Klaire's POV
“Ikaw na naman?! You know what nabwe-bwesit ako sa pagmumukha mo!” galit nitong sigaw sa pagmumukha ko. Magsasalita pa sana ako kaso mabilis itong nagwalk-out, di ko tuloy nadepensahan ang sarili ko. Sana hindi mamana ng anak ko ang ugali ng tatay niyang apo sa tuhod ni Satanas.
Inisa-isa kong binuksan ang kaldero sa kusina. Napangiti naman ako nang may nakita akong abodong manok. Kumuha ako ng malinis na plato at nagsandok ng kanin at ulam.
Umupo ako at nilantakan ito. Sa sobrang takaw ko ay muntik pa akong mabilaukan mabuti na lamang ay agad akong nakainom ng tubig. Biglang sumagi sa isipan ko, paano na lang kung malaman ni Mr. Dixon na ipinagbubuntis ko ang lahi niya? Tsss..Mas mabuting hindi malalaman.
Pagkatapos kong kumain. Hinugasan ko ang pinagkainan ko. Bigla akong nagcrave ng ice cream. Luminga-linga muna ako sa paligid bago binuksan ang napakalaking ref. Pagbukas ko ay agad na bumungad sa akin ang fresh milk.
Kumuha ako ng isa at tinungga ito. Wala namang makakita sa akin eh at saka hindi naman ikahihirap nila ang isang boteng fresh milk. Bilyonaryo pamilya ni Bestfriend. Kahit nga siguro ubusin ko, ang lahat ng laman ng ref na ito ay okay lang kaso saan ko naman ilalagay? Tsss.. Klaire, sinumpong kana naman sa pagiging patay gutom.
Napasimangot ako nang wala akong makitang ice cream. Ano ba 'yan ang yaman-yaman nila nauubusan sila ng stock ng ice cream. Kapag ako maging mayaman, pupunu-in ko ng ilang tupperware ang ref ko. Someday magiging mayaman din ako. Peksman mamatay pa si Dixon hihi.
At dahil walang ice cream nakasimangot akong umakyat ng kwarto ng bestfriend ko. Inabutan ako ng siyam-siyam bago nakarating sa tapat ng kwarto nito.
Bubuksan ko sana kaso biglang may humatak sa braso ko at tinakpan niya ng panyo ang bibig hanggang sa nawalan ako ng malay. Nagising ako sa loob ng bath tub at wala na akong anumang saplot sa katawan. Dali-dali akong nagbihis at lumabas ng banyo.
Isang lalaki ang umagaw sa akin ng atensyon. Nakadapa ito at tanging boxer shorts lamang ang tanging saplot nito sa katawan. Infairness, matambok ang pwet niya, naggy-gym ata ang isang 'to. Ngunit nang maalala ko ang nangyari sa akin kagabi ay awtomatikong kumulo dugo ko. So? Siya pala ang humatak sa akin kagabi?
Hinanda ko ang kamao ko at mabilis na sumugod. Agad akong dumagan sa kaniya. “Manyakis!”pagsisigaw ko pa habang sinasabunutan ko ito. “Ugh! s**t! Aaaraaaay!”
“What the fvck?!”
Agad akong umalis sa pagkakadagan sa kaniya at inayos ang aking sarili. “Rapist! Kidnapper!” parang batang sigaw ko. Ngiting demonyong ang gago!
“What? Are you accusing me? Hmm? Hindi ba't I already paid you five million pesos? Then why are you acting so innocent? Gusto mo ba dagdagan ko?”
Mas lalong kumulo dugo ko. “At saka 'wag kang paranoid, kinaclaim ko lang naman ang pagmamay-ari ko.” Dagdag niya pa. Mapapatay ko ata ang apo ni Satanas nang wala sa oras!
Susugurin ko na sana ito nang biglang bumukas ang pinto. Paglingon ko ay nakita ko ang tatlong kuya ni Briannah. Nakaboxer shorts lamang ang mga ito at titig na titig sa akin. Oy! Gwapo!
“Who the hell are you? Anong ginawa mo?” baritonong tanong ng lalaking may salamin. Infairness kahit, nakasalamin ito ay nangingibabaw pa rin ang kagwapuhan nito. Ang puti at kinis ng mukha.
