Chapter 1 - Handkerchief

2286 Words
"FLIRT" I rolled my eyes as I looked at my classmate. This girl is getting on my nerves! Hindi naman maganda! Hinarap ko siya habang humalukipkip. With my raised brows and emotionless face, I smirk at her. "Alyzza, huwag mo na patulan," sabi ng bestfriend ko habang hinawakan ang braso ko. "Look at you... hindi ka maganda pero napaka-judgmental mo," I said without any filter. Napakurap pa siya bago inis kung tumingin sa akin. I smirk at her again. "Totoo naman, ah? Usap-usapan nga 'yon na kaya naghiwalay sina Trevor at Leslie dahil malandi ka at-" "At ano?" hamon ko habang nilapitan siya. "At nilandi mo si Trevor! You're disgusting!" I remained my posture at agad umismid. Umupo ako sa kan'yang lamesa, humalukipkip pa rin habang nakatungo sa kan'ya. "First of all, hindi ko siya nilandi. Second, wala akong pakialam sa kanila. Third, kung maganda ako at magkagusto si Trevor sa akin ay hindi ko na kasalanan 'yon. And lastly, huwag mo akong sabihan nang gan'yan. If you're jealous, then magwala ka kung gusto mo." Her face flushed. Nginitian ko siya nang todo-todo. Hinawakan pa rin ni Aubrey ang aking braso kaya lumingon ako sa kan'ya. My best friend glared at me kaya tumikhim ako. "Malandi ka pa rin-" "You're voicing out too much of that issue when in fact hindi naman ikaw ang girlfriend. Iharap mo sa akin si Leslie kung ganoon at kami ang mag-uusap. Okay?" For the last time, I gave her my sweetest smile na naging rason kung bakit mas nagalit siya sa akin. "You-" "Tara na nga, Aubrey! This is so cheap!" I sashayed myself out of that room without looking at her kahit tinatawag niya ang pangalan ko. I flipped my hair dramatically, pang-inis lang lalo sa kan'ya. At hindi nga ako nagkakamali. She called for my name again pero hindi ko na ulit nilingon. Iba talaga kapag maganda ka! Parang lahat issue! Dios mio! Hindi ko naman talaga kasalanan 'yon kung naghiwalay sila. That only proves that their love is very shallow! If he finds me attractive for being such a responsible student then it’s not my fault anymore. Lumapit lang ako para ro'n, at agad na silang naghiwalay! At ngayon ako ang sisisihin nila? Excuse me! Well, if nobody hates you, your life is boring. Kaya siguro maraming may hate sa akin dahil masyadong maganda ang takbo ng buhay ko. Mainggit silang lahat kung gusto nila. Hindi naman ako ang papangit dahil sa stress! Nang tuluyan na kaming makalayo ay humalagalpak na si Aubrey. Napangisi tuloy ako. "Trevor Manzano? Pinaasa mo? Bakit hindi mo nasabi sa akin?" Napanguso ako at sinapok siya nang mahina. "Hindi 'no! Nagpasa lang nga ako ng part ko sa research!" "Baka nang-aakit ang tono mo!" Duro niya sa akin. I grinned at her. “My voice is naturally sexy. It’s not my mistake if he likes it!” Napairap naman siya. "Daddy ni Patricia, senator. But her attitude...ugh!" "You seemed like a very good best friend there nga, e!" I smiled sarcastically at her. "Nagulat nga ako, Ly! Kung nakipag-catfight iyon sa'yo baka sabunutan ko na rin iyon. Makaganti man lang,” explain niya pa. "As if papatol ako sa pa-ganoon niya. I won't stoop down her level. It's disgusting." Napangisi siya at humarap sa akin. Now that I finished combing my hair using my hand. Napatingin ako sa salamin sa aming comfort room bago kami lumabas doon. I look for some spaces after we got inside the canteen. "But Trevor is so dumb*ss! Akala ko nagbago na kasi umabot sila ni Leslie ng five months. Duh, boys will always be boys." I pointed the nearest vacant table. She giggled and sits immediately. Kinurot niya ang kamay ko bago tinuro ang kung ano man ang nasa likod ko. Napatingin ako sa babaeng napadaan. Aubrey pinch my hands harder. Agad ko siyang sinamaan ng tingin at ginantihan. "Look at her, Alyzza!" she exclaimed excitedly. Lumingon ako. "I don't get you, Aubrey. Mas mabuting tumayo ka na para hindi tayo ma-late. We need to order now. Nasayang na ang oras natin dahil kay Patricia! I don't want to stand outside na lang for the whole time kung sakaling ma-late, 'no. Katamad kaya!" Aubrey didn’t even flinch kaya hinigit ko siya. She's still looking at that girl. "Bakit ba?" I asked curiously while waiting for our order. Pamilyar ang babaeng 'yon sa akin dahil kaklase kasi siya ni Blake. Mas lalo siyang lumapit sa akin. "Don't tell anyone about this, huh? But recently, I found out she's my cousin!" she whispered. Nanlaki ang mga mata ko, tiningnan ko rin ang babae. Kasama niya 'yong kaibigan niya at nagtatawanan sila. "But she’s...not like us. Paano mo nalaman?" "Ano naman ngayon? At least I know now that her name is Chrialthea Fuentes. Samantalang Fuentes ang middle name ko! That makes sense!" Napangiwi ako. "Ang daming Fuentes sa buong mundo. Does that mean kadugo mo silang lahat?" Napanguso siya'ng muli at tumingin sa akin. "Should I tell her that we are cousins?" Agad akong napailing. "That would be weird. Take it slowly, Aubrey. Malalaman niya rin 'yon." She pouted again and released a deep sigh. I took a look at that girl again. She stops eating while looking blankly at somewhere. Sinundan ko ulit ang tingin niya, but then I realized who she was staring at. Nanlaki ang mga mata ko after I saw my sister approaching together with her boyfriend. My heart suddenly pound fast at agad naging aligaga. I even wanted to get my mirror to look if I looked good. "Hoy, halata ka naman!" Aubrey exclaimed. But as what I've said, maganda pa rin naman ako kahit anong stress na. Tiningnan ko si Blake. I feel Aubrey shoes on mine pero hindi ko siya pinansin. "Sabi ni Ate Alyanna, pupunta raw siya rito mamaya at aalis kayo." Tumango ako kahit nakatitig pa rin ako kay Blake. "A-At saka... ilang beses na siyang tumatawag sa'yo. Hindi mo raw sinasagot..." Napaisa ang kilay ko at tiningnan ko ang cellphone ko. Tumikhim ang kakambal ko at ngumiti kay Aubrey. My friend waved at her too. "Sige, 'yon lang, Alyzza. Kakain muna kami." For the last time, I nod and still stare at Blake Ruzen. "Huwag kang pahalata, Alyzza. Para ka namang na-statue dahil lang sa lumapit si Blake!" Napaiwas ako ng tingin. Nalipat ang tingin ko kay Chrialthea. Nasa kabilang mesa ang kan'yang paningin. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay agad siyang pinanlakihan ng mata bago napayuko. My brows raised a bit. I look at Blake again. She's staring at Alisha. My sister talked about something, and then they laughed together. I look down immediately. Deep down, I like him a lot. Pero mali. Alam kong mali. And I am feeling so ill every time I stutter in front of him. Every time my heart beats rapidly because of him. Once upon a time, I was stupid enough to like him. Nakakalungkot lang dahil nagkagusto ako sa boyfriend ng kakambal ko. And that's a very malicious attraction! It's very wrong. But the fact na ako sana ang unang nagkagusto sa lalaking 'yon. Hindi na naging mali sa akin 'yon. My sister knew that I am really attracted to Blake Ruzen Funtabella pero sinagot niya pa rin ito. Deep inside me, I hate her because of that. It suffers me every time I see them... together. "Blake!" I called him one time I saw him walking. He's holding some papers kaya napanguso ako. Lumingon ito at ngumiti sa akin. "Oh, Alyzza?" Tiningnan niya pa ang likod ko, "Si Aubrey?" Umiling ako kahit na kinakabahan. I am sure about this! I am very sure about this! "I...I have something to tell you!" Natigilan siya bago tumingin sa mga papel na mga hawak niya. I realized something. I snap. "A-Ah, ihahatid mo ba 'yan sa faculty?" Nagkamot-ulo siya bago tumango. "Oo sana. Pero saglit lang 'to. I will be back. Ipapasa ko muna..." Tumango ako at tipid na ngumiti sa kan'ya. He turned his back. Napatitig ulit ako roon. I think this is the right thing to do right? Kailangan kong maipalabas 'to para aware siya na gusto ko siya. Nasa kan'ya na naman 'yon kung pipiliin niya pa rin ang kapatid ko. At least, masasabi ko ang gusto kong iparating. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Agad ko siyang niyakap mula sa likod. Halatang nagulat siya sa ginawa ko. Of course, who wouldn't? "Anong ginagawa mo?" he said while pushing me a bit. Pero mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko. May bulungan pa akong naririnig kaya siguro mas lalo niya akong tinulak. Sumulyap ako kay Blake pero napapikit siya nang mariin. Nang tumingin siya ulit sa akin ay litong-lito siya sa nangyayari. I move a bit. "Anong gusto mong palabasin, Alyzza!" bulong niya sa akin. Nagsimulang mangilid ang luha ko at may bumabara sa lalamunan ko. "G-Gusto kita.” There it is! I said it! Natahimik saglit si Blake. Tinitigan ako. Bahagya siyang napangisi. “Stop fooling around—“ “I am not kidding. I like you for real, Blake—“ "Girlfriend ko ang kapatid mo!" giit niyang bulong sa akin. May kung anong takot ang lumusob sa akin kaya napalunok ako. "A-Ano naman! M-Mas maganda ako sa kan'ya. Mas mabuti. Mas—“ " Whatever your feelings for me is invalid. Hindi 'yan pwede, Alyzza, kaya tigilan mo 'yan!" Tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Sa sobrang lungkot ko ay napaupo ako sa bench at humagulgol. Nakatayo lang siya at hindi tumingin sa akin. How rude! "Bakit ayaw mo sa akin, Blake!" I yelled desperately. Nilingon niya pa ang paligid. May mga nakatingin, oo. Pero wala akong pakialam! "I only treat you as my sister...as the sister of my girlfriend. Pasensya na..." And, then he left without a word. Habang nakatingin ako sa kan'yang likod ay parang nilukob ako nang sama ng loob...at galit sa kapatid ko. Lutang ako na naglakad pauwi. With my very broken heart and swelling eyes from crying. I look at the other side of our house. I saw how Blake Ruzen kissed my sister's forehead. Sa sobrang galit ko ay halos nagdilim ang paningin ko. But then, my hurt heart shattered first. Para akong tanga na nakaupo sa pavement. Bumuhos ang luha ko. Mabilis ko 'yong pinunasan at nag-iwas ng tingin. "Stupid." Napalingon ako nang marinig ko 'yon. I saw someone sitting on the bench. Napatingin siya sa akin. Ang isa niya'ng kamay ay may hawak na cellphone at nasa bandang tainga 'yon. Naka-mask din kaya hindi ko makita ang buong mukha. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pero hindi ko siya sinagot. Baka hindi ako ang sinabihan niya no'n. "Hmm, I saw that girl. He's with that guy again," narinig kong sabi niya. Inayos ko ang sarili ko at nagpasyang tatayo na sana nang tiningnan niya ulit ang banda ko. Tumayo pa siya at bahagyang tumabi sa akin. I moved a bit. Pero nagulat ako nang may kinuha siya sa kan'yang bulsa at inilahad sa akin ang panyo. "That's all I can do. Mag-move on ka na." Hindi ko alam kung ako ba ang sinabihan niya no'n pero nang may narinig akong tawa sa kabilang linya ay nag-iwas ako ng tingin. Alam ko ng hindi para sa akin 'yon. Nakatitig pa rin ako sa panyo niya. I am shocked after he hold my hand, pinilit akong tanggapin ang panyo. And after that, umalis na siya. Nanatili pa akong nakatayo roon at nakakunot-noo. Nilingon ko ang paligid. There's no track of Blake anymore. Doon ako nagising. For the last time, I look at the handkerchief and wiped my own f*cking tears.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD