Kabanata 4

1841 Words
Mother I was still pissed from the fact that Zadkiel ridiculed the hell out of me. Umiinit ang aking ulo at tumataas ang aking altapresyon kapag naaalala ang tagpo naming iyon, kaya naman hanggang sa pag-uwi ko sa mansion ng mga Castañanez ay dala ko pa rin ang panggigil ko sa kaniya. I was really embarrassed. Damn that man! Kulang na lang talaga ay kainin ako ng lupa sa kaniyang harapan. Pati tuloy ang mga bagay na hindi ko naman ginagawa ay nagawa ko sa kaniya kanina. Bumusina ako ng sunod-sunod sa harap ng mataas na gate ng mansion, pinanggigilan ko ang horn ng aking sasakyan hanggang sa dumating ang mga guards upang tingnan kung sino ang dumating. Namangha pa ang mga taong-bantay nang makita nila akong dumungaw sa bintana ng aking kotse. Their eyes bugged out in surprise as their lips uttered the word, Señorita. “Hi, long time no see. It’s been seven years, right?” I greeted them before a wide grin came out of my lips. Para namang sinindihan ang kanilang mga pang-upo dahil sa pagmamadali nilang buksan ang gate. I wasn't expecting that my family would rejoice when they saw me, coming back to this fiery pit house. Hindi nila ako gustong umuwi. Ang akala ko noong una ay ang pamilya ko lang ang may ayaw sa akin dito pero nalaman kong buong angkan pala ng Castañanez ang kalaban ko. “Welcome home, Adi,” bati ko sa aking sarili habang igina-garahe ang aking kotse. Back in the old days, I'm still not welcome here. Suminghap muna ako ng maraming hangin bago ko napagpasyahang pumasok sa loob ng aming bahay. When I finally set my feet on the entrance, I was a little bit shocked because they changed the interior design of the house, making it looked more sophisticated. Ang dami na nga talagang nagbago sa loob ng pitong taon. Kagaya ko, ibang-iba na rin ako ngayon, hindi ko na hahayang sila na naman ang magdesiyon sa aking buhay. “Nandito ka na pala,” Ate Ami greeted like she saw a ghost in her past. Hindi siya makangiti at hindi rin makagalaw sa kaniyang kinatatayuan, kaya naman napangisi ako bago ko inilibot ang aking paningin sa aming bahay na minana pa ng daddy sa aming great-great ancentors. Ibinalik ko lamang ang aking tingin sa kaniya nang tanungin niya kung bakit ako nandito. Hindi niya yata alam na mismong si daddy ang pumayag na umuwi na ako ng Laquiero. Pagak akong napatawa nang malamang hindi siya na-inform. She was still the sweet and innocent Ahdara Mirela, well atleast that's what our family knew about her. Nabalitaan ko ang kaniyang kasal nitong nakaraang buwan ngunit hindi ako pinayagang makadalo kahit na nagpumilit ako. They wanted the wedding to be solemn and that won't happen if I would attend, they said. I was known as a disgrace to my family and I don’t know why. Hindi naman daw ako ampon sabi ng mga pinsan ko ngunit iba talaga ang tingin sa akin ng mga kamag-anak ko, lalo na ng mga matatandang Castañanez. “Kumusta? Ilang buwan na iyan, ate?” I asked out of curiosity then my eyes traveled on her baby bump. I curved my lips when she couldn't reply. “Adi, katutuntong mo pa lang ng pamamahay ko ay kung ano-ano na ang pinagsasabi mo sa ate mo!” pag-aasik ni Daddy kaya lalong lumapad ang aking ngiti. Nagkibit-balikat ako at inismiran silang dalawa. There he goes again. Ang kampihan ang kaniyang panganay. Wala pa nga akong sinasabing hindi maganda ay pinagbibintangan na kaagad ako. Hindi niya ba kukumustahin kung anong nangyari sa akin noong ipinatapon niya ako sa Liazarde kahit hindi ko alam ang totoong dahilan niyon? “I was just wondering, dad. She's your innocent and righteous daughter after all. I am just worried because of the news telling that her husband doesn't love her and what happened was just a shotgun marriage,” I laughed out loud while looking at my sister who seemed to be trying to disguise as an angel in front of our father. She was always like that, hiding her tails using her innocent face. Pero kapag wala ang mga magulang namin ay doon ipinapakita ang itim niyang pakpak upang tuyain ako. Nakakainis lamang dahil ni isa sa mga tagpong inaaway at pinagsasalitaan ako ng masasakit ni Ate Ami ay hindi nakita ng mga magulang ko. “Kailan ang balik mo ng Liazarde?” biglang tanong ni Mommy na lumabas kung saan, bago lumapit kay Ate. She patted my sister's back while comforting her. Ngumiti naman si Ate Ami kaya lalo akong nainis. “Don't be excited, Mom. Uuwi at aalis ako kung kailan ko gusto,” I answered before I climbed up the stairs towards my room. Hindi ko na kinaya ang inis kaya nag-walk-out na lamang ako.  Padabog kong isinara ang pinto ng aking kwarto nang makapasok ako, kasabay nang pagngiti ko ng mapait. Kahit gaano pala ang pagkamuhi ko sa aking pamilya ay gusto ko pa ring makatanggap ng mainit na yakap mula kay na mommy at daddy. Gusto ko ring maramdaman na isa akong Castañanez kahit na sandali lamang. Dahil sa ginawa nilang iyon kanina ay lalong nagliyab ang aking damdamin upang ipagpatuloy ang sinimulan kong plano. I would never treat my child like how they treated me. Ibibigay ko sa aking anak ang pagmamahal na hindi naibigay sa akin ng aking mga magulang. He or she would never suffer this kind of pain. Iyon ang naglaro sa aking isip hanggang sa mahiga ako sa aking kama at makatulog nang dahil sa pagod sa biyahe. THE NEXT DAY, I woke up early because I set an appointment to my ob-gyne. Magpapa-check-up ako upang malaman kung maayos ang aking matres at kung kaya kong magdala ng bata sa sinapupunan. Abot hanggang tainga ang aking ngiti nang sabihin ng doktor ko ang naging resulta ng mga tests na ginawa namin. I am perfectly fine. Sperm donor na lang ang kailangan ko upang magkaroon na ako ng baby. Mayroon na rin akong lalaking nasa isip at hindi ko na kailangan ng tulong ng aking mga kaibigan. I was thinking of  Zadkiel because he exceeded the list of standards I want for a donor. Siya ang gusto kong maging sperm donor, ngunit alam kong mahirap siyang mapapayag kaya hahanap ako ng tiyansa para maisagawa ang aking plano. Kahit nakawin ko pa ang sperm niya ay papatusin ko. Napahalakhak ako nang maisip iyon. Hindi ko naalala na nasa hospital pa rin pala ako. The people I passed by were all staring at me. Nanghingi naman ako ng paumanhin pagkatapos ay nginitian ang mga tao. I just couldn't blame my brain from having sexy thoughts like that. “A-ate? Ikaw ba iyan?” asked by a seventeen-year old girl after we almost bumped each other. Napakunot naman ang aking noo at matamang pinag-aralan ang mukha ng isang dalagang nasa sa aking harapan. Pilit kong inaalala kung saan ko siya nakita ngunit hindi ko naman matandaan kaya natulala ako nang wala sa oras. I was hundred percent sure that I already saw her face before, I just couldn't remember when and where. “Ate, ako po ito, si Eilys,” she stated while giggling. Kahit na nalilito ay unti-unting nanumbalik sa aking alaala kung sino ang kaharap ko ngayon. Sumigla ang aking damdamin at hindi rin mabura ang ngiti sa aking mga labi. Ang aking dibdib ay hindi magkamayaw sa tuwa habang ang aking mga braso ay kusang yumakap sa kaniya. “Eilys, kumusta ka na?” I screamed in happiness before I removed my arms around her. I still couldn't believe that I would see her today. I hugged her again before I patted her head.   Sa paglipas ng panahon ay hindi ko na siya nakilala kaya naman bigla akong nahiya. Baka sabihin niya ay nawala lang ako ng ilang taon ay hindi na ako nakakilala. Humingi kaagad ako ng paumanhin pero nginitian niya lang ako at tuwang-tuwang nagtatalon-talon sa hallway kaya pinagtinginan na kami ng mga tao sa aming paligid. “Ang liit mo pa dati. Ngayon ay matatangkaran mo na ako,” I commented as I was measuring her height. Kung dati ay musmos na bata pa lamang siya, ngayon naman ay dalagang-dalaga na at halos hanggang tainga ko na siya. Kay bilis talaga ng panahon, hindi pa rin ako makapaniwalang si Eilys na itong kaharap ko ngayon. “Syempre naman ate. Seventeen years old na po kaya ako,” she answered while grinning. Natuwa naman ako sa kanyang inaakto. She turned out to be a beautiful young lady, but for me she was still the child that I used to know, seven years ago. “Ang tagal ko po kayong hindi nakita. Akala ko sa internet at sa TV ko na lang kayo makikita. By the way, fan niyo po ako ate. Halos lahat ng libro niyo ay mayroon ako sa bahay.” My mouth formed a circle before I laughed uncomfortably. Parang gusto kong mahiya dahil sa nilalaman ng aking mga libro. I mouthed thank you to her before I squeezed her hand. Hindi niya naman binibitiwan ang aking kamay, para bang tatakbuhan ko siya kaya ayaw niya akong pakawalan. Napangiti na lamang ako ngunit nang mapagmasdan ko ang namumugto niyang mga mata at ang pagkakaroon niya ng eyebags ay bigla akong nangamba at na-realize kong nasa hospital nga pala kaming dalawa. Terror knocked on my chest when a bad idea came into my mind. May nangyari bang masama kay Zadkiel o sa kahit sinong miyembro ng kanilang pamilya? “Anong ginagawa mo rito sa hospital, Eilys?” I asked while my heart was pounding way faster than the usual. Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa aking kamay at biglang nag-unahang umagos ang luha sa kaniyang magkabilang pisngi. “May nangyari bang hindi maganda?” I continuously inquired while wiping her tears. Ang pagtaas at pagbaba ng kaniyang balikat ay tila nakapagdala ng matindig habag sa akin. Pati akong hindi naman iyakin ay nadadala at nangingilid ang mga luha. My heart started to race as my brain couldn't function properly. I was waiting for her answer while my entire system was surrounded by agony and fear. Hindi kaagad siya nakasagot dahil sa kaniyang mga paghikbi kaya pinaupo ko muna siya sa mga nakahalerang upuan pagkatapos ay hinaplos ko ang kaniyang likod upang pakalmahin siya.  After minutes of sobbing, she finally got relaxed. She inhaled and exhaled first before she looked at me like she found her savior. “Ang nanay po kasi,” she introduced, causing a strong painful sound of a drum roared in my chest. I didn't know that tears started to fall onto my cheeks as she told me the whole story. Napuno ako ng pag-aalala habang inaalala ang mga magagandang bagay na nagawa ni nanay para sa akin. “Nasaan ang nanay?” gulong-gulo kong tanong habang nagmamadaling hinila si Eilys para magpasama kung nasaan man ngayon si nanay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD