AUBREY won the Miss Intramurals title. Nanalo rin ang grade level namin sa cheerdance. Galak ko siyang sinalubong. She smirked at me and look at the other side of the gym. "Hmm, hindi kita natanong kanina pero base sa itsura mo..." Nagdududa ang kan’yang tingin. Agad kong tinakpan ang bibig niya. "Lipstick ko, gaga!" inis niyang sambit kahit alam namin pareho na hindi iyon matatanggal. Inirapan ko siya. Napangisi naman siya sa akin. "Hindi ka nadiligan?" My brows met. "Ano bang pinagsasabi mo riyan?" Uminit ang pisngi ko at agad nag-iwas ng tingin. May classmates akong lumapit sa kan’ya at napapicture, nakahalukipkip ako. "Hindi ako naniniwala. First time mag-overnight sa bahay ng isang lalaki, Alyzza! Plus, boyfriend mo pa! Hindi kayo natukso?" may malisya niyang tanong. Agad ko s

