Castañanez “ANO ang ginagawa mo rito, Vallejo?” umuugong na tanong ni Daddy bago lumakad papalapit sa amin. Lalo naman akong itinago ni Zadkiel sa kaniyang likuran pagkatapos ay lumapit si Masien at hinawakan ako sa braso. My father, the tyrant Castañanez was standing in front of us. Unti-unting gumuguho ang mundo ko habang pinagmamasdan ang naninibughong mukha ng aking ama. He was like a lion and I was already hearing his roars even if he still wasn't trying to do anything. “Mirela Adeena, come here. Sumama ka sa akin, mag-uusap tayo sa loob,” he ordered using his authoritarian voice while he was still glaring to Zadkiel on my side. Tumitig ako kay Zadkiel, inaalam kung ano ang gagawin naming dalawa laban sa aking ama. I saw glints of anger and disgust on his face as he stared back t

