Chapter Three

2479 Words
Chapter Three Klaire's POV PAGGISING ko ay nasa hospital na ako. Ilang saglit pa may pumasok na nurse. Agad akong napabalikwas ng bangon. “A-anong gagawin mo s-sakin?”nauutal kong tanong nang makita ko ang syringe na hawak nong nurse. “Ma'am, kailangan niyo 'to ng anak ninyo!” sagot nito. Bago paman nito maiturok sa akin ang injection ay mabilis akong nakaiwas. Kahit masakit ang dextrose na nakakabit sa pulsuhan ko ay tinanggal ko ito. “A-anong ginagawa mo, Ma'am?!” Kumaripas ako ng takbo palabas ng kwarto. Panay lang ako sa pagtakbo hanggang sa may nabangga akong lalaki. Di na ako humingi ng tawad sa lalaking binangga ko. Nakasalubong ko ang aking bestfriend na si Briannah. “Klaire? A-nong ginagawa mo dito sa labas? Saan ka pupunta?” hinatak ko siya palabas ng hospital. “Nasa'n ang bike ko?” tanong ko rin sa kaniya. “I don't know, Klaire! Nawala na sa isip ko eh nung bigla kang nahimatay doon sa 7/11.” Napakamot na lamang ako sa batok ko. “Gagi! Ano na ang sasakyan ko ngayon pauwi?”pagmamaktol ko. Napairap na lamang si Briannah sa akin at sabay akong hinatak patungo sa kotse niya kung saan ito nakaparking. “Sakay!” utos nito sa akin. Agad akong sumakay sa loob ng kulay pulang MClarren niya. Richkid talaga ang impaktita na ito. “Bakit ka naman tumakas?” sarkastikong tanong ko. Kundi ako tumakas, sino ang magbabayad ng hospital bills ko? Eh? singkwenta pesos lang naman ang meron ako. Alam na kaya niya na buntis ako? Wag naman sana! “Wala akong maipambayad eh!” kamot-ulong sagot ko sa kaniya. Di ko afford ang hospital bills. Private Hospital kasi ang pinagdalhan niya sa akin. “Stupida ka talaga! bayad na hospital bills mo, gagi!“ sabi nito sabay batok sa akin. Ay hala? Bayad na? Sino nagbayad? Jusko panigurado kung sino nagbayad non ay tiyak na may kapalit iyon o di kaya kailangan ko rin bayaran. Malaki-laki pa utang ko sa tindahan at sa kaniya eh. Saan naman ako kukuha ng pera pambayad doon sa taong nagbayad ng hospital bills ko? Paladesisyon talaga ang taong iyon. “Binayaran mo bessy?” “Babayaran ko sana eh kaso nabayaran na. Di ko alam kung sino. May secret admirer ka ata babaita!” Secret admirer? Pero kung totoo na secret admirer ko nga iyong nagbayad ng hospital bills ko may utang ako sa taong iyon. “Sino ang ama ng batang pinagbubuntis mo, Klaire? Wala ka namang boyfriend.” Napalagok ako sa tanong niya. Paktay! Ano na naman kaya ang idadahilan ko sa kanya. Wala akong maisip na palusot huhu! Kainin mo na ako, lupa! “Oh? Natahimik ka ata diyan Klaire!” Hindi niya pwedeng malaman na ang lalaking nakabuntis sa akin ay ang pinsan niya dahil kapag nalaman niya, sigurado akong ipagsasabi niya ito sa pinsan niya. Baka kasi katapusan ko na. “W-wala! S-sinong buntis?” “Don't deny it , Klaire ang doctor na mismo ang nagsabi na tatlong buwan kang buntis Klaire!” “H-hindi ah. Baka nagkamali lang 'yon ng test. Nag -red tide nga ako eh paano ako mabubuntis“giit ko pa. Bahala na, hindi ako aaminin kahit may pruweba pa siya. “Ayaw mo talagang umamin?” naiinis na tanong nito at umiling-iling ako. Napabuntong-hininga siya. “Sabagay wala ka namang boyfriend, baka nga nagkamali lang iyong doctor,”nakahinga ako ng maluwag nang marinig ito. Alas otso na ng gabi. At dahil natatakot siya sa lugar namin, inuwi niya na lang ako sa mansyon nila. Pumasok kami sa isang village. “Saan diyan mansyon niyo bessy?” inikot-ikot ko ang aking mga mata sa naglalakihang mga mansyon. “Nasa dulo, ang mansyon namin. “Marami bang pagkain doon sa inyo?”wala sa sarili kong tanong na ikinangiwi niya. “Yep!” Nagningning mga mata ko nang marinig ito. Ipagbabalot ko na lang si Tatay mamaya. Yayamanin kasi itong bestfriend ko. “Hindi kaya magalit iyong mommy't daddy kuya mo?” “Why should they?“ “Kasi dinala mo ako sa mansyon niyo” “What the hell you're thinking, hindi naman ganun ang pamilya ko. We're not MATAPOBRE and I know that they really like you. Kundi dahil sa'yo, di tataas ang grades ko. Hindi lang kasi kita bestfriend, you're also my tutor. Minsan nga kinamusta ka nila sa akin eh.” Napangiti ako sa sinabi nito. Hindi ako makapaniwala na ganun ang mga magulang niya eh.. Never ko pa kasi silang na-meet. “I know that magkakasundo kayo ni mommy!“dagdag niya pa. Sana nga! Pagdating namin sa pinakadulong parte ng Village. Tanaw ko ang malaking mansyon. Gate pa lang, taob na ang bahay namin. Bumusina siya at maya-maya pa ay pinagbuksan siya ng isang babae na nakauniporme pang-maid. Saglit akong na-ignorante nang masilayan ko ang loob nang makalabas ako ng kotse niya. Dahil pinalilibutan ang mansyon nila ng iba't-ibang klaseng bulaklak at ang mga bulaklak na ito ay sa ibang bansa lamang makikita. “Peram ako ng phone mo bessy kukuhanan ko lang litrato ang mga bulaklak!” inabot naman nito ang phone niya sa akin. “Sigurado akong bawa-isa ng bulaklak na ito ay kaya na nitong bilhin ang buong pagkatao ko sa sobrang mahal,“bulong ko sa aking sarili habang kinukuhanan ang mga bulaklak. Umikot-ikot ako sa napakalaking garden nila. Ngunit may nakuhanan akong lalaki na nakatayo habang nakatalikod ito. “Tindig palang nito yummy na paano na lang kaya kung humarap!” Kuya ata iyon ni Briannah. Basketbolista kasi ang tatlong kuya niya. Siya ang nag-iisang babae at bunso sa magkakapatid. Walang magtatangkang mangbully sa kaniya dahil tatlong kuya nito ang makakalaban ng sinumang mangbubully sa kaniya. Mapapasanaol na lang ako ba. Hihi. Mala-prinsesa ang buhay ng bestfriend. “Kundi lang sana ini-scam si tatay ng kaibigan niya baka lumaki rin ako sa marangyang buhay. Ang sabi kasi sa akin ni tatay, niloko raw siya ng kaibigan niya dahil nag-collab silang dalawa sa negosyo. Dahil sa kasakiman ng kaibigan ni tatay, sinolo nito ang lahat at tinanggalan si tatay ng karapatan sa negosyo nila. Pinagbintangan pa siya nitong magnanakaw kaya ilang taon din rin tatay sa kulungan. Sobra akong naaliw sa garden nila Briannah. Kahit gabi na ay kitang-kita pa rin ito dahil sa liwanag ng buwan at sa ilaw ng pasilyo nila dito. At may christmas lights pa ang bawat gilid ng bahay nila. “Klaire halika dito, bukas kana kumuha ng litrato kasi gabing-gabi na..” tawag sa akin ni Briannah. Kumaripas ako ng takbo papasok sa pinto ng mansyon nila. “Hala! may elevator kayo?”namamanghang tanong ko nang bumungad sa akin ang elevator nila. Napapailing na lamang ito sa akin sa kaignorantehan ko. Kahit sino naman kasi taga squatter area ang makatungtong dito ay saglit rin na ma-ignorante. Kundi lang ako scholar doon sa unibersidad na pinasukan ko, hindi ko sana nakilala si Briannah. Si Briannah ang financer ko ng load, financer ko sa pagkain at minsan ay pinagshopping niya pa ako. May mga credit cards kasi siya worth millions kaya sa tuwing kasama ko siya, libre niya ako palagi. Inuutangan ko pa siya minsan hihi. Ni-piso ay hindi pa ako nakabayad. Kulang kasi ang kinikita ko sa pagiging waitress sa pinasukan kong bar eh. Paktay, nakalimutan kong may duty pala ako ngayon sa bar. Maya-maya pa ay nagring ang phone ko. "Manager Yssa calling!” napalagok ako ng laway. Paniguradong matatanggal ako nito sa pagiging waitress sa bar. Nagdadalawang isip pa akong sagutin iyong tawag nito. Sasagutin ko na sana ito kaso namatay iyong tawag. Muli na namang nagring ang phone ko. Sa pagkakataong ito ay sinagot ko na ito. “Klaire? Nasan kana bakit hanggang ngayon ay wala ka parin?” bungad ni Manager Yssa nang sagutin ko tawag niya. “Sorry, Manager Yssa. Hindi kasi ako makaalis sa bahay dahil may sunog dito sa amin!” palusot ko pa. Wala naman talagang sunog dito sa amin, naubusan na ako ng palusot eh. “ Ha? Sunog? O sige sige, Klaire mag-iingat ka diyan at kung kailangan mo ng tulong, tawagan mo lang ako ha? “ “ O siya patayin ko itong tawag, marami nagdatingan kasi ang mga customer eh” agad nitong pinatay ang tawag. Napabuntong-hininga akong ibinalik sa loob ng bulsa ko ang phone ko. “ Sino iyon?” seryosong tanong ni Briannah sa akin. “Kapitbahay ko,“ pagsisinungaling ko pa. “Let's go? Akyat muna tayo sa kwarto ko.” Aya nito sa akin sabay hatak sa kamay ko papunta sa elevator. Pagpindot niya ay awtomatiko itong bumukas. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang pagbukas nito ay mukha ni Mr. Dixon ang bumungad sa akin. Jusko! A-anong ginagawa ni Mr. Dixon dito? Ay oo nga pala magpinsan pala sila ni Briannah. Blangko itong nakatingin sa akin habang nakapamulsa. Iniwasan ko ang titig nito dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya. Walang kaemo-emosyon ang mga mata nito. “Namumutla ka ata, Klaire?” “Ha? W-wala ito. May nakita akong multo,“ palusot ko pa sabay ngisi. Pinagtaasan ako ng kilay ni Mr. Dixon. Lumabas si Mr. Dixon sa elevator at kami naman ang pumasok sa loob. “Dito ba iyon nakatira sa inyo?” kuryosidad kong tanong. “Hindi, may sariling mansyon iyon. Mas malaki pa sa mansyon namin. Tatlong kuya ko ang pinunta non dito!”Tumango-tango naman ako. “Bakit mo natanong? Oy interesado siya sa pinsan ko. Single ka at single naman ang pinsan kong iyon kaya match kayong dalawa. May crush kaba sa pinsan ko, Klaire? Ayiiee aminin muna kasi Klaire, di naman kita isusumbong don. Secret lang natin 'to.” Panunukso nito sa akin. Kung alam mo lang hihi! ***** Para akong bata dito sa kwarto ni Briannah. Nagtatalon kasi ako sa kama niya. Ang lambot kasi at ang laki pa. “Waàaaaaaah!” sigaw ko. “Hoy, be careful naman!” sita sa akin ng bestfriend ko ngunit tila wala akong narinig. Patuloy lang ako sa pagtatalon. “ Ang saaaaaaayaaa!” sigaw ko. Nagtungo si Briannah sa banyo at nagpatuloy akong nagtatalon at nagsisigaw sa tuwa. “Yohoooo!” napahinto ako sa pagtalon nang bumukas ang pinto. Napalagok ako dahil ang sama nitong makatingin sa akin, tila handa na ako nitong kainin. “ What the hell are you doing? Ginawa mo atang playground ang kwarto ng pinsan ko?” “Why are you staring me like that?” “ Ganiyan ba kayong mga taga-squater area?” Di ko namalayan na nasa tapat ko na pala siya. Di kasi ako nakapagsalita. “ What?” sa sobrang inis ko ay nasuntok ko siya sa mukha. “Fvck!” Sa takot ko ay kumaripas ako ng takbo papasok sa banyo ngunit agad na nahawakan nito ang braso ko. Itinulak niya ako sa pader at sabay na kinorner. Tatlong beses akong napalunok ng laway. “You stupid! Why did you punch me?!” Stupido rin kasi siya. Naputol ang saya ko eh kaya ayun sapol sa mukha niya ang kamao ko. Hihi “A-anong ginagawa mo?!” nauutal kong tanong nang ilapit niya sa akin ang mukha niya. Dumugo pa ang ilong niya. Napalakas ata ang suntok ko. Bwesit kasi siya! Nag-enjoy ako sa kakatalon eh tapos bigla siyang pumasok. “Punishment?”patanong na sagot niya. Ay gagi siya, gusto niya bang masegundahan ng suntok sa ilong? Ilong kasi puntirya ko kapag nanununtok ako. Bago paman niya ako mahalikan ay tinuhudan ko siya kaya napasigaw ito sa sakit at nagtatalon. Oy? Childish rin pala siya! “ You'll gonna pay this!” galit niyang sigaw at padabog na lumabas ng kwarto. Paktay! Salvage is real naba? Oy jusmiyo! Unggoy ni Piktoy! Lumabas si Briannah mula sa loob ng banyo. “ Anong ingay iyon?” tanong niya. “W-wala may hinabol lang akong daga!” palusot ko pa. “Shower kana rin, Klaire!” Para akong bata na tumakbo papasok sa loob ng banyo. Oy! Ang laki ng bath tub niya. Naagaw ng atensyon ko ang isang bote. Ano ito? Shampoo? Hindi ko kasi mabasa ang nakalagay label dahil japanese ito. Naglagay ako ng kaunti sa palad ko at sabay na inamoy. “ Ang bango!” Nacurious naman ako kung ano ang lasa kaya tinungga ko at sakto namang pagbukas ng pinto ni Briannah. “What the hell!” nagulat ako sa pagbukas ni Briannah ng pinto. Dali-dali kong itinago sa likod ko iyong bote ng shampoo. “Bakit mo iyan ininom?” nasapo ni Briannah ang mukha niya. “Ang pangit ng lasa!“ Nakonsimisyon ata sa akin ang bestfriend ko dahil hindi na maipinta ang mukha nito habang nakatingin sa akin . “Pero mabango!”dagdag ko pa. Napapailing na lamang siya. At dahil hindi ako marunong gumamit ng bath tub at shower. Palihim akong lumabas ng banyo at naghanap ng magagamit kong tabo. May nakita naman akong cup noodles. Kaya napangiti ako. Pagbalik ko sa banyo ay nagulat ako nang makita si Briannah, nilalagyan niya ng tubig ang bath tub. “A-anong ginagawa mo?” “Alam ko kasing hindi ka marunong gumamit ng bath tub. Kaya ako na mismo ang naglagay ng tubig sa bath tub” Pero bakit? May bula? "Saan ka ba galing? At saka ano iyang hawak mo?” “Wala kasing tabo, kaya naghanap ako at sakto naman na nakita ko itong cup ng noodless. Kaysa naman kamayin ko diba? Okay na ito!” Nasapo na namn ni Briannah ang mukha niya. “ Bobita ka talagang babae ka! You can shower naman instead of using that cup of noodles. Kahit kailan talaga na-iistress beauty ko saiyo!” naiinis na turan nito. Hindi ko kasi alam kung paano gamitin iyong shower eh, baka masira ko pa. Dagdag babayarin ko pag nagkataon. " Turuan kita kung paano gumamit ng shower, halika!” malapit na niya akong sukuan. Naging dragon na nga sya sa inis sa akin. Napatango-tango naman ako nang buksan niya ang shower. Ganyan pala? Hihi “Akina na nga iyan!” Padabog siyang lumabas ng banyo. Sinilip-silip ko pa siya bago sinirado ang pinto. Kalahating oras din ako bago natapos. Nag-eenjoy ako sa shower eh. “You took so long!” **** Pinahiram niya ako ng undies, at pampatulog. Hihiga na sana ako sa kama nang biglang tumunog ang tiyan ko. “Oo nga pala hindi ka pa kumain,” sabi niya. Sinamahan niya ako pababa sa kusina. Ngunit habang papunta kami sa elevator, biglang nagring ang phone niya. Kaya bumaba ako ng mag-isa sa kusina. Sa hagdan na ako dumaan. Pagdating ko sa kusina. Napasigaw ako sa takot nang may naaninag akong lalaki habang nakatayo. “Multo!”sigaw ko pa sabay pikit. Ilang sandali pa ang biglang umilaw at pagmulat ko ng aking mata, mukha ni Mr. Dixon ang bumungad sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD