Kabanata 2

1056 Words
Hapon pa ang pasok namin ngayong Tuesday para sa documentary discourse subject namin na isa sa mga major subjects namin. Pagpasok ko meron na namang mga snacks at drinks with letters sa upuan ni Karlo na galing sa kanyang 'admirers'. Binasa ko iyong isa. Hi Karlo, energy drink para sa iyo - K. K? As in K. ganon? Well, kilala ko naman kung sino iyon. Nagulat ako sa biglang kumuha ng note na binabasa ko. "Hindi ito para sa iyo" sabi ng isang admirer niya na kaklase namin. Di na ako sumagot pa at umupo nalang. Na-late ng fifteen minutes si Karlo. Buti nalang at mabait si mam Balidoy. Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko, kaya tinignan ko kung sinong nag-message sa akin. Sorry po na-late Hahaha mag-sorry ka kay mam hindi sa akin. Tumingin ako kay Karlo nag-peace sign siya sa akin. Sorry nalang kayong admirers niya dahil may Kylie na siya na mahal na mahal niya. Pagkatapos ng discussion sabi ni mam na may gagawin daw kaming report para next week. Kailangan daw naming pumili ng isang international at local documentary na gagawan namin ng analysis. Kaso 3 members lang dapat sa isang group. Automatic ng groupmates kaming apat. Kaso nga apat kami so kailangan namin mag-tanggal ng isa. "Bakit kaya hindi niyo nalang kunin si Marian. Mukha namang wala pa siyang groupmate" pagkasabi ni Jonas non bigla namang lumapit si Marian sa amin at tama nga si Jonas dahil wala pa siyang groupmate. Di naman nag-alinlangan si Karlo na payagan si Marian. "Jaymee di ko na sa amin" sigaw ni Jonas sa isa naming kaklase. Pinag-usapan namin kung anong local at international documentary ang irereport namin. "Siguro mag-tingin muna tayo ng mga GMA documentaries" sabi ko. Minsan nakakapanood ako ng GMA Documentaries lalo na kapag gabing gabi na ako nakakatulog. "Sige, ah bale gagawa ako ng group chat nating tatlo tapos send niyo doon iyong suggestions niyo" ani Marian habang nakangiti. Tumango naman kaming dalawa ni Karlo. Nakikinig lang din siya sa mga pinagsasabi namin ni Marian. "Nakahanap ka na ba ng Ojt site?" Tanong niya sa akin habang naglalakad kami sa hallway. Nauuna naman sa amin iyong tatlo. "Hindi pa. Ikaw?" Sabi ko. "May nag-reply na sa akin doon sa mga inaplayan ko pero wala akong mapili sa kanila" "Ah, anong field ba balak mo na maging trabaho? Ako kasi gusto ko pang-media production kaya production companies ang hinahanap ko" share ko sa kanya. "Kahit saang field ang gusto ko malawak naman ang course natin" may punto siya doon. Kahit saan kasi pwede kaming mag-apply basta pwedeng ma-apply iyong course namin. Pwede kami sa mga Public Relations, Advertising, at Media Production companies. "Si Karlo ba saan niya balak?" "Ang alam ko nag-apply siya sa New Era Film pero di niya pa sinasabi niya sa akin kung natanggap na siya" siyempre girlfriend ako eh kaya alam ko iyong nangyayari sa buhay niya. "Ganun ba? Grabe kilalang kilala mo talaga ang bestfriend mo" bestfriend? Oo nga pala akala ng mga kaklase ko, bukod kina Jonas at Anna, na bestfriend lang ako ni Karlo. Mukha ba talagang bestfriend niya lang ako? "Mabuti noh di nahuhulog loob niyo sa isa't-isa?" Nanlaki mata ko sa tanong niya. "Kasi siyempre palagi kayong magkasama tapos sina Jonas at Anna mag-bf/gf" pagtutuloy niya. "O-oo, hi-hindi talaga mahuhulog loob ko sa kanya. Ayokong mapag-usapan sa buong school noh saka ayokong may makaaway na mga nagkaka-crush sa kanya" palusot ko nalang. Pinasabay na din namin si Marian pauwi. Madadaanan din kasi namin iyong dorm niya papunta sa amin. Sina Jonas at Anna ibinababa nalang namin sa sakayan ng tricycle. Inihahatid niya kasi si Anna sa kanila. Kaming tatlo lang talaga nina Jonas at Anna ang magkakaibigan. Highschool palang kami. Kababata ko rin si Jonas. Iisang section lang kami ni Jonas. Si Anna naman sa section A. Akala ng mga kaklase namin noon kami ni Jonas kasi palagi kaming magkasabay umuwi. Ang hindi nila alam kaya siya sumasabay sa akin pauwi dahil pinapasaby na siya ni Daddy kapag sinusundo kami ni Kai ng driver. Kunsabagay kapit-bahay ko lang naman siya. Sa akin niya sinasabi ang lahat ng sikreto niya. Sa akin din siya nagpatulong na ligawan si Anna. Pareho daw kasi kaming babae, kaya gusto niya daw malaman kung ano ba ang gusto ng mga babae. Ang hirap di ba? Ako pa pinatulong niya eh ako iyong never pa nagkaroon ng boyfriend noon. Kaya tinanong ko nalang si daddy. Sinunod naman niya ang advice ni daddy at naging effective naman ang advice niya kaya napasagot niya si Anna. Ending tuloy naging third wheel ako sa kanila. Pero at least naalis na iyong rumor na kami ni Jonas. Akala ko nga magkakahiwalay na kami after highschool pero hindi rin pala kasi pare-pareho kami ng course na kinuha at ng university na pinili. Bukod sa pagiging third wheel ako rin nagiging daan para magkaayos silang dalawa. Ngayong college na kami hindi na ako THIRD WHEEL, kasi dumating na sa buhay ko si Karlo. Si Karlo na secret boyfriend ko na ng almost 3 years. Si Karlo na campus crush. Si Karlo na maraming admirers. Si Karlo na model ng school. Minsan nga tinatanong ko siya kung bakit ako ang nagustuhan niya eh mas madami namang maganda sa university kaysa sa akin. Pero ang lagi niya lang sagot ay dahil mas mahal daw niya ako at mas maganda sa kanila. Enebe, kinikilig kaya ako! Ngayon nag-uusap kami ni Karlo habang inaayos niya iyong thesis nila ni Jonas. Paano ba naman kasi nabagsak nila iyong Communication Research 2. "Kakatapos ko lang ayusin itong thesis files namin. Habang naghahanap kami ng OJT site magpapa-survey na kami. Nakausap naman na namin si mam Cachuela kanina" si mam Cachuela ang thesis advisor nila. Ako naman nagsesend ng resume sa ibang possible Ojt sites. "Mabuti iyan. Huwag na kayong tamarin din kasi. Saka pakinggan niyo ng mabuti si mam" advice ko sa kaniya. "Opo" sabi niya ng nakangiti. "Ano pala ginagawa mo ngayon?" "Nagsesend ako ng mga resume sa nga production companies. Sana nga may good news na kaagad." Humilata ako saglit sa kama. "Magkakaroon iyan" Sana nga. Tumingin ulit ako sa laptop at nanlaki ang mata ko sa good news. Dear Ms. Kylie Lozada, Thank you for your interest at Augustus Publishing Corporation. We would like to invite your for an interview this Friday at 10 am in our company. - Johanna Guevarra, recruitment head. "Omg! May interview na kaagad ako" sabi ko kay Karlo. "Talaga saan?" "Sa Augustus Publishing Corporation" "Wow! Congratulations!" "Congratulations kaagad? Eh interview palang ito" "Sus ikaw pa kayang-kaya mo iyan" kaya mahal na mahal ko itong jowa ko na ito kasi ang supportive niya. "Salamat! I love you! Galingan niyo din diyan" Bulong ko. "I love you too. Opo!" Nagbabay na kami kasi inaantok na rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD