Chapter Seven

1728 Words
Klaire's POV At sa mga sandaling ito ay di ako nakaligtas kay Klaire. She already know that I was pregnant. What am I going to do right now? Sudenly my phone rang. I immediately picked up my phone. “Excuse me, kausapin ko muna ito,”paalam ko kay Briannah. Unti-unti ko ng nafe-feel ang movements ng anak ko sa tiyan ko. “Okay, Klaire” Agad akong lumabas ng room namin at sinagot ang tawag ni Mr. Dixon, ang contracted boyfriend ko in 6 months. Ano kaya kailangan niya? Eh alam naman niyang may klase pa ako. “Bakit ka napatawag?” Hinaan ko ang aking boses baka kasi may makarinig sa akin. Pagtsi-tsismisan pa ako. “Nasa gate ako ng school niyo, pwede ka bang lumabas for me? May ibibigay lang ako sa'yo.”Sagot niya. Dali-dali akong naglakad pababa ng building, may mga matang nakatingin sa akin. “Okay, I'm on my way!” sagot ko sabay ibinaba ang tawag niya. Pinagkakaguluhan ng mga estudyante ang contracted boyfriend ko. Makamandag kaya ang isang iyon. I admit it na may part sa akin na nagka-crush sa kanya pero hanggang crush lang. Iyon nga lang siya ang una ko sa lahat. May nagpa-picture sa kanya. “Nandiyan na girlfriend ko,”bulong niya sa babaeng pumupulupot sa braso niya. Pinagtaasan ko siya ng kilay. But he smirked at me. Hinila niya ang kamay ko palabas ng gate at pilit na pinasok sa loob ng kaniyang kotse. “Hurry up, may klase pa ako!”I don't know kung bakit ako nagkakaganito. Sa tuwing may lumalandi sa kaniya, nasisira agad ang mood ko. Tatlong linggo na kaming contracted boyfriend/girlfriend pero iyong puso ko naging praning at abnormal. “Are you jealous?”pang-aasar niyang tanong sa akin. “Saan banda? Kaselos-selos ka ba?”mataray kong tanong sa kaniya pabalik. Aaminin kong nagseselos ako sa mga babaeng umaaligid sa kaniya. I can no longer control my stupid heart. “Idedeny mo pa. Ramdam ko ang pagseselos mo, Klaire. Do you like me?”pagdidiin niya pa. Mas lalo tuloy akong naiinis sa pagmumukha niya. “Ako magkakagusto sayo?“sabay turo sa sarili ko. “Never akong magkakagusto sa'yo!” “You know what Klaire, you're not type. At iyong nangyari sa atin? I deserve it kasi bayad iyon.You should know your BOUNDARIES, Klaire.” Sa mga sandaling ito gusto ko siyang sapakin iyong hindi siya magigising. Nagawa niya pa akong insultuhin. Kaya ba siya nagpunta dito sa school para insultuhin ako? “Hindi rin kita type 'no! At saka ginawa ko ito para sa akin at sa pamilya ko. Wag ka rin umasa na magkakagusto ako sa'yo!” agad akong lumabas ng kotse niya. Sa galit ko sa kaniya, nawala iyong infatuation na nararamdaman ko sa kaniya. Ang kapal ng mukhang insultuhin ako. “Hindi ako makapaniwala sa dinami-daming babae sa mundo bakit si Klaire pa ang nagustuhan ni Dixon!” “Oo nga, nasa loob pala ang kulo ng babaeng iyan. Ang landi daig pa ang pukpok sa bar!” “I aggree, at t'saka she's not an ideal girl sa mga lalaking katulad ni Mr. Dixon.” Ano bang pinaglalaban nila? Naikuyom ko ang aking kamao sabay na lumingon sa tatlong estudyante na nagtsi-tsismisan. “Ulitin niyo nga ang sinabi niyo hindu ko narinig eh,“kalmadong utos ko sa tatlong apo ni Chucky. “Ha? May sinasabi ba tayo?” Kinakabahan na tanong niya sa dalawa niyang kasama. Umiling-iling ang mga ito sa akin.” “Okay!” Sinampal ko ng malakas ang babaeng nasa harap ko kaya halos matumba ito sa lakas ng pagkakasampal ko. “Judy, okay ka lang?” “Next time, siguruduhin niyong hindi ko maririnig ha? At t'saka before you judge me, tignan niyo muna ang mga sarili niyo sa salamin. Baka kasi iyong sarili niyo na ang nilalait niyo eh! Mas mukha pa nga kayong pokpok kaysa sa akin!” Awtomatikong nagkumpulan ang mga estudyante. “You'll gonna pay this!”galit na sigaw 'nung babaeng sinampal ko. “Are you threathening me? Don't you dare, hindi mo pa ako lubusang kilala b***h!” sabay talikod. Bumalik ako sa room namin. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin si Briannah at James habang naghahalikan. Agad din silang humiwalay nang makita ako. “Ituloy niyo lang, wala akong nakita.” Wala sa mood kong sabi sa kanila. Lumapit sa akin si Briannah. “A-anong nangyari sa'yo, Klaire?” “Nilabas nila ang demonyitang side ko. Natriggered ako sa mga pinagsasabi ng tatlong estudyante kaya nasampal ko ang isa sa kanila.” Nasapo ni Briannah ang kaniyang mukha sa gulat. “Ginawa mo iyon?”di makapaniwalang tanong niya. Tumango-tango ako sa kaniya. “Next time wag mong ulitin iyon baka ma-suspend ka.” Kung masuspend man ako wala na akong pakialam doon. Sino naman kasi ang hindi magagalit sa pinagsasabi ng tatlong chakadoll na iyon? “The Hell I care! Pinoprotektahan ko lang ang sarili ko against them.” “It will cause big trouble, Klaire. Hindi mo kilala ang mga estudyante dito.” Hindi rin nila ako kilala. Mabait ako sa mga taong mabait sa akin at nagiging demonyita ako sa mga taong umaabuso sa akin. “Hindi rin nila kilala ang kinakalaban nila,”sagot ko sa kanya sabay kuha ng bag ko at nagwalk-out. Nawalan na ako ng ganang pumasok sa huling subject namin. Pababa ako ng hagdan nang may humarang sa akin limang lalaki. Nakakuyom ang mga kamao nila at handa na nila akong sugurin. Mukhang mapapasabak ako nito ah? “Ikaw ba si Klaire? Ang babaeng nanakit sa girlfriend ko?” tanong sa akin ng isang lalaki na may kulay dilaw ang buhok. Mala-gangster ang atake nila sa akin ngayon. Walang inuurungang laban si Klaire Madrigal. “Ako nga? Bakit gusto niyo rin masampal?” Sinugod ako ng isang lalaki. Ngumisi lamang ako at mabilis kong nasalo ang kamao niya. “Magbabayad ka sa ginawa mo!” galit nitong sigaw. “Let me see kung kakayanin niyo akong tatlo!” Tinadyakan ko iyong isang lalaki na tila walang ligo sa loob ng isang taon. Ang dungis at nangangamoy biyudo ito. “Aaaaaaaaaah!” Kumaripas ng takbo ang tatlong natira. Natakot sa bagsik ko. Hindi man lang sila nakatama sa akin. Hihi kalalaking tao, mga duwag! “Next time wag niyong babanggain ang babaeng katatakas lang sa impiyerno! Baka di na kayo masikatan ng araw!” bilin ko sa kanila at sabay na dinampot ang bag ko. Alam kong ipapatawag ako nito bukas sa guidance office at willing akong harapin ang anumang hatol nila sa akin. Tahimik lang naman ako, but they triggered my evil side. Pasalamat nga sila, hospital lamang ang babagsakan nila hindi sementeryo. Agad akong sumakay sa aking bike. Dumiretso ako sa tabing-dagat. Umupo ako sa may bench. “Anak, wag kang magmamana sa nanay mong warfreak ah?”kinakausap ko ang aking anak sa loob ng tiyan ko. Naramdaman ko itong gumalaw. “We had no chance sa puso ng papa mo anak. But don't worry anak, nandito lang ako para sa'yo. Hindi kita pababayaan at mamahalin kita ng buong puso.” Dagdag ko pa. Pinagmasdan ko ang alon sa dagat. Napaka-peaceful ng alon. Napahawak ako sa aking dibdib nang biglang may nagsalita sa likod ko. "May I sit beside you?” paglingon ko ay iyong lalaking na-met ko sa loob ng grocery store. May dala siyang dalawang cone ng ice cream. “Sure,”nahihiyang sagot ko sa kaniya. “Thanks!” pasalamat niya at pilit na ngumiti sa akin. Nginitian ko din ito pabalik. “Ano palang ginagawa mo dito?”usisa niya pa sa akin. “Nagpapahangin lang,” wala sa sariling sagot ko sa kaniya. Wala talaga ako sa mood na makipag-usap ngayon pero nahihiya akong tanggihan siya. Kasi he helped me once. Inabotan niya ako ng ice cream. Kilalang-kilala ko siya, dahil bestfriend niya ni James. Isa siya sa mga campus hearttrob ngunit hindi niya ako kilala. “You did a great job, Klaire! You teach them a lesson,”napalingon ako sa kaniya. Ha? Anong pinagsasabi niya? Nakita niya kaya ang ginawa ko sa limang lalaki na humarang sa akin kanina sa hagdan? Kung ganun bakit di niya ako inawat? “Ha? What do you mean?” “For my entire life ngayon lang ako nakakapag-interact ng babaeng katulad mo. Iyong walang inuurungan at inaatrasan na laban. Ang lupit mo, Miss Klaire!” manghang sabi niya sa akin. “Hindi naman. Self-defense lang iyon” “You know what, I love your skills. Gusto ko ang babaeng katulad mo. Palaban at hindi nagpapaapi.” Ay hala! May nahulog ata sa skills ko. Hindi ako makapaniwala na may naka-appreciate sa ginawa ko. Gusto niyo pala ang babaeng warfreak na katulad ko. “Talaga? Gusto mo ang mga babaeng WARFREAk like me?” “Oo, Miss Klaire. Let's be friends?”Sabay abot ng kamay niya sa akin habang ang isa niyang kamay ay may hawak na ice cream. “Oh sure. Starting now, we're friends!” Sagot ko sabay nakipagshake -hand sa kaniya. Nilibre niya ako ng Dinner. Hindi naman ako tumanggi dahil grasya na mismo ang lumapit sa akin. Anak mayaman ang isang 'to eh. “Oo nga pala, Klaire hindi ka ba natatakot sa consequences na ginawa mo mga lalaking binugbog mo kanina? Kasi one of them ay anak ng isang Congressman. “ Napalagok naman ako sa aking narinig. “Why should I? Hindi nga ako takot kay kamatayan o sa demonyo, sa kanila pa kaya?”natatawang sagot ko sa kaniya. Mas magaan pa itong kasama si Gio kaysa don kay Dixon. Bakit di na lang siya ang ama ng anak ko no? Hihi. Sabagay bunga lamang ito ng isang gabi, kundi lang sana nag-aagaw buhay ang tatay ko, hindi ko sana naibenta ang kaluluwa ko sa impokritong Dixon na iyon. Past is past. Nangyari na kaya wala na akong magagawa pa. Nagpasalamat at nagpaalam na ako sa kaniya. Ihahatid niya sana ako kaso tumanggi ako. Abuso naman ata 'yon hihi. “Take care, see you tomorrow! bilin niya pagkasakay sa aking bike. Ngunit may agaw pansin na kotse sa may di kalayuan mula sa kinaroroonan ko. At kung hindi ako nagkamali ay kotse ito ng contracted at pekeng boyfriend kong si Dixon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD