Kabanata 3:

1044 Words
Friday. "Bakit naman ngayon pa nag-traffic?" sabi ni manong driver. Kung kailan naman interview ko saka pa nagka-traffic ng matindi. Nilabas ko ang ulo ko para tingnan ang kung gaano pa kahaba ang traffic. May 1 hour pa naman ako bago ang interview pero baka sa haba ng traffic matatapos na ang isang oras eh nandito pa din ako. Eh kung takbuhin ko nalang kaya? Eh kaso ang ganda ng suot ko tapos tatakbo ako sa initan. Napasandal nalang ulit ako at napapikit. "Manong malayo pa ba tayo?" "Kung walang traffic mam, 15 minutes nandoon na tayo" sabi ni manong. Umaga palang malas na kaagad. "Haaay! Tatakbuhin ko na nga lang. Manong bayad po!" gulat si manong na iniabot ang bayad. Pagkaabot niya niyon lumabas na ako at tumakbo. 55 minutes to go. Bakit naman napakabilis ng oras? Eh kung noong bata nga ako hindi na ako mabilis tumakbo sa mga habulan ngayon pa kaya? Maka-ikot nga lang ako ng dalawang beses sa field namin na Olympic size sa school sobrang hinihingal na ako. Tumingin ako sa orasan ko. 40 minutes nalang. "Miss saan po kayo?" hinarang ako ni manong guard. Hindi ako makapagsalita dahil sobrang hinihingal ako kaya pinakita ko nalang sa kanya iyong screenshot na may interview ako ngayon. Pinapasok din naman ako kaagad ni manong. Pagpasok ko sa lobby, may kailangan pa akong i-fill up na form. Pagkatapos sinabihan ako ng receptionist na umupo muna sa lobby. May tinype siya sa computer. Habang naghihintay nag-ayos muna ako ng itsura ko. Tapos, binuksan ko ang notebook ko. Dito ko nilagay lahat ng possible question and answer sa inaaplayan kong internship position. Ni-review ko muna ito. Nagsabi ako kay Karlo na nasa lobby na ako ng company at naghihintay nalang matawag. Hindi kaagad siya nakapag-reply kasi may ginagawa sila sa thesis. Habang naghihintay ako na matawag narinig ko ang dalawang babae na may pinag-uusapan. "Nabalitaan mo na ba te na iyong isang magiintern daw dito ay ang anak sa labas ni sir Charles" narinig kong sabi ng babae. "Hala! Hindi nga? Saan mo naman nalaman iyan?" sabi ng kausap niya. "Hindi mo ba nabasa iyong group chat natin?" "Oo nga! hala baka sumugod dito ang asawa ni sir Charles kapag nalaman niya na nandito iyong anak niya sa mistress niya" narinig kong sabi nila. May naglakad na isang lalaki papunta sa direksiyon ko kaya inayos ko sarili ko. Nagtaka ako kung bakit nilagpasan niya ako. Iyon pala makikichismis din siya sa dalawang babaeng nagchichismisan sa likod ko. "Mga mars ano iyang pinag-uusapan niyo pasali naman" inulit ulit ng isa sa kanila iyong pinaguusapan nila kanina pa. "Oo narinig ko nga iyan mga mars! Hinanap ko nga ang pictures ng lalaki online pero walang nalabas." Ah lalaki pala ang anak ni sir Charles sa kabit niya. "At eto pa, iyong anak ni mam Harley dito din magiintern" Pabulong na sabi ng isang babae. "Talaga? Naku! Sa wakas madadagdagan na din ang mga guwapo dito sa kumpanya" sabay tawa nila ng mahina. "Sandali nga ano bang pangalan ng anak ni mam Harley" Di ko na narinig iyong nireply ng kausap nila kasi tinawag na ako ng receptionist. Di ko tuloy nalaman pangalan ng lalaki. Chismosa ka din talaga Kylie! Sinundan ko lang iyong receptionist papasok kami sa office ng Editor-In-Chief. Babae iyong magiinterview sa akin. Nasa 40s na din. Hindi naman siya mukhang mataray. Halata naman na sa suot niya ay fashionista. Binasa ko iyong nakasulat sa glass desk name plate niya, Ms. Harley Augustus. Kaapelyido niya iyong kaklase ko dati. Teka... Augustus? Ibig sabihin siya may-ari ng Augustus Publishing Corporation? Hay, kinabahan tuloy ako bigla. Umupo na si mam Harley tapos tinignan niya muna ang resume ko. "You know what you have a very impressive resume" sabi ni mam. "Thank you mam!" Kinakabahan na sabi ko. Buong buhay ko ngayon palang ako maiinterview. Sabi sa CommWork short for Communication in the workplace, palagi daw maghahanda sa mga itatanong at palagi ding magiingat sa mga isasagot mo. Dapat formal din daw ang pananamit. Tapos alamin mo ang position na inaaplayan mo. "Okay let's start" sabi ni mam Harley. Nagsimula kami sa basic interview questions katulad ng Tell me something about yourself that is not written on your resume, why do you want to have your internship at the company, why did you choose this company? Mga ganun! Pagkatapos tungkol na sa kurso ang itinanong at kung kailan daw ako nahilig sa pagsusulat. Siyempre sinagot ko si mam honestly, kasi nga di ba Honesty is the best policy? Napatagal iyong interview, siguro din kasi nagustuhan din naman iyong mga sagot ko sa kanya. Pagkatapos ng interview lumabas na ako. Tinawag naman ni mam Harley iyong assistant niya para itawag sa reception na tawagin na iyong anak niya. My gosh! Pagkakataon ko ng malaman kung ano ang itsura ng anak ni mam Harley. "Dito na po tayo mam" tinuro sa akin ng receptionist ang daan pa-elevator. Tapos pumasok na ulit siya sa loob at tinawag ang isang lalaki. Sinilip ko siya pero di ko makita mukha niya. Iyon na siguro ang... "Omg! Ang guwapo ng anak ni mam Harley" tama nga iyong lalaking iyon ang anak ni mam Harley. Sayang di ko tuloy nakita. Paglabas ko ng elevator sakto namang tumawag si Karlo. "Babe, tanggap ako!" Dahan-dahan ko pang sinabi iyon sa kanya para may thrill. "Wow congratulations babe di ba sabi ko sa iyo e makakapasa ka diyan" sigaw niya sa kabilang linya. "Alam mo ba babe iyong nag-interview ang may-ari ng company na ito" sabi ko. "O? Eh di kinabahan ka ng todo?" "Um, oo! Pero di ako nagpadala sa kaba ko" "That's good to hear babe" masayang sabi ni Karlo. "Buti nalang diyan ko sinabi sa iyo na mag-apply ka kaysa doon sa pinagpipilitan mo dati" dagdag pa niya. Gusto ko kasi talaga sa production companies ako mag-intern. Nagpasa ako dati ng application ko sa VilNet o Villarasa Network and Production Company, ang isa sa mga pinaka-malalaking TV networks dito. Naghahire kasi sila ng interns sa production. Kaso pagkasabi ko palang kay Karlo na nagpasa ako ng application sa kanila nagsabi siya kaagad na masyado daw malayo ang company na iyon. Mapapagod din daw ako ng todo sa biyahe. Oo inaamin ko na masyadong malayo iyon pero kaya ko namang tiisin ang lahat ng iyon. Wala na tuloy akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. "Tama ka babe! O siya tapusin niyo na iyang ginagawa niyo. Usap nalang ulit tayo mamaya. Bye! I love you!" "I love you too! Ingat!" Pinatay ko na ang tawag. Tumingin ako sa langit at nasabi ko sa sarili ko na "Tiyaga lang!" Pumara na ako ng taxi.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD