Klaire's POV
Tatlong linggo na ang lumipas since Mr. Dixon accused me na niraped ko siya. Ang lakas talaga niya, parang nakashabu sobrang high.
Binilhan ako ng bagong bike ng bestfriend kong si Briannah. Advance gift niya raw 'to sa akin, malapit na kasi birthday ko. Pauwi ako ng bahay galing sa skwelahan. Nararamdaman kong may sumusunod na itim na kotse sa akin. Mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng bike ko ngunit muntik na akong mawala sa kontrol nang bigla akong harangan nito.
Bumukas ang pinto at iniluwa ang lalaking tindig pa lang ay alam ko na kung sino. Nakasunod sa kaniya ang mga bodyguards niya. Lumapit siya sa akin at sabay na tinanggal ang mamahaling shade na suot niya. He smirked.
“Are you following me?”baritonong tanong ko sa kaniya. Napangiwi naman ito sa akin. Ang weird talaga ng lalaking 'to. Sa dinami-raming babae, ako pa talaga ang napagtripan niya. Ang lakas ng tama!
“Why should I? Are you the VIP?”insultong tanong nito sa akin sabay ngisi. Malapit na akong mapikon sa lalaking ito. Hindi porket siya ang nakaangkin ng pagkabirhen ko ay magagawa na niya ang gusto niya. Hell no! Kahit apo pa siya ng satanas, hindi ko siya aatrasan. Ilang saglit pa may lumapit na lalaki sa kaniya at bumulong ngunit narinig ko ang ibinulong ng lalaki sa kaniya.
“Lord, he wants to meet you at the same place,”bulong ng lalaki. Lord? Namali ata siya ng pagkakasabi, hindi iyan Diyos kundi Satan's Heir ang papalit sa pwesto nito sa impiyerno. “Okay, take her!” utos niya sa mga bodyguards niya at awtomatikong nakahawak sa braso ko ang dalawa nitong tauhan.
“Let me go! Saan niyo ako dadalhin?!”pilit akong kumawala sa pagkakahawak sa dalawang tauhan niya.
“Tumahimik ka!” galit na bulyaw ni Dixon sa akin. Sinenyasan niya ang tauhan niya na katabi ko. Tumango ito at agad na kumuha ng packing tape.
“A-anong gagawin niyo sa akin?”nauutal kong tanong sabay iwas. Ngunit hinawakan ako ng isang lalaki na nasa bandang kanan ko ay natakpan nila ang bibig ko gamit ang packing tape.
I can't even move my tongue inside my mouth. It's harda for me to breath kasi nga medyo natakpan ng kaunti ang ilong ko. Kapag ako namatay, di ko siya titigilan hangga't hindi siya mababaliw sa takot at hilingin na muli akong mabuhay mula sa hukay. How creepy right? Hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito.
Tinanggal ng dalawang lalaki ang packing tape na nakatakip sa bibig ko. Is this hell? Is he going to surrender my soul to his great grandpa Satan? “What the hell are you thinking?”
“Aren't you taking drugs? Ang lakas kasi ng tama mo eh! Kasing lakas ng bagyong Odette”Wala sa sagot ko sa kaniya. Lumukot ang noo niya sabay kasa ng calibre 45 niya sa noo ko.
“Iputok mo!” sigaw ko sa kaniya kahit sa kaloob-looban ko ay gusto ko ng maglaho na parang bula. Nanginginig ang buong kalamnan ko ngunit hindi ko ito pinapahalata. “Ano pang hinihintay mo, Mr. Dixon? Shoot me!” bahala na si Lord sa akin at sa anak ko.
Instead he shoot me, iyong puno ng Pine Tree ang binaril niya. Nakakatakot ang awra niya ngayon kaysa kanina.
Dixon's POV
Napapikon na talaga ako sa babaeng ito. Di ba natakot na pwede ko siyang patayin anumang oras? For my whole entire life ngayon lang ako nakaka-interact ng babaeng mala-armalite ang bibig. Daig niya ang armalite ko. Tsss parang hindi babae kung magsalita. Siya lang ang babaeng unang nanakit sa akin physically.
Simula 'nung naangkin ko ang pagkakababae niya, ay pinapasundan ko siya sa kahit saan siya magpunta. May mga mata rin ako sa unibersidad kung saan siya nag-aaral. I have ways to know where the hell she is.
Di na ito nagsalita pa, I fvcking like her silence right now. I felt something on her, tila may kakaibang pagbabago ang katawan niya. Minsan na siyang nahimatay sa harap ko. Mas lalo siyang naging masungit. At sa tuwing nasisilayan niya ang kagwapuhan ko, she can't even control herself. Ilang beses na niyang sinuntok ang ilong ko.
Kakaiba talaga ang babaeng 'to. Maybe she's not normal dahil abnormal siya.Tss..Nang makapasok siya sa underground namin, nanlaki ang mga mata niya sa gulat. What am I expected? She's type of girl na ignorante. Naalala ko 'nung time na dinala siya ng pinsan ko sa bahay nila. Ginawa ba namang playground ang kwarto ni Briannah.
At napagkamalan pa akong multo. Hindi ako nakauwi that night kasi sira ang gulong ko. May taong sumabotahe sa gulong ko. Dahil ayaw niyang umalis ako. Hindi kaya siya ang may gawa?
“You are drug syndicate?” Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Napagkamalan na naman niya akong sindikato. Hay! Sino ba ang mga magulang nito? susuko na ako sa kaignorantehan niya. “Hindi ba?”
“Tssss.”
Klaire's POV
He's not answering my question. Kung drug syndicate ba siya. Dinala niya ako sa isang undergound. Why should I know about it? Kasi minsan ko na itong nakita sa TV. “Tssss..”sabi niya sabay walk-out.
Lumukot tuloy ang noo ko sa inis. Simpleng tanong lang iyon, di na niya masagot. “Mga rebelde ba kayo?” he chuckled. Ay siya! Inabuso niya ang kagandahan ko. “Isa pa, malilintikan ka na talaga sa akin!”nanggigil kong sabi ko at pumwesto sa gilid.
“Are you threatening me?”tanong niya sabay turo sa sarili. Kung hindi sila sindikato? Eh ano sila? Mga kampon ni Satanas sa ibang side? Ay!
Hindi ako makapaniwala sa mga baril na nakita ko. Buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ibang-ibang klase ng baril. Calibre kwarenta'y singko lang kasi ako at kadalasan na ginagamit ng mga pulis. Mas lalong natrigger ang dandruff ko sa kanya..
“M16 ripple ba iyon?”tanong ko sa aking sarili. I can't really imagine na makakita ako ng M16 ripple. Kapag iyan ipuputok sa noo ni Dixon, magkakaron ng reunion ang mga anak at apo ni Satanas sa impiyerno.
Kumaripas ako ng takbo papunta sa kinaroroonan ng mga baril, para akong bata na kumuha ng M16 ripple at sabay itong itinutok sa gawi ng tatay ng anak kong si Dixon. “What the hell are you doing?”
Nataranta ang mga tauhan niya. At sabay silang pumalibot sa akin. “Hoy! Wag kayong killjoy, hindi pa ako tapos!” parang batang sigaw ko. Ngunit naagaw ng mga ito ang hawak kong M16 Ripple.