Aba! Oppa is that you?
“Hey! I am asking you miss! Who the hell are you?!”
“Okay ka lang, Sky? Wala bang ginawa ang babaeng ito sa'yo?”nag-alalang tanong naman ng isang lalaki na may magulong buhok. Aba! Mukhang ibabaliktad ako ng punyetang ito ah? “Kuya? Klaire?”
Biglang sumulpot si Klaire. “A-anong ginagawa mo dito, Klaire? Kaya ba hindi kana nakabalik kagabi sa kwarto ko kasi dito ka nakatulog with my cousin?” Ay hala!
“Bunso? Kilala mo siya?” di makapaniwalang tanong ng lalaking nakakulay abo ang buhok. Pumasok si Briannah sa loob at lumapit sa akin.
“Yes, Kuya Shin. She's my bestfriend iyong lagi kong kinkwento sa inyo! Klaire, sila ang tatlo kong kuya.”
“Then? Bakit nasa loob siya ng guestroom?”
Kung alam niyo lang. Kinidnap ako ng pinsan ninyo! “I don't know kuya. Nakatulog kasi ako kakahintay sa kaniya kagabi eh.”
“Sky?” Ngumisi-ngisi lamang ang loko.
“She raped me, bro. At balak niya pa akong segundahan,” parang batang sumbong ni Dixon sa tatlong kuya ni Briannah. Nasapo ni Briannah ang mukha niya.
“What?! Ginawa mo iyon, Klaire? You raped him?”Paktay na, sabi ko nga ba eh. Babaliktarin niya ako.
“Wag kayong maniwala diyan. Babalik na sana ako sa kwarto mo nang biglang may humatak sa braso ko at tinakpan ang bibig ko. Paggising----” hindi ko natuloy nang may bumusinang kotse. At kanya-kaniya silang umalis.
Nilingon ko si Dixon, palihim ako nitong nginisian. Sarap niya talagang sakalin. Jusko! Patawad ho.
*******
“Anak! Saan ka galing?” bungad sa akin ni tatay nang papasok ako sa loob ng bahay namin.
“Alalang-alala kami sa'yo, anak. Saan ka ba kasi galing nak?”muling tanong ni tatay sa akin.
“Sa bahay ng bestfriend ko, tay.”
“Iyong bestfriend mong mayaman anak?” tumango ako sa kaniya.
“Sana nagtext o tumawag ka manlang sa amin o sa akin kung nasaan ka. Oo nga pala bakit hindi mo dala bike mo?” tanong nito nang mapansin niyang wala ang bike ko. Di ko nga alam kung nasa'n na iyon at paniguradong ninakaw na iyon.
“Inisnatch tay!” sagot ko. Para hindi na ako nito i-interrogate. Daig pa, taga media ni Tatay kung makapag-interview eh.
“ O siya, hindi ba't may pasok ka ngayon?”
Muntik ko ng makalimutan na lunes pala ngayon. Kasalanan talaga 'to ng Dixon na iyon! Dali-dali akong kumaripas ng takbo papasok sa banyo at naligo. After five minutes ay nakapagbihis na ako ng uniporme.
Hindi na ako nag-almusal. Binaon ko na lang ang kakanin na nakahain sa ibabaw ng lamesa. Dahil male-late na ako. At dahil naiwala ko ang aking bike, tri-triplehin ko na lang ang pagtakbo papuntang university.
*****
Pagdating ko nagsimula na ang klase. Pinagtitinginan ako ng mga classmates ko at pinagbubulungan. Sa paninitig nila sa akin, tila nandidiri sila. Pinagpapawisan kasi ako.
“May extra uniform ka ba sa locker mo Miss Asuncion?“ tanong ni Prof Faith sa akin. Umiling-iling ako sa kaniya. P.E lang kasi ang mayroon ako doon.
“Ewwww! Ang dugyot niya!” maarteng sabi ng baklang si Alulo sabay takip sa ilong niya. At diring-diri sa akin. Walangya, hindi nga siya nandiri sa pagmumukha niya. Tsss..
Kung anu-ano ang naririnig ko sa mga classmates ko, hindi ko na lang sila nilingon at pinakinggan. Nagfocus na lang ako sa klase ni Professor Faith.