WALANG pasok ngayon, but we decided to hang out. Actually, since Blake and Alisha are in a relationship, parang ayaw ko'ng manatili sa bahay. Blake usually goes there at nakaka-bitter 'yon. And in order for me to move on, aalis na lang ako.
At saka, ayaw ko silang makita. Ayaw kong makihalubilo sa kakambal ko.
My sister stole what should be mine. Iyon ang iniisip ko the whole time they're together.
I know this is wrong and very immature. But I cannot help myself but be bitter. I remember the day I told her that I am attracted to Blake. She said, she will never like him because I like that boy. But my selfish sister never did whatever she promised.
"Alyzza, sabi ni Ate sa Great Yoon daw tayo mamaya," ani Alisha nang kumatok siya sa aking pinto isang araw.
Hindi ko siya sinagot. I am packing some clothes dahil doon muna ako kina Aubrey ngayong gabi.
"Ah, kayo na lang muna. May lakad ako," I said while I rolled my eyes.
Tumahimik sa labas, I guess she's not there anymore. Naglagay ako ng lipgloss bago ko tiningnan ang sarili sa salamin.
Feeling satisfied with my looks, nakangiti akong tiningnan ang sarili ko bago lumabas. Ngunit, nagulantang ako nang makita si Alisha roon, nakanguso at nakatingin sa akin.
"I have noticed...hindi ka na nagh-hang-out kasama kami ni Ate. Palagi ka na lang sa labas."
I tried my best not to roll my eyes again. "Tell Mom and Dad. Baka overnight ako kina Aubrey. Bukas na ako uuwi..."
"Pero..."
"Come on, Alisha. I will call Mom also. Don't worry," naiirita kong saad.
Tiningnan ko siya pero mapait na ngiti lang ang ipinukol niya sa akin.
She's very visible kaya nakakainis dahil may parte sa akin na naaawa.
"I-Ikaw bahala..."
Hindi ko na siya sinagot at mabilis na tinalikuran. Diretso ang lakad ko palabas ng bahay kahit nakasalubong ko si Nanay Rose, ang mayordoma namin. She asked me where will I go. Agad naman ako sumagot.
"Galit na galit ka r'yan sa kapatid mo. Mag-move on ka na lang kaya kay Blake?" si Aubrey habang pinindot ang remote para sa next episode ng pinapanood namin. Humalumbaba ako at umiling.
"Gusto ko na rin pero...hindi talaga, e."
Humilata ako sa kanilang sofa habang nasa baba siya at naka-squat.
"Hays, isipin mo na lang ang Blake na walang buhok. Blake na sira ang ngipin. Blake na uugod-ugod. Blake na pangit—"
"Aubrey, stop that!" natatawa kong saway.
Napangisi siya sa akin at mabilis akong hinampas.
"Aw!" reklamo ko at ginantihan siya.
"Arte nito! If I were you, magmo-move on na lang ako sa lalaking 'yon. And besides, ang daming may gusto sa iyo sa Academy. Jason, Alex, Cole, Darwin...okay let's add Trevor, name it! Dios mio, tapos magpapakabaliw ka lang kay Blake?!"
Umismid ako at inabot ang chips. Agad niya 'yon inilayo kaya muntik na akong mahulog sa kinahihigaan ko.
"May gusto rin sa'yo si Leo! Nasa college na at secured ang future dahil ga-graduate na 'yon sa susunod na taon!"
Agad akong umismid. Seryoso ba siya? Ilang taon ang agwat namin no'n! Hindi ko type!
"Uso kaya iyon ngayon, Ly! Six or seven years older than your age."
Ngumiwi ako. Napangisi siya at nagpigil tumawa kaya umayos siya nang upo at dinuro ako.
"You know what, sabi ni Kuya Jess may kaibigan siya na may gusto rin sa'yo. Baka forever mo na 'yon!"
Bored akong tumingin sa kan'ya. "Pake ko? I am still not done with Jastine-"
Napahagalpak siya. "Hiwalayan mo na! Lumampas na ng dalawang linggo! I’ll tell Kuya that you want to meet that guy."
"Hoy! 'Wag ka nga, Aubrey!" saway ko agad. Baka pangit pa 'yon, e!
"Sige na. Kung 'di mo bet puwede naman nating...paglaruan? Para makalimutan mo si Blake, at the same time, mag-e-enjoy tayo..."
Napaisip ako. Sounds interesting!
"Ang ganda ng idea ko, 'di ba?" excited niya pa'ng sabi. "At saka bukas agad 'yan!"
Ngumuso ako bago mala-demonyo'ng tumawa. Agad niya naman akong sinuway.
"Huwag ka nga'ng gan'yan. Baka masapian ka talaga!"
Ngumisi ulit ako at tumango. "Stalk muna natin!" sabi ko at sabay kuha sa cellphone ko. "Anong pangalan?"
