Klaire's POV
Muntikan pang sumimplang ang bike ko sa kanal. Hindi kasi ako makaget-over sa reaksyon ni Mr. Dixon kanina. Nagseselos kaya siya? Wag ka ngang assuming, Klaire!
Sabagay wala naman ako sa kalingkingan do'n sa babaeng kasama niya kanina. Para sa akin ay almost perfect na ito. Girlfriend material o wife material ba unlike sa akin. Isang hamak lamang akong estudyante na baon sa utang. Di kasi ako ipinanganak na mayaman.
“Klaire, anak? Okay ka lang?”tanong ni Tatay sa akin, di ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay namin. Agad kong inayos ang aking sarili.
Jusko, Klaire lutang kana naman! “ O-okay lang ho ako tay, may iniisip lang ho ako. Nagugutom na ho ba kayo?”pag-iiba ko ng usapan. Napadaan kasi ako kanina sa Karenderia ni Manang Inday.
Kinuha ko sa harapan ng bike ko ang ulam na nabili ko para sa kaniya at agad ko itong inabot sa kaniya. Kaniya naman itong tinanggap. “Anak? Pwede ba tayong mag-usap tungkol sa perang ipinambayad mo sa operasyon ko?” napalagok ako sa biglaang tanong ni Tatay.
Hindi niya pwedeng malaman na ibinenta ko katawan ko dahil ikasira ito ng relasyon naming mag-ama. Walang araw na hindi ako pinapaalalahan ni Tatay sa virginity ko, gusto niyo kasing ibigay ko ito sa lalaking pakakasalan ko. Katulad ni Nanay saka lamang ibinigay nito kay tatay ang virginity niya nong maikasal na silang dalawa. Kung kinakailangan kong itago habang buhay ang lihim na ito ay gagawin ko, wag lang masira ang relasyon naming mag-ama. Siya na lang kasi ang mayroon. May mga kamag-anak naman kami kaso MATAPOBRE.
Sinikap naman ni Tatay na itaguyod ang pag-aaral ko simula highschool hanggang mag-kolehiyo ako sa pagiging construction worker niya. At hindi ko ikinahiya ang trabaho ng tatay ko.
Kuntento naman ako sa buhay ko ngunit nung nalaman kong may sakit si Tatay, tumulong na rin ako sa kaniya sa mga gastusin sa bahay. Kung anu-anong legal na raket ang pinasukan ko, makapag-abot lamang ako kay tatay ng pera.
“Klaire anak?” nabalik ako sa huwisyo. Bakas sa mga mata ni tatay ang pag-alaala sa akin. Bumaba ako sa bike ko at itinabi ito. At niyakap ko ng mahigpit si tatay. “Mahal na mahal kita tay at gagawin ko ang lahat upang maging responsableng anak sa'yo at hinding-hindi kita iiwan!” di ko namalayan ang pagtulo ng luha ko. “Hindi ako magsasawang alagaan at mahalin ka, Tay!“ dagdag ko pa.
Narinig ko ang paghikbi ni tatay. “Salamat, anak. Sobra akong nagpapasalamat sa panginoon na mayroon akong anak na katulad mo. Mahal na mahal rin kita nak.” Sabi niya.
Humiwalay na rin ako sa kaniya at pinunasan ko ang luha sa mga mata ni Tatay gamit ang palad ko. “Promise tay, ipapatikim sa'yo ang kaginhawaan iyong di mo na kailangan pang magtrabaho sa construction site. Mag-aaral ako ng mabuti, Tay.“
“Aaasahan ko iyan, nak. May problema ka ba anak? Ilang araw kana kasing wala sa sarili mo eh?”muling tanong ni tatay sa akin. Ngumiti ako sa kaniya.
“W-wala po tay. Namimiss ko lang ho si Nanay at ang mga masasaya nating araw kasama siya. Sayang nga eh kasi maaga siyang kinuha sa atin ng Diyos.“
Namatay si Nanay sa sakit na cancer sa s**o. Itinago kasi ni nanay ang sakit niya. Nalaman na lang namin na umakyat na sa stage 3 ang kanser niya sa s**o hanggang sa binawian siya ng buhay nong tumuntong ako ng kinse anyos, nagcelebrate pa kami ng kaarawaan ko non. Hinding-hindi ko makakalimutan ang masakit na araw ng pagkamatay niya.
“Kung nasaan man si Nanay mo ngayon anak. Sigurado akong masaya siya sa pagiging responsable, maalaga at mabuti mong anak,“naging emosyonal ako sa mga sandaling 'to sa sinabi ni tatay.
Inalalayan niya akong pumasok sa loob ng bahay. Wala si Tita Clarissa sa loob ng bahay, nasa palengke pa ata 'to. May maliit kasi kaming isdaan at gulayan roon sa palengke. Kapag wala akong pasok, tinutulungan ko si Tita Clarissa sa palengke.
“Pwede ba tayong mag-usap anak tungkol sa perang ipinambayad mo sa operasyon ko? ”Tumango ako sa kaniya, magdadahilan na lamang ako.
“Pinahiram po ako ng mga kaklase ko, tay at isa na roon ang bestfriend kong si Briannah. Nagsolicit na rin siya sa mga kamag-anak niya hanggang sa umabot sa halaga ng operasyon mo.” Pagsisinungaling ko pa sa kaniya.
“Salamat anak, utang ko saiyo buhay ko!”pasalamat ni tatay at muli akong niyakap ng mahigpit.
“Basta tay, lahat gagawin ko para sa'yo dahil mahal na mahal kita!”
Umakyat na rin ako sa kwarto ko. Ininom ko ang huling paracetamol na nabili ko at saglit akong nagpahinga dahil pakiramdam ko ay lalagnatin na naman ako sa kakatulo ng luha ko.
Biglang may nagtext kaya agad kong dinukot ang keypad kong selpon. Di ko kasi afford ang touch screen. Nakikiselfie lang kasi ako sa iphone 14 promax ng bestfriend kong si Briannah.
Agad ko binasa ang text niya.
From: Sadistang B
Hoy babae nasan kana? Magreply ka naman sa mga texts ko. Ubos naba load na binigay ko sa'yo?
****
Klaire naman, nag-aalala na ako sa'yo. Di kasi ako makapunta diyan sa bahay niyo alam mo namang allergic ako sa mga pangit diba? (ay gagi siya)
**
Reply kana please besssy. Di na ako galit. Ikaw kasi pinaamoy mo pa sa akin pwet mo. Ang baho kaya!
*****
Klaire,Wazuup buhay ka paba? Magparamdam ka naman! Susugurin na talaga kita diyan!
***
Bestyyyy, di ako sanay wala ka dito. Humihinga ka paba? Gusto mo ba mag donate ako ng isang baldeng kape at isang sakong tinapay?
****
Biro lang, Klaire! Pasok kana. May sticky notes akong ginawa para sa 'yo. Kinopyahan rin kita ng notes sa extra notebook ko sa mga lessons namin.
****
Alaam mo ba may crush sayo si Igorot? Laughtrip nga eh kasi nahuli ni Professor si Igorot na nagsusulat ng love letter para sa'yo at binasa pa ito ni Professor sa harap. Matatawa ka talaga sa reaksyon ni Igorot hihi! Alam mo bagay kayo!
****
Hoy babae! Skul kana ha? Ililibre kita ng lunch sa isang taon basta wag mong agawin sa akin si Alexis. Akin lang kasi iyon eh.
******
Bestyyy it really hurts. Broken hearted ako ngayon dahil nakita kong naghalikan sina Alexis at Yassi sa comfort room. Nag-aanohan sila doon. It hurts, dapat ako lang kasi eh. Pakisuntok nga si Alexis for me. Bigyan mo ng di makakalimutang leksyon😊
*****
l. May extra phone kapatid ko, gusto mo? Ibibigay ko sayo 'to. Para di kana manghiram ng phone sa akin. Minsan kasi nangbabasa ka ng messages ng di sayo eh. Gagi ka kasi, peace yooww!
Napakamot na lamang ako sa batok ko nang mabasa ko ang mga texts ni Briannah sa akin. Halong panlalait kasi eh. Kung nasa harap ko lang 'to, bugbog talaga ito sa akin. Pasalamat siya nilagnat ako sa alaga ni Mr. Dixon kundi bugbog sarado talaga siya sa akin.
Natawa ako sa last part. Totoo po kasi iyon, nagbabasa ako ng messages nila Alexis. Yes, may kontak silang dalawa sa isa't-isa. Sobrang clingy nga ng mga messages ni B eh..Hahahhaa. Malandi ba.
Pagsapit ng alas singko ng hapon. Lumabas ako ng kwarto ko. Dumating na rin sina Tita Clarissa at Venice galing sa palengke. Maswerte rin kasi ako sa stepnay at stepsis ko kasi, mabait sila sa akin.
“Kumusta kana, Klaire? Nilalagnat ka pa rin ba?”tanong ni Tita Clarissa sa akin nang makababa ako ng hagdan. Bumeso ako sa kaniya at nagmano.
“Okay na po ang pakiramdam ko, Tita. Salamat po sa concern!”
“May pasalubong kami sa'yo, Klaire!“sabi ni Venise ag sabay nitong inabot sa akin ang isang supot.
Pagbukas ko ng plastik ay agad na umalingasaw ang amoy ng karneng kambing at bigla na lamang akong nasuka sa amoy nito. “Bwaaak!” kumaripas ako ng takbo papunta sa lababo. Hinagod-hagok ni Tita Clarissa ang likod ko.
“Okay ka lang, Klaire? Naging sensitibo kasi ang pang-amoy mo eh.” Napalagok ako sa tanong ni Tita Clarissa.
Sobrang mapanghit kasi ang kalderita sa ilong ko sa. Paborito ko ang kalderita pero ngayon sa tuwing nakakaamoy ako nito, awtomatiko akong nasusuka.
“Oo nga anak, napansin ko nga rin iyan.”Sang-ayon ni Tatay kay Tita Clarissa. Paktay!
“W-wala po ito, tay. Epekto ata ito tatlong araw na lagnat ko 39.1 kasi ang pinakamataas na temperature ko at palagi rin siyang nasusuka. Sana makumbinse ko sila. Observant pa naman si Tita Clarissa.
Nagpaalam ako sa kanila, lalabas lang ako ng bahay. Tenext ko kasi si Briannah at magkikita kaming dalawa sa 7/11. “Mag-iingat ka anak at wag kang magpapagabi ha? Alam mo namang nagkalat na ang mga demonyo sa paligid natin.”
“Okay po tay, Sige po Tita Clarissa. Alis na po ako. Uuwi po agad ako.“
Inakay ko ang aking bike palabas ng gate. Bumuntong-hininga muna ako bago sumakay sa bike ko. At tinahak ko ang eskinita palabas ng hallway.
Pagdating ko sa 7/11, natanaw ko si Briannah sa loob at may kasama siyang lalaki. Medyo pamilyar sa akin ang tindig nito. Naka-cap kasi ito ng itim kaya di ko namukhaan ang mukha nito.
Agad kong pinark ang bike ko sa gilid. At pumasok sa loob ng 7/11.Tinanggal 'nung lalaki ang suot nitong cap at sabay na silang lumingon sa akin.Napako ang paa ko nang makilala ko kung sino 'to.
Bakit sila magkasama si Mr. Dixon? “A-anong ginagawa mo dito?”nauutal kong tanong.
Tumayo si Briannah at lumapit sa akin. “Pinsan ko nga pala, Klaire!”Magpinsan silang dalawa? Ay gagi!
“ Sky si Klaire bestfriend ko!” Nag-aalinlangan pa itong iabot ang kamay niya sa akin. Pinaglalaruan talaga ako ng tadhana..Akalain mo iyon, pinsan ng bestfriend ko ang unang nakakuha sa virginity ko at ang ama ng batang nasa sinapupunan ko.
Bago ko pa man maiabot ang kamay ko sa kaniya ay bigla akong nawalan ng malay.