we will stay in that way. Kung mananatili ba tayong nakalugmok o magsusumikap ba tayo para makabangon muli. It is still us who have to decide which phase we want to do.
Is it the phase of being stuck and revolving on that specific problem?
Or move out to seek answers and escape from the people or circumstances that caused you pain?
"Hello, Jordan!" bati ko sa may ari ng cafe. Kumindat siya sa akin at agad na lumapit.
"May chika ako, girl!" excited niyang sambit
Napaisa ang kilay ko at kinuha ang apron ko. Nakasunod lang siya sa akin at tinulungan pa ako sa ibang gamit.
"Nagpunta rito si Denver! Hmm, ang sarap niya talaga tingnan!"
Natigilan ako. "Bakit naman siya pumunta rito?"
"Ewan ko roon! Nagtatanong lang naman kung nasaan ka. Nang sabihin kong nasa eskuwela ka pa ay umalis na agad."
Napailing ako at agad na kinuha ang order ng bagong dating.
"Mangungumusta lang iyon. Kauuwi lang siguro."
Dinunggol niya ang balikat ko bago ako nginisihan.
"Boyfriend mo na siguro si Denver?"
Nginiwian ko siya. Ibinigay ko muna ang ang order sa waitress bago ko hinarap si Jordan.
"Parang kapatid ko na 'yon. Hindi kami puwede"
"Ay, umaasa ka?"
I twitched my lip. "Baliw. Hindi, ‘no!"
Humalakhak siya at kinurot ang gilid ng aking baywang.
"Nagbalik showbiz na pala 'yong ex-boyfriend mo, ‘no?"
Natigilan ako sa narinig. Kinakabahan. Ngunit hindi ko na pinahalata.
"Talaga? Hindi na ako nanonood ng TV, e... Walang time."
Mabilis siyang tumango. Umupo muna nang walang costumer.
“Oo nga. Magkasama pa sila no’ng babaeng iyon!"
Tumango ako at tumahimik. Graduating na rin naman siya. I am pretty sure that he will really pursue that again. At magkasama pa talaga sila ng babaeng iyon!
"Hindi ka naman siguro affected, ‘no?"
Natawa ako nang kaonti at umiling.
“Talaga?”
Hindi na lang ako sumagot.
Siguro dahil hindi ko naman alam kung naging totoo ba siya sa akin o pinaglalaruan niya lang din ako.
Kinuha ko na lang ang libro ko at nagbasa nang kaonti.
"Ito naman! Aral nang aral! Kapag hindi ka magiging summa c*m laude niyan, ah?”
Natawa ako at isinarado na lang ang libro. Sabi ko nga sa apartment na lang ako mag-aaral dahil hanggang nandito itong asungot na ito, wala akong kapayapaan!
Magsasalita pa sana si Jordan kaya lang may lumapit sa amin. Sinulyapan ko si Jordan at inasar siya gamit ang tingin bago in-entertain ang customer na lumapit sa akin.
“Hello, good evening, sir. May I know your order?”
Naramdaman kong tinapak-tapakan ni Jordan ang paa ko kaya pasimple ko siyang pinatid pabalik at nginitian ang customer sa harap. Nang matapos na akong mag-place ng order ay masama ang tingin ko kay Jordan.
“Pasensya ka na, Alyzza! Ang guwapo talaga!”
“Umayos ka, Jordan! Baka makalimutan kong boss kita rito?”
Agad siyang humagikgik at tinapik na ang balikat ko sabay umalis sa aking gilid.
Pagkauwi ko sa apartment ay inilapag ko ang iilang grocery na binili ko sa convenience store sa malapit. Isang taon na rin akong nakatira rito. Malapit lang ito sa University at mas convenient sa cafe na pinagta-trabahuan ko.
Pinag-awayan pa namin ni Ate ito at ilang araw niya akong hindi kinausap. Halos isang taon ko rin kinumbinsi si Mom, at ayaw niya rin sa desisyon kong bumukod. Pero tuwid na ang desisyon kong magsisikap.
Hindi ako kailanman humingi ng tulong sa kanila. At kapalit ng pagsisikap ko ay ang paglimot sa sakit na naidudulot sa akin ng nakaraan.
I admit, I kept myself very busy para pag-uwi ko sa apartment, diretso tulog na ako o di kaya'y gagawa na lang ng kakailanganin sa eskuwela. Para hindi ko ulit maisip ang lahat.
I admit, gusto ko pa rin ang taong iyon. Pero ang ganitong klase ng pagmamahal ay dapat na itago na lang. Dahil kung ipapalabas ko pa, ako lang din ang masasaktan.
This is the obsessive kind, deep and eternal. Kung iisipin ko pa rin ito, baka tuluyan na akong hindi makabangon.
For two years, hindi ko iniisip iyon. Pero ngayon na sinabi ni Jordan sa akin ang pagbabalik showbiz niya at magkasama na naman sila nila ng babaeng iyon, muli na naman akong nilukob ng galit at poot. Pati ng lungkot.
Kailanman ay hindi na ako nakibalita. Napapagod na ako kahahanap ng paraan para saktan ang sarili ko. I left because I wanted peace.
Akala ko...ayos lang ang umalis. Akala ko matatakasan ko ang sakit. Akala ko makakalimutan ko rin ito matapos ang ilang araw, o buwan, o taon.
But I realized, I am still devastated. All these years...
I remembered how many times I hated myself for everything I did. Am I not worth fighting for? Do I not deserve the apology? Do I deserve to be left behind?
I know that all the pain is caused by the game I played.
But do I have to experience this? Dapat ko ba talagang pagdaan ang lahat ng sakit?