Bahagya siyang natigilan. Iniisip siguro kung anong pangalan.
"Cade Monteverde ata? Search mo! Baka may lumabas."
I tried to search for that name. Cade, hmm?
Maraming lumabas na results. Most of those are creepy faces. Napangiwi ako. Aubrey stares at my phone too. Nang makita rin ang resulta ay agad na napahagalpak. May mga nakita akong pages na same name no'ng ibinigay ni Aubrey. Kaso parang imposible. May mga japanese letters din na lumabas, napanguso na lang ako dahil hindi ko naman maintindihan.
"Pangit!"
Natawa rin ako. "Kapag ako binibiro ng Kuya mo, humanda 'yon sa akin!"
Mas lalo siyang lumapit sa akin sabay inagaw ang cellphone ko. "Baka poser?"
"Yuck! Tapos kapag na-meet ko na, parang 'yong may maaasim ang mukha-"
"Judgemental!"
Natawa ako agad.
"Hayaan mo na! Baka walang social media account. At saka, it's like breathing in a new environment, 'no! Nakakasawa kasi na laging schoolmates na lang natin ang kasama sa date."
Nagkibit-balikat ako dahil tama rin naman siya.
"Ganito na lang, bago ka makarating sa venue, tanungin mo kung ano ang suot. Para pagdating mo, titingnan mo roon kung totoong pangit ba. Pero kung guwapo, hmm alam mo na."
I stare at my devil best friend. Nakangisi siya kaya agad kong hinigit ang dulo ng buhok niya.
"Ang hilig mo talaga magbigay ng ideas na may halong pande-demonyo, 'no?" biro ko.
Natigil kami sa pag-uusap nang lumapit ang mommy ni Aubrey. She brings food for us. Nag-usap lang kami saglit bago siya nagpaalam at umalis sa sala para bumalik ng kusina.
On the next day, I am wearing my pink floral puff sleeve dress. My Hermès Birkin handbag is on my left. Nakangiwi si Aubrey habang tinitingnan ako. Umuwi pa talaga ako sa amin para sa date na 'to!
Ofcourse, kahit ayaw ko pa sana umuwi, I need clothes and stuff. First impression matters and if ever that guy is my type then, this would definitely be worth it.
"Pinaghahandaan yarn?” Umirap pa siya at tiningnan ulit ang itsura ko.
"Exaggerated," nakangiwi ko ring saad.
Natawa siya sabay tinawag na ang kanilang driver.
"So, this will be the plan. Ang sabi ni Kuya, mag-te-text daw ang guy sa'yo if ever nandito na siya. Ang sabi niya, may itsura naman daw ang lalaki pero hindi ako naniniwala! Kaya alamin muna natin. By that time, ask him what he wears, where he sits and all! Tapos papasok ako roon kapag hindi natin makikita dito sa labas ang puwesto niya."
Nakinig lang ako sa kan'ya. Nakarating kami sa isang coffee shop when my phone suddenly vibrated.
It's from an unknown number. Aubrey chuckles after she realizes who it was.
"Open mo na!"
I admit. I feel excited too. I bit my lower lip before I opened it.
Unknown number:
I am wearing Light Blue Washed Denim and White Crew Neck Tee. I'm sitting near the window.
"Iyon lang?" mataas na boses na tanong ni Aubrey. Naiirita akong nagligpit ng cellphone ko.
"Ako na lang ang lalabas. If that guy is ugly, I'll definitely dump him right away or...hindi ko na lang sisiputin," saad ko at agad na lumabas na ng kotse.
"What if he'll recognize you?"
"E 'di, I'll dump him immediately. Easy as that."
Tumango siya at inaayos pa ng kaonti ang damit ko.
Aubrey waved at me kahit alam kong gusto niya akong sundan.
To be honest, it's not our first time doing this. We have done this many times but now is different from those. Today's different because I really don't know him! He's a complete stranger.
I entered the shop. Some people looks my way, I shrugged at that. Luminga-linga ako para mahanap ang lalaking 'yon. I saw a guy, nakatalikod nga lang sa akin kaya hindi ko makita ang mukha.
Should I call him? Or, dadaan na lang sa harap niya? But, that would be weird right? Lalo pa't nasa hulihang mesa na ang nasa banda niya.
Aish! Bahala na.
I cleared my throat before I came closer. I cleared my throat again nang makalapit na talaga.
"Uhmm, are you Cade? I mean—"
Lumingon siya sa akin. Nang makita ko ang kan'yang mukha ay agad akong pinanlakihan ng mata. I think he's shocked too. But after that, napangisi siya at agad inilahad ang upuan sa aking harap.
"You must be Alyzza."
Hindi ko alam pero agad akong nakaramdam ng hiya. D*mn it! Siya 'yong lalaking nagbigay ng panyo sa akin sa park!
"Uh..." Gusto ko nang sapukin ang ulo ko.
Where is your d*mn confidence, Alyzza?
Muli ay napangisi siya.
"Nice to see you again. The first time we saw each other, you were crying so hard."
Inis ko siyang tiningnan. Napaisa ang kilay niya bago napangiti. I tried to stay as calm as possible. I tried to give him a smile. Bahagya siyang natigilan.
"Yeah, it was hilarious that you saw me in that awkward situation. Maybe we can just forget about it and start building new memories together?"
Nawala ang ngiti niya sa labi. Lumaki ang ngiti ko.
"You know after we saw each other. I can't stop thinking about your kind gesture. Maybe it's destiny's will to let us see each other again. What do you think?"
I stopped after a waitress came to our table. She handed us the menu. Since, I am a regular customer, I'd already know what to order. Tiningnan ko siya habang namimili siya ng o-order-in.
Oh, Aubrey. I think it will be fun playing this game. Habang nagde-decide pa siya ng o-order-in, I texted Aubrey secretly.
To: Aubrey
Guwapo. Hindi poser.
Nang maka-order na siya ay muli ko siyang tinitigan at itinago ang cellphone ko. Sinadya ko 'yon. I thought he would be uneasy with my stares but I think I am wrong.
"You love staring into people's eyes," he said while he's raising his brows.
I laughed softly. Sa isip ko ay sinasabunutan ko na siya.
The first time I saw him, he looked kind. But now, he looks intimidating. I don't know if he’s really that way since mabait naman siya noong unang pagkikita namin. Or is he really? Kung ngayon, parang nanunuya pa siya dahil nakita niya akong umiiyak noong hapon na iyon.
"I actually love your eyes," I immediately replied.
Hindi man lang siya nagulat. Nagulat lang ako nang inilapit niya ang upuan niya sa akin.
"Are you trying to flirt with me?"
Napangiti ako kahit medyo kinabahan. "I guess I am..."
Tinitigan ko ang mata niya bago ang labi, pabalik ulit sa mata. How lovely his eyes can be? Ang sarap titigan ng mata niya. Bagay na bagay sa kaniya ang mukha niya! Does he have the same age as I do? Or older?
"Is that wrong?" malambing kong saad.
Napangisi siya at umiling.
"They must be right. You are something."
Muli siyang napangisi at bahagyang lumayo sa akin.
Pero, ano ang ibig niyang sabihin?
I cleared my throat. I acted offended by what he said. Parang hindi naman siya nakaramdam kaya nainis ako.
"In which school are you in, by the way?"
And he diverted the topic! Pormal naman nito!
"SIA."
"Ah! The international school? Really?" Nasa akin na ang kaniyang atensyon.
"Yup! Ikaw ba?"
"I am having my online classes now. I am from Japan. We are just here to do some errands."
Oh...I remembered someone. I just shrugged at that thought.
Our order came. Kumain kami nang tahimik. I actually don't know what to say anymore. Para akong na-blanko after he said he's living in that place.
"So...when will you go back to Japan?"
"Seven or eight months from now? It depends."
Napatango-tango ako. I tried to look at his knuckles, I saw something on there.
"You are a fan of rosary bracelets?"
He chuckles at my reaction.
"Actually, this bracelet is a gift."
Nakatitig ako roon. I am a big fan of bracelets too. I am collecting that thing actually. And his rosary bracelet attracts my attention. I ain't religious nor wear something like rosary bracelets, but the fact that it's a bracelet and it's rare to see someone wearing it, it makes me praise that thing.
"It's really pretty, Cade. I mean. I like the design and all."
I can't help but admire it.
"Hm, how about me? Do you like me?"
I was caught off guard because of that sudden question. Natawa siya sa akin.
I can't help but stare at his face. He has a narrow facial shape, prominent jaw, fuller, and more symmetrical lips. I admit he's gwapo alright. My type actually. Not bad.
"Stop staring. You might fall," he teased me.
Sa inis ko, umakto akong nangingiti. Inilagay ko pa ang dalawang palad ko sa aking pisngi at mas inilapit ang mukha ko sa puwesto niya. He stopped eating his blueberry cake.
"What if I fall? I didn't date for fun though."
He faced me seriously. Kahit may ngiti sa labi, nakikitaan ko ng pagkakaseryoso ang mukha niya.
"Don't you dare try playing games with me, kid."
I smirked at him kahit naiinis ako dahil sa huli niyang sinabi. Kid pala, huh? So he’s older than me! But I won't lose, Cade. Hinding-hindi ako papayag na hindi kita maaakit.
"Isn't my presence enough to prove that you catch my attention?"
I touch his hand, bahagya siyang nagulat sa ginawa ko.
If this will make me forget Blake then I will try, Cade. I will make you fall in love with me.
"I told you, I don't date for fun. I like you. So I hope to meet you next time?"
I smiled sweetly at him before I stood up. He stared at me. Before he could say anything. I left the place.