Chapter Six

1457 Words
Klaire's POV Nakasimangot ako ngayon. Nagpatawag ng meeting si Dixion sa mga tauhan niya at lahat sila ay pumasok sa conference room. At dahil wala akong nagawa butiki ang napagtripan ko. May nakita kasi akong butiki sa may dingding. May kalakihan siya ng kaunti. Bata pa lang ako ay mahilig na ako sa mga insekto maliban lamang sa ipis. Natatakot talaga ako sa ipis. Sa tuwing nakakita ako ng ipis, awtomatic na kinikilabutan ako. Basta ayoko ng ipis. Ilang beses na rin akong napatawag sa guidance dahil minsan napagtritripan ko ang mga kaklase ko nong elementary. Nilalagay ko lang naman sa ulo ng mga classmates ang anumang insekto na nakikita ko sa loob ng classroom namin. Muntik pang atakihin sa puso si Maam Marisco noon sa stress. Naranasan ko na rin na ma suspend dahil sa mga pinanggagawa ko noon. Kapag kasi nabo-bord ako sa math klase ni Mr. Solever, tinutulugan o di kaya nagcutting classes ako. Nagulat na lamang ako ng biglang may humawak sa panga ko, pagtingala ko ay si Mr. Dixon. “What the hell are you doing?”naiinis kong turan sa kaniya. Pinitik niya lamang ang noo ko na mas lalong ikinainis ko sa galit. Nagmununi iyong tao eh, disturbo siya. “Sa dinami-daming babae, bakit ikaw pa?” Ha? Anong pinagsasabi ng lalaking ito? Nakainom kaya ito ng gamot niya? Napabitaw siya sa akin nang maghiyawan ang mga tauhan niya. “Tssss.” Aba? He smirked at tumayo. Sa mga oras na ito, gusto kong kumain ng grilled bangus. May balak kaya siyang iuwi ako? Hay, tiyak na pinaghahanap ako ngayon ng mga magulang ko. Kidnapped for ransom kaya itong ginawa niya sa akin? Pero hindi niya tinawagan ang mga magulang ko. “Follow me!”biglang sabi niya at nakapamulsang naglalakad papunta sa opisina niya dito sa underground nila. Napataas naman ang kilay ko. “What are you waiting for? Damn!” Wala akong nagawa kundi tumayo na lamang at sumunod sa kaniya. Bago ako pumasok ay nilingon ko muna ang mga tauhan niya na kanina pa nakatitig sa akin, tila may ipinapahiwatig sila sa akin. Ngumisi lamang ang mga ito sa akin. Ang lakas talaga ng trip nila. “Positive! Wala siyang gagawin sayong masama, Klalire!”bulong ko sa aking sarili. Marahan kong binuksan ang doorknob ng opisina niya. Abala siya sa paglilinis ng pistol niya. Napalagok naman ako. “Sit!” Utos niya, para tuloy akong aso sa mga oras na ito na sunod ng sunod sa kaniya. Hay, kung balwarte ko lang ito, kanina pa bumaon kamao ko sa mukha niya. Eh? Baka kasi pagtutulungan nila ako rito at saka wala rin akong laban dahil may mga armas sila rito. Isang bala lang wala na, goodbye Philippines na ako. Di na ko talaga mababawi ang West Philippine Sea na inangkin ng mga intsek. Kasi kanina pa nangangati itong kamao ko eh, kinontrol ko lang. “I have a offer for you,”deretsong sabi niya na ikinagulat ko. Offer? Ano kaya ito? “I want you to be my fake girlfriend. I'll pay you double kapag nagampanan mo ang tungkulin mo.” Fake girlfriend? Ano siya siniswerte? gagamitin niya ako for what? “Ayoko!”mariin kong tanggi sa kaniya. Ayokong gagamitin niya lamang ako for his interest. Bigla akong napatanong. What if may fiance na ito? Hay? Overthink naman ako nito. “Really? Kahit 1 million a month ang sahod na matatanggap mo sa akin?” Luh? Seryoso ba siya? Install millionaire na ako kapag nagkataon. Magmamatigas muna ako. Hihi para naman taasan niya ng kaunti. Kahit 1.5M a month, okay na ako. Hihi. Mukha talaga akong pera no? Reality na kasi iyan hihi. “Still ayoko!” muling tanggi ko sa kaniya. Pakipot muna tayo. “2M a month” “Sige na nga, ilang months or years ba?” He smirk at me. Aba! Syempre hindi na ako magpapakipot pa. Two million iyan mga mare hihi. Para na rin sa pag-aaral ko sa kolehiyo. At syempre sa pamilya ko. Mababayaran ko na rin ang utang ko. Ano naman kaya ang ipapalusot ko kay tatay? Syempre magugulat iyon bigla akong naging instant milyonarya. Hihi? What if sabihin ko na lang na nanalo ako sa lotto? Hayss. Magkakatrophe na talaga ako nito sa pagiging Queen of Palusot. “Sign this contract,“sabi niya sabay abot sa akin ng papeless. Wala pang dalawang segundo ay napirmahan ko na ito. Wala ng basa-basa. Fake Girlfriend lang naman eh. Aba! May jowa na ako, milyonarya pa. Jackpot rin ito. “Pretend to be my girlfriend in 6 months!”sabi niya bago tumayo. Tango-tango lang ako. Huli na ng napagtanto kong buntis pala ako. Luh? Hindi pumasok sa isip ko. Huhu paano na ito? Bahala na si Venom sa akin. **** Tatlong araw ang nakalipas. Maaga maaga akong nagising dahil prenatal check-up ko ngayon. Syempre patago akong nagpapaprenatal check up! May pasok pa kasi ako eh. Agad akong sumakay sa bisekleta ko patungo sa hospital. Pagdating ko ay agad akong inasikaso ni Dra. Sara. “Inumin mo 'tong vitamins na ibibigay ko sa'yo, para healthy kayong mag-ina okay? Lalo na itong ferrous sulfate+iron na ito at calcium. Tumango lamang ako sa kaniya. “Iwasan mo ang stress at ibalance mo ang pagkain ha? Hindi dapat kulang at sobra. Sakto lang. Healthy foods dapat ang tinatake mo, okay? Bawal muna softfrinks o alak ha?” “Salamat doc! pasalamat ko sa kanya at nagpaalam na rin ako sa kaniya. Ngunit paglabas ko ng opisina ni Dra. Sara, bumungad sa akin ang mukha ni Briannah. “What are you doing here, Klaire?”seryosong tanong nito sa akin. Paktay! “W-wala binisita ko lang si Dra. Sara. Ninang ko kasi ito,”palusot ko pa, kahit di naman totoo. “Ikaw anong ginawa mo dito?”tanong ko sa kaniya pabalik. Ngayon ko lang nakita ang benda sa ulo niya. Anong nangyari sa kaniya? “Napano iyang ulo mo?” nag-alalang tanong ko sa kaniya. “Car racing?” Ibig sabihin nun ay sumasali siya sa car racing? Sabagay, may mga awto namin siyang worth of Billions eh. Spoiled rin kasi siya ng mga magulang at tatlong kuya niya. Hanggang bike lang talaga kaya ko. “Bakit ngayon ko lang nalaman? Buti di ka napuruhan? Tulog ata si Kamatayan nang nagyari 'yan sayo.” Inirapan lamang ako nito. “Kahapon lang 'to nangyari at kaunting injury lang ito kaya wag kang paranoid. Tatlong araw ka ng hindi pumapasok ah? Anong nangyari sa'yo?” Hala! Oo nga pala, tatlong araw na akong hindi pumasok. Lagi kasi akong sinusundo ni Mr. Dixon at dinadala sa mansyon nila. Kasi umuwi ang parents niya galing New York. Ibinida niya ako sa mga magulang niya. “Inatake ako ng alzeimer ko,”palusot ko at natawa na lamang ang bestfriend kong si Briannah. “Akala ko kasi kasi walang pasok.”Dagdag ko pa. At dahil hindi alas siyete pa lang ay nilibre niya ako ng breakfast doon sa suki naming restaurant. Muntik na akong makaubos ng dalawang mangkok ng batchoy hihi. May pangatlo pa sana kaso naalala ko ang bilin ni Dra. Sara sa akin kanina. “Sabay na tayong pumasok,”Suhestyon ni Briannah, pagkatapos niyang bayaran ang kinain namin. "Oh sure, susunod lang ako sa'yo. Nakabike ako eh. Salamat nga pala sa pa-advance birthday gift mo sa akin na bike. Sobrang nagustuhan ko.” “Syempre, you're my BESTFRIEND!”sagot niya sabay halik sa pisngi ko. **** Pagdating namin sa school dumiretso ako sa comfort room nang maramdaman kong nasusuka ako. Ako lang naman ang mag-isa na narito sa loob ng comfort room. Hay! Ang sama talaga ng pakiramdam ko, tila lalagnatin ako pero hindi ako pwedeng umabsent ulit. Baka bumagsak na ako nito. Marami pa akong lessons na hahabulin kahit pinapakopya ako ni Briannah. “ Okay ka lang?” nag-alalang tanong ni Briannah sa akin nang makaupo ako sa upuan ko. Napansin niya rin kaya ang pagiging matamlay ko? “Oh my god! Ang init mo!”natatarantang sabi nito sa akin sabay tayo kaya napalingon sa gawi namin ang aming mga chismosa/chismoso naming classmates. “Okay lang ako. Kaya ko pang i-manage ang sarili ko.” “No! You're not okay. Dadalhin na kita sa hospital.” “Wag na, bessy. Okay lang talaga ako.” “No! wag na magmatigas, Klaire para din naman sayo ito. Prof excuse muna kami, dadalhin ko muna sa hospital itong bestfriend ko.” Paalam nito kay Professor Elizabeth. Pinayagan niya naman kami. “Sa clinic mo na lang ako dalhin, Klaire,” sabi ko pero patuloy lang siya sa paghatak sa akin pababa ng building. Isinakay niya ako sa kotse niